PINAALALAHANAN ng Department of Health (DOH) ang publiko kaugnay sa ‘unauthorized selling of COVID-19 vaccines’. Base sa DOH advisory, pinag-iingat ang publiko laban sa organisasyon o mga taong nagbebenta o nag-aalok ng anomang uri ng bakuna na pangontra umano sa COVID-19. Nauna nang binanggit ng DOH, Food and Drug Administration (FDA) at National Task Force against COVID-19 na kailangang makakuha muna ng Emergency Use Authorization o EUA bago pahintulutang magamit ang bakuna laban sa nasabing virus. Hindi rin ito maaaring ibenta sa publiko. Kasabay nito, binalaan ng mga nasabing ahensya…
Read MoreMonth: March 2021
NO. 7 MOST WANTED, 4 PA NADAKIP SA QC
INANUNSYO ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakaaresto sa no.7 most wanted person ng Northern Samar Provincial Police Office, sa pinagsamang operasyon ng mga awtoridad sa Quezon City noong Marso 18. Kinilala ni QCPD Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang suspek na si Edmar Cerbito, 32, taxi driver, tubong Northern Samar. Nadakip ang suspek ng pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng QCPD Crime Investigation Section (CIS), sa ilalim ng pamumuno ni P/Maj. Elmer Monsalve; NCRPO-Regional Intelligence Unit (RIU) at Regional Special Operation Group (RSOG), sa pumumuno ni P/Lt.…
Read MoreBala bayad sa renta KASERA TODAS SA TENANT
BALA ang ibinayad ng tenant sa kanyang kasera nang mairita sa paniningil ng renta sa inuupahang bahay sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Biyernes. Hindi naisalba ng mga doctor ng Mary Johnston Medical Center ang biktimang si Ronaldo Chiapoco na tinamaan ng bala sa leeg at kaliwang bahagi ng katawan. Mabilis namang nagsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Manila Police District at natimbog sa Blk.15, Lot 22, Celina Subdivision, Malagasang, Imus Cavite ang suspek na si Jeremy Norada, 26, ng #150 Sardonyx St., Tondo. Batay sa ulat…
Read MoreSa pasaring na tatakbo siya sa 2022 LACSON SINOPLA NI PACQUIAO
SINOPLA ni Senador Manny Pacquiao si Senador Panfilo Lacson sa pasaring ng huli na gusto niyang tumakbong presidente sa 2022 national elections sa pagsasabing dapat nang itigil ang pamumulitika. Sa video message na ipinadala sa media, sinabi ni Pacquiao na pawang destiny na kaloob ng Panginoon ang pagiging presidente na maraming nangarap, ngunit marami rin ang nabigo. “Ang pagiging presidente ay destiny na kaloob ng Panginoon. Marami nang nangarap, marami na ring nabigo,” ayon kay Pacquiao. Ngunit, aniya, ang tangi niyang hangad na magiging susunod na presidente ay may tunay…
Read MoreMga tserman binalaan ni Isko sa pamumulitika FOOD BOXES NAKATENGGA SA BARANGAY
“HUWAG ninyong pulitikahin, huwag ninyong tenggahin.” Ito ang babala ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa lahat ng kinauukulang barangay chairman matapos makatanggap ng ulat na may mga opisyal ang pinupulitika at tinetengga ng maraming araw sa barangay hall ang food boxes na para sa kanilang nasasakupan imbes na agaran itong ipamudmod sa mga residente. “May nababalitaan kami na dumating na ngayon pero tatlong araw nasa barangay hall. Sa bawat minuto, oras at araw ng delay, may nagugutom. Ipairal n’yo sana sa inyong puso ang malasakit,” sabi ni Moreno…
Read MorePM, UFFC: Pondo ng gobyerno swak sa pangangampanya BONG GO UMEPAL SA TACLOBAN
(NELSON S. BADILLA) NITONG Marso 18, pinangunahan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamamahagi ng titulo ng mga lupa at bahay sa 150 biktima ng superbagyong “Yolanda” noong 2013. Ngunit, sa halip matuwa, kilalanin at pasalamatan ng mga manggagawa, binatikos si Go ng isa sa mga organisasyon ng mga obrero na Partido Manggagawa (PM) dahil kumbinsido itong wala sa hulog ang aksyon ng bagitong senador. Ratsada ng tagapagsalita ng PM na si Wilson Fortaleza: “Halatang-halata na nangangampanya na [si Bong Go]. Puwede namang si Escalada na lang ang namahagi…
Read MoreCAMANAVA ACTIVE COVID CASES, HALOS 3K NA
MULING nakapagtala ng 10 namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 18, habang patuloy ang paglobo ng active cases na umabot na sa 2,895. Sa Caloocan City, anim ang namatay dahil sa pandemya at 931 na ang active cases. Umabot naman sa 16,022 ang total confirmed cases sa siyudad. Sa bilang na ito ay 14,577 na ang gumaling at 514 ang namatay. Isang naman ang binawian ng buhay sa Barangay Tonsuya, Malabon City sa nasabing araw, 39 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay…
Read MoreCOVID-19 cases patuloy sa pagtaas LOCKDOWN AREAS SA QC, SUMIPA SA 34
UMABOT na sa 34 lugar sa Quezon City ang isinailalim sa special concern lockdown areas (SCLA) dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa official social media account ng Quezon City, partikular na mga lugar lamang ang sakop ng SCLA at hindi buong barangay. Kabilang sa mga ito ang No. 64 14th Avenue, Barangay Socorro; No. 64-B Agno Extension, Barangay Tatalon; No. 90 Gonzales Compound, Barangay Balon Bato; No. 50 K-9th Street, Barangay West Kamias; bahagi ng Sitio 5, Jose Abad Santos, Barangay Sta. Lucia;…
Read MoreKinumpirma ng PNP sa Calbayog ‘shootout’ NAKASAGUPA NG GRUPO NI MAYOR AQUINO, MGA PULIS
KINUMPIRMA ng Philippine National Police (PNP) na mga pulis ang nakabarilan ng pangkat ni Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino na ikinamatay ng huli at iba pa noong Marso 8. Ayon kay Col. Ma. Bella Rentuaya, tagapagsalita ng PNP-Eastern Visayas Region, ang sinasabing mga taong nakabarilan ng pangkat ni Aquino ay sina Col. Harry Sucayre, Maj. Cyril Tan, Lt. Julius Armesa, Cpl. Edcil Omega, Capt. Joselito Tabada, SSgt. Romeo Laoyon at SSgt. Neil Cebu. Nilinaw ni Rentuaya na lumabas ang pangalan ng pitong pulis mula sa salaysay ng mga saksi sa…
Read More