CAVITE – Arestado ang tatlong construction worker makaraang maaktuhan sa isinasagawang pot session na isinabay ng mga ito sa pagsusunog ng basura sa bayan ng Magallanes sa lalawigang ito. Kinilala ang mga suspek na sina Albert Estrera, 23; Ridzkan Aizal, 29, at Paul Francis Baldos, 33, pawang mga residente ng Brgy. Urdaneta, Magallanes. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Eddie Gomba Jr. ng Magallanes Police, dakong alas-11:30 noong Miyerkoles ng gabi nang nakatanggap ng tawag ang barangay officials mula sa mga residente hinggil sa pagsusunog ng basura sa Sitio Pantong, Brgy.…
Read MoreMonth: March 2021
Iniwan ang serbisyo para maging crime group leader AWOL COP PATAY SA ENGKWENTRO
BATANGAS – Napatay ang isang AWOL na pulis at lider umano ng criminal group nang manlaban sa mga pulis noong Miyerkoles ng gabi sa Lipa City, sa lalawigang ito. Kinilala ng mga awtoridad ang napatay na si Anthony Cubos alyas “Big Boss”. Nangyari ang insidente sa pagsalakay ng pinagsanib na pwersa ng Lipa City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) at Valenzuela City Police na armado ng warrant of arrest laban kay Cubos dahil sa pagiging mastermind umano sa pagpatay sa isang messenger ng isang kumpanya sa Valenzuela City…
Read MoreBULACAN MAYOR POSITIBO SA COVID-19
BULACAN – Positibo sa COVID-19 ang alkalde ng bayan ng San Ildefonso sa lalawigang ito. Base sa resulta ng swab test na inilabas noong Miyerkoles ng umaga, positibo sa COVID-19 si Mayor Carla Galvez-Tan na agad sumailalim sa 14-day quarantine. Ayon sa kanyang Facebook account, inamin ni Mayor Tan na siya ay nakaranas ng pananakit ng katawan at lalamunan at hirap sa paghinga simula pa noong Lunes kaya agad siyang nagpa-swab test at pagkaraan ay nabatid na positibo sa naturang virus ang alkalde. Kaugnay nito, kumilos na ang mga kawani…
Read More12-taon nagtago sa batas RAPIST NABITAG NG PNP-AKG
NAGWAKAS ang 12 taong pagtatago ng isang puganteng rape suspect makaraang masakote ng mga tauhan ni Philippine National Police – Anti- Kidnapping Group Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo sa law enforcement operation sa Pulang Lupa, Las Piñas City. Ayon kay P/Gen. Estomo, natunton ng kanyang mga tauhan ang pinagtataguan ng suspek na si Joel Beron sa Anthony St., Saint Joseph Subd., Pulang Lupa 2 sa nabanggit na lungsod at inaresto sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape. Ayon sa impormasyong ibinahagi ni PNP-AKG spokesman, P/Lt. Col. Rannie Lumactod,…
Read More4 SUGATAN SA RAMBOL NG MGA SASAKYAN
APAT katao ang sugatan, kabilang ang tatlong rider at angkas na babae, makaraang magkarambola ang ilang sasakyan sa Taft Avenue at Finance Road sa Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Timbog sa mga miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau ang suspek na si Anthony Santos ng Hagonoy, Bulacan, driver ng itim na kotseng Honda (THI-328). Agad namang nilapatan ng paunang lunas ng rescue team ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang mga nasugatan na hindi pa nakukuha ang pagkakakilanlan. Base sa ulat ng District Traffic Enforcement…
Read MoreCAMANAVA COVID DEATHS, UMAKYAT SA 1,297
SAMPU pang bagong namatay sa COVID-19 ang naitala sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Marso 17, habang umakyat na sa 1,297 ang death toll sa pandemya at lumobo sa 2,744 ang active cases. Sa Caloocan City, lima ang namatay sa COVID-19 noong Miyerkoles, 830 ang active cases, habang sumampa sa 15, 850 ang confirmed cases. Sa bilang na ito ay 14,512 ang gumaling at 508 ang namatay. Isa ang namatay sa Brgy. Concepcion, Malabon City, habang 44 ang nadagdag na confirmed cases at sa kabuuan ay 7,899 na…
Read More4 BARANGAY SA CALOOCAN MAY 500 CASES
NAKAPAGTALA ng mahigit 500 kaso ng COVID-19 ang apat na barangay sa Caloocan City noong Marso 17. Base sa data na nakuha ng Peryodiko Filipino Inc. (SAKSINGAYON), hanggang Marso 17, 2021 mula sa Caloocan City COVID-19 updates, nabatid na nangunguna sa may pinakamataas na kaso ng naturang sakit ang Barangay 176 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 1,300, nakarekober 1,204, aktibong kasong 37, namatay 59; sumunod ang Brgy. 177 ng District 1 na may kumpirmadong kasong 760, aktibong kasong 24, nakarekober 707, namatay 29; pangatlo ang Brgy. 171 ng…
Read MoreLOCKDOWN SA KAMARA
KINUMPIRMA ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na positibo siya sa COVID-19 matapos sumailalim sa RT-PCR test na regular na isinasagawa sa mga mambabatas na personal na pumapasok sa Kongreso. “Today, I received the result of my RT-PCR test showing that I am positive for COVID-19. I am scheduled to undergo a second test tomorrow to rule out a false positive result,” anunsyo ni Romualdez noong Miyerkoles ng hatinggabi. Inamin ng mambabatas na nakaranas siya ng mga sintomas ng COVID-19 kaya nang magpositibo ang kanyang swab test ay agad…
Read MoreMatapos mabakunahan HEALTH WORKER PATAY SA COVID
NAKIKIRAMAY ang Malakanyang sa pamilya ng healthcare worker na namatay matapos mabakunahan laban sa COVID-19. “Lumabas kahapon sa balita na may isang healthcare worker ang namatay matapos na mabakunahan..pero namatay po ang ating health care worker dahil sa COVID-19,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Paliwanag naman ni Dr. Rommel Lobo ng Philippine Society of Allergist and Clinical Immunologist at National Adverse Events Following Immunization Committee, ang dahilan ng pagkasawi ng healthcare worker ay dahil sa impeksyon ng coronavirus. Ang nasabing healthcare worker aniya ay nagkaroon ng impeksyon at naging…
Read More