HIPAG NAPATAY DAHIL SA TSISMIS

DAVAO City – Patay ang isang babae makaraang saksakin ng kanyang hipag na itsinismis umano ng biktima na nanlalaki sa Sitio Kinawayan, Brgy. Baganihan, Marilog District. Agad namang nadakip ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang si Irene Pepe Oral, residente ng nabanggit na lugar. Hindi naman umabot nang buhay sa Central 911 clinic ang biktimang si Delia Lintobad Mamayas dahil sa matinding sugat sa katawan. Naninindigan ang suspek na self-defense ang nangyari dahil una umano siyang inatake ng biktima. Batay sa salaysay ni Oral, bigla siyang sinunggaban ng biktima habang…

Read More

Lubog sa utang PULIS NAGBARIL SA SARILI

CAVITE – Hinihinalang dahil sa pagkalubog sa utang kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili, ang isang pulis sa loob ng kanilang bahay sa bayan ng Tanza. Kinilala lamang ang biktima na si P/SSgt. Ruel, 34, nakatalaga sa Trece Martires City Police. Ayon sa salaysay ng kapatid na si Lorna, 40, dakong alas-4:00 nitong Huwebes ng madaling araw nang dumating ang biktima at nagpalit ng damit saka humiga sa kanilang sala. Makalipas ang ilang minuto ay pumasok ito sa banyo na sinundan ng putok ng baril. Agad ginising ni…

Read More

PROCESSING CENTER ITINUTULAK SA GITNA NG PROBLEMA SA PABAHAY

HINIMOK ni Rep. Florida Robes ng San Jose Del Monte, Bulacan ang gobyerno na bawasan ang red tape, pasimplehin ang mga paraan at magtatag ng isang processing center upang masolusyunan ang problema ng pabahay sa bansa. Sinabi ito ni Robes sa “Building Better Homes, Living Sustainable Lives” open forum nitong Miyerkoles sa San Jose Del Monte Convention Center, Bulacan na naglalayong gumawa ng mga solusyon sa kakulangan sa pabahay. “Patuloy ang mga problemang kinakaharap ng ating gobyerno sa pagbibigay sa bawat Pilipino ng disenteng pabahay,” ani Robes. Sinabi pa ni…

Read More

TANDEM HULI SA BARIL AT SHABU

HINDI nakalusot sa inilatag na checkpoint ng mga tauhan ng Pasong Putik Police Station (PS-16) ang dalawang lalaki matapos mahulihan ang mga ito ng mga baril at shabu sa Brgy. Pasong Putik, Quezon City nitong Huwebes. Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Brigadier General Danilo P. Macerin, ang mga suspek na sina Victor Alferez, 20, motorcycle driver, at Hammad Khaled Husni Hammad, 33-anyos. Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-12:30 ng madaling araw, naglatag ng checkpoint ang mga tauhan ng PS-16 sa Sampaguita St., Brgy. Pasong Putik. Dahil sa hindi pagsusuot…

Read More

CAMANAVA COVID DEATHS UMAKYAT SA 1,234

NAKAPAGTALA ng bagong 15 namatay sa COVID-19 sa Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area noong Marso 10, habang 2,044 na ang bilang ng active cases at pumanhik sa 1,234 ang pandemic death toll. Mula sa 475 noong Marso 7 ay umakyat sa 483 ang bilang ng mga namatay dahil sa pandemya sa Caloocan City noong Marso 10. Umabot sa 15,127 ang confirmed cases sa lungsod kung saan 14,163 na ang gumaling at 481 ang active cases. Tatlo naman ang binawian ng buhay sa Navotas City dahil sa pandemya at lumobo…

Read More

3 NCR CITIES ‘DI SUMUNOD SA WHO COVID TRACING RATIO

LABINGTATLO sa 16 lungsod at isang munisipalidad sa National Capital Region (NCR) ang hindi tumupad sa panuntunan ng World Health Organization (WHO) na isang contract tracer sa bawat 800 katao. Ito ang impormasyon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na inilabas sa media. Ang mga sumunod at nagpatupad ng alituntunin ng WHO ay ang mga siyudad ng Taguig, San Juan at Manila at ang munisipalidad ng Pateros, ayon kay DILG Undersecretary for Operations Epimaco Densing III. Pinayuhan ni Densing ang local government units (LGUs) ng 13 siyudad…

Read More

Sa loob ng isang buwan 200% ITINAAS NG COVID CASES SA QUEZON CITY

MAGPAPATUPAD ng mas mahigpit na health protocols ang lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon matapos na makapagtala ng 200% na pagtaas ng COVID-19 cases sa loob lamang ng isang buwan. Ito ang inihayag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa virtual press conference, upang mapagtuunan ng pansin ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa siyudad. Ito ay matapos na iulat ng City Health Department (CHD) na ang siyudad ay nakapagtala ng 190% na pagtaas ng bagong COVID-19 cases per day, o 218 cases sa pagitan ng Marso 2 at 8…

Read More

ALIENS BINALAAN VS FAKE ENTRY EXEMPTION DOCS

MULING binalaan ng Bureau of Immigration (BI) ang foreign nationals na nagtatangkang magsumite ng fake entry exemption documents sa iba’t ibang ports of entry. Inilabas ang babala ni BI Commissioner Jaime Morente bunsod ng ilang foreign nationals na nagtangkang pumasok sa bansa sa pamamagitan ng pagpapakita ng entry exemption documents na kanilang kinuha mula sa Philippine posts abroad. “Unscrupulous individuals may attempt to falsify such documents,” ani Morente.  “We are warning you not to, as we will be able to easily verify the authenticity of such papers,” pahayag ni Morente.…

Read More

P199-B BUWIS, NAKOLEKTA SA PETROLEUM PRODUCTS

MAHIGIT P199 bilyong halaga ng buwis at duties ang nakolekta ng Bureau of Customs (BOC) at Bureau of Internal Revenue (BIR) mula sa mga produktong petrolyo, ayon sa Department of Finance (DOF). Binaggit ni DOF Secretary Carlos Domiguez III, nakolekta ito sa pamamagitan ng programang “fuel-marking” ng gobyerno. Layunin ng programa na makalikom ng karagdagang pera ang pamahalaan upang ipangsahod sa mga opisyal at kawani ng gobyerno, panustos sa mga programa at proyekto nito at ayuda sa pinakamahihirap na mga pamilya at matatanda. Batay sa datos ng DOF, nakulekta ang…

Read More