11 PA TUMBA SA PANDEMYA SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng 11 namatay sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area dahil sa COVID-19 noong Marso 19. Bumanderang muli sa dami ng mga namatay at active cases ang Caloocan City, na nalagasan ng anim na pasyente at umalagwa sa 1,037 ang active cases. Umabot na sa 16,181 ang mga tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, kung saan 14,621 na ang gumaling at 514 ang namatay. Nabatid naman sa Malabon City Health Department na tatlo ang namatay sa lungsod sa nasabing araw, 97 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan…

Read More

STEAM CAMPAIGN

MARAMING nagse-share sa social media ng mga paraan para labanan ang coronavirus tulad ng steam theraphy kahit noong nagsimula pa lamang manalasa ang virus na ito na nagmula sa Wuhan, China. Ngayon ay malala na naman ang sitwasyon dahil sa pagdami ng kaso ng COVID-19 na iba-iba na ang klase o variant sa kabila na daan-daang bilyong piso na ang nagastos ng ­gobyerno. Kaya muling ibinabahagi lalo na sa social media kung papaano nakakatulong ang steam theraphy. Ang virus daw ay nakatago sa likod ng paranasal sinus sa loob ng…

Read More

GOOD VIBES MUNA TAYO

NAKAKATUWANG isipin kung ganito ang malalaman natin sa ating mga kababayan tulad nang nakuha nating impormasyon tungkol sa talentadong Pinoy na si Dr. Deo ­Florence Onda. Bakit kamo? Si Dr. Deo Florence L. Onda, isang University of the Philippines (UP) Scientist lang naman ang kauna-unahang Pinoy na makakarating sa tinaguriang ‘3rd deepest spot on earth’. Pambihira ang kakayanan ni Dr. Onda. Siya ay isang Microbial ­Oceagrapher na kauna-unahang tao at Pinoy na makararating sa pangatlong pinakamalalim na bahagi ng mundo na matatagpuan sa tinatawag na Philippine Trench. Nasa 10,400 metro…

Read More

SOTTO, WALA NANG MASABI SA 7K COVID CASES

SPEECHLESS na si Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa. Ito ay makaraang madagdagan ng 7,103 ang nagpositibo sa virus nitong Biyernes. “I’m speechless. Whats going on? Whats happening to our country?” mensahe ni Sotto. Kasabay nito, sinabi ni Sotto na kailangan nang ilabas ng executive department ang lahat ng kanilang kagalingan upang maaksyunan ang patuloy na pagtaas ng mga kaso. “Lahat ng galing ng Executive deparment ay ngayon nila ilabas at gamitin. Hindi ko na alam ang sasabihin,” diin pa…

Read More

BINAY: DI AKO TATAKBO SA MATAAS NA POSISYON

MATAPOS isama sa ikinukonsiderang pambato sa mas mataas na posisyon, naglabas ng pahayag si Senador Nancy Binay upang tapusin ang mga ispekulasyon sa kanyang political career. Sa kanyang pahayag, sinabi ni Binay na hindi siya interesadong kumandidato sa mas mataas na posisyon sa 2022 elections. “Being elected into office for the second time, it is more than enough blessing for me–a mother and a housewife who started as an intern–to be given the extraordinary privilege to serve,” pahayag ni Binay. “But I want to end all speculations. I am not…

Read More

ILANG NEGOSYO SUSPENDIDO

BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) mula Marso 19 hanggang Abril 4. Una na rito, ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque ang pansamantalang pagsuspinde sa operasyon ng driving schools, traditional cinemas, videos at interactive game arcades, mga silid-aklatan o mga library, archives, museums at cultural events, limitadong social events at sa mga accredited establishment na inaprubahan ng Department of Tourism (DoT) at limited…

Read More

‘MAXIMUM’ HEALTH STANDARD DINIINAN

PANAHON na para paigtingin pa ng bawat isa ang minimum health standard para masiguro ang kinakailangang proteksiyon laban sa mas mabilis ngayong kumakalat na bagsik ng COVID-19. Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, kung makukumbinsi ka sa mathematical computation ng OCTA research ay talagang matatakot ka. Subalit kung siya lamang aniya ang tatanungin ay ayaw niya na nga sanang tawaging minimum ang umiiral na health standard at sa halip, nangangailangan na aniya ito ng enhancement o upgrading. At kung kailangang magdoble na ng face mask ay mas mabuti, ani Vega…

Read More

Kung muling magla-lockdown BAYANIHAN 3 NAKAUMANG

KUMBINSIDO ang Malakanyang na kailangan magkaroon ng Bayanihan 3 sakali’t mapilitan ang gobyerno na magpatupad ng mas mahigpit na quarantine classification. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, kaakibat kasi ng mas mahigpit na quarantine protocol ay pagsasara ng mga negosyo at otomatikong kawalan ng trabaho ng nakararami kaya ang resulta, gutom sa maraming pamilya. Kung sarado aniya ang ekonomiya ay dito dapat pumasok ang ayuda ng gobyerno sa pamamagitan ng Kongreso para sa ikatlong Bayanihan. Sa kasalukuyan ay walang probisyon para sa ayuda dahil ito ay nasa Bayanihan 1 pa.…

Read More

6 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST

ANIM na katao ang natimbog sa ikinasang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Manila Police District sa Sta. Cruz, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Ayon sa ulat, target ng operasyon ng mga tauhan ni P/Lt. Col. John Guiagui, station commander ng MPD-Station 3, si Lalaine Puno y Arceo, 36, na agad nadakip kasama ang iba pang mga suspek na sina Josephine de Guzman, 52; Renante Dela Cruz, 43; Arnold Bautista, 32; Almer Alipio, 42, at Dan Harvey Tamayo, 44-anyos. Batay sa ulat ni P/Major Pidencio Saballo, hepe…

Read More