DUMAGUETE PORT BUILDING, AIRPORT PINASINAYAAN NI DUTERTE

PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa matagumpay na proyekto na naglalayong mapahusay ang perpektong pagkakakonekta sa mga isla, pagtataguyod sa buhay na buhay na kalakal at turismo at magdadala ng paglago sa kanayunan. Sa naging talumpati ng pangulo sa pagpapasinaya ng Port Operations Building sa Port Area Looc, Dumaguete City, Negros Oriental, sinabi nito na sa kabila ng pandemya, ang bagong port operations building sa Port of Dumaguete ay nakumpleto noong Oktubre 15, 2020 sa pamamagitan ng pinagsamang pagsisikap ng DOTr, Philippine Ports Authority at concerned…

Read More

PALASYO DEDMA KAY LENI

AYAW pag-aksayahan ng panahon ng Malakanyang ang maagang pamumulitika at pangangampanya ni Vice-President Leni Robredo. Tugon ito sa sinabi ni OVP spokesperson Atty. Barry Gutierrez na masyadong nakatuon ang pansin ng administrasyon sa pag-atake sa pangalawang pangulo, kaysa tugunan ang mga problema ng bansa. “Well, hindi po, hindi po namin siya pinag-aaksayahan ng panahon. Tuloy po ang aming mga pagtatrabaho samantalang si VP Leni po ay namumulitika at nangangampanya na para maging presidente sa pamamagitan po ng kanyang walang tigil na birada sa administrasyon,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.…

Read More

Tiniyak ng Palasyo sa EU ‘BLOODY SUNDAY’ RAIDS IIMBESTIGAHAN

UMAPELA ang Malakanyang sa European Union (EU) delegation sa bansa na bigyan ng tsansa ang pamahalaan na imbestigahan ang nangyaring pagpatay sa siyam na aktibista sa Calabarzon region noong Linggo. Sa ulat, sinabi ng EU na gumamit ng “excessive force” ang kapulisan at sundalo laban sa 9 aktibista at ang diumano’y iregularidad sa law enforcement operations ay nagdulot ng malaking alalahanin. “I ask the EU to please give the Philippines a chance to discharge its obligation to investigate, punish and prosecute those who may have breached our domestic laws,” ang…

Read More

30M DOSES NG NOVAVAX INAASAHAN NG PH

MAAARING makatanggap ang Pilipinas ng 30 milyong doses ng India-manufactured coronavirus vaccine mula sa American firm Novavax sa second quarter o third quarter ng taon sa oras na malagdaan na ang kasunduan. Sinabi ni Ambassador Shambhu Kumaran na gumugulong na ang pag-uusap ng Indian officials at ni Philippine vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. para sa supply ng Novavax vaccines. “The discussions are essentially underway for 30 million doses and I believe that the Philippine side is interested in a larger number and that detail is being currently negotiated,” ani…

Read More

OCTA SA IATF: LIQUOR BAN MULING IPATUPAD

KUNG pakikinggan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang OCTA Research Group, obligadong ipatupad ng una ang liquor ban at limitahan ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga bahay sa National Capital Region (NCR). Iminungkahi ito ni Dr. Guido David ng OCTA dahil sa biglang taas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa NCR simula Marso. Nakita rin ni David batay sa datos na nakalap ng OCTA na “malaki ang posibilidad” na pumalo sa 6,000 bilang ng mga magkakaroon ng COVID-19 araw-araw sa susunod na…

Read More

Sisilipin sa Kamara PULITIKA SA PATAYAN SA CALBAYOG

(BERNARD TAGUINOD) BUBUSISIIN sa Kamara ang kaugnayan sa pulitika ng mga kaso ng pagpatay sa lungsod ng Calbayog kasunod ng pagkakapatay kay Mayor Ronaldo Aquino nitong Lunes ng hapon. Naghain na ng panukala si Samar 1st District Congressman Edgar Mary Sarmiento para imbestigahan ang kontrobersyal na pagpatay kay Aquino at sa ilang tauhan nito. Sa House Resolution (HR) na inihain ni Sarmiento, nais nitong atasan ang House committee on public order and safety na manguna sa imbestigasyon upang malaman ang motibo at sino ang nasa likod ng pagpatay kay Aquino.…

Read More

Mga kongresista binabastos sa Kamara LORD FEELING EMPEROR – DEFENSOR

(BERNARD TAGUINOD) MISTULANG binabastos na ang mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso sa walang pakundangang mga desisyon ng liderato nito. “The House of Representatives under the leadership of Andersen’s Emperor Lord Velasco has done it again.” Ganito pinasaringan ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor si House Speaker Velasco matapos siyang alisin bilang vice chairman ng House committee on legislative franchises bago natapos ang session noong Miyerkoles. Ang hindi umano nagustuhan ni Defensor ay ang pagtanggal maging sa mga hardworking congressmen na sina Zamboanga Sibugay Rep. Sharky Palma at Quezon…

Read More

NTC pinasasagot ng senador sa alegasyon ng IT advocacy group FIRST NETWORK AUDIT NG DITO – CHINATEL INAKUSAHANG DEFECTIVE

DAPAT sagutin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang alegasyon ng isang IT advocacy group hinggil sa technical audit nito sa DITO-ChinaTel, ayon kay Senadora Risa Hontiveros. “If the agency will not be able to do so, it will only add to the public’s suspicion that it may be at the behest of the China-backed third telco. Hawak sa leeg din ba ng Tsina ang sarili nating ahensiya?” pagtatanong ni Hontiveros. Ang franchise renewal ng third telco ay inaprubahan ng mga senador sa committee level sa gitna ng alegasyon ng Democracy.Net.Ph…

Read More

Dalawang Conference na torneo inihahanda sa 46th Season ng PBA

MAKARAANG malampasan ang isang taong lockdown na ipinatupad ng pamahalaan para masupil ang malawakang paglaganap ng pandemya na COVID-19, sisikapin ng ­Philippine Basketball Association o PBA na ituloy ang pakinabang na natamo sa isang conference na torneo bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo nito noong nakaraang taon. Ang 2020 Philipine Cup lamang ang matagumpay na nairaos ng kauna-unahang liga propesyonal sa bansa at Asya na pinagwagihan ng Barangay Ginebra Gin Kings laban sa Talk ‘N Text Tropang Giga. At ngayong taon, para ipagdiwang ang ika-46 na anibersaryo ng liga, nakatakdang maghandog…

Read More