CAVITE – Isa ang patay habang 23 hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang nadakip sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa lalawigang ito. Kinilala ang napatay na si Christian Bryan Delia, nasa hustong edad, ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi noong Martes nang nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Dasmariñas City Police at PDEA 4A, sa Zone 2, Brgy. Sampaloc 4 ng naturang lungsod kung saan target si Delia. Ngunit nahalata ng suspek na pulis ang katransaksyon kaya nagpaputok ng baril. Gumanti naman…
Read MoreMonth: March 2021
88 NEW COVID-19 CASES NAITALA SA HANAY NG PNP
SA tala ng PNP-Administrative Support for COVID-19 Task Force (ASCOTF) umabot sa 88 ang nadagdag sa bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP). Sa datos ng PNP Health Service hanggang 6:00, Martes ng gabi (March 9), 11,830 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya. Ayon sa report na ibinahagi ni ASCOTF Commander P/Lt General Guillermo Eleazar, sa nasabing total cases, 633 ang aktibo. 44 namang pulis ang gumaling sa nakahahawang sakit kaya nasa 11,165 na ang total recoveries…
Read More100 PANG FRONTLINERS SA NAVOTAS BINAKUNAHAN
ISA pang batch ng100 frontliners ng Navotas City Hospital (NCH) ang nakatanggap ng CoronaVac shot sa lungsod, nitong Martes. Sinaksihan ni Deputy Chief Implementer of the National Task Force Against COVID-19 and testing czar, Sec. Vince Dizon at Department of Health-National Capital Region Director, Dr. Corazon Flores, ang vaccination sa Navotas Polytechnic College. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan ni Mayor Toby Tiangco ang national government sa pagbibigay sa Navotas ng 200 doses ng CoronaVac vaccines. “We have a surge of covid cases that’s why I asked our national government to send…
Read MoreDILG sa Metro Manila LGUs UNIFORM CURFEW HOURS PAIRALIN
IMINUNGKAHI ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa labing pitong alkalde sa National Capital Region (NCR) na gawing pare-parehong oras ang curfew sa buong Kalakhang Maynila upang hindi mahirapang sumunod ang mga residente. Ani DILG Spokesman Jonathan Malaya: “adopting uniform curfew hours would make it easier for the public to comply because people tend to live and work in different local government units (LGUs)”. “Mahirap po sa ating mga kababayan kung paiba-iba ang curfew hours dahil malilito po sila sa pagsunod nito,” sabi pa ni Malaya. Isasagawa…
Read MoreMANDALUYONG COVID CASES, DUMOBLE
BIGLANG dumoble ang bilang ng mga residenteng tinamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa Lungsod ng Mandaluyong noong Martes. Ayon kay Mayor Menchie Abalos, pumalo sa 276 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod mula sa 134 noong Marso 8 (Lunes). Hindi diretsong tinukoy ni Abalos na United Kingdom at South African COVID-19 variants ang pinagmulan nito, ngunit inamin niyang nagkaroon ang dalawang residente ng lungsod na dinapuan ng nasabing variants. Parehas gumaling na ang dalawa, dugtong ni Abalos. Matatandaang inamin kamakailan ng Department of Health (DOH) na sumipa sa 118…
Read MoreQC PASS IBABALIK SA CALOOCAN
BUNSOD ng naitalang “surge” sa kaso ng mga nagpositibo sa COVID-19, muling ipatutupad ang Color-Coded Quarantine Pass System sa mga palengke at supermarket sa Caloocan City simula nitong Miyerkoles, Marso 10, ayon kay Mayor Oscar Malapitan. Ang mga may orange quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes; at tuwing Linggo mula 5 am hanggang 1:30 pm. Ang mga may green quarantine pass ay maaaring pumunta sa palengke o supermarket mula 5 am hanggang 8 pm tuwing Martes,…
Read More3 STRIKE POLICY SA NAVOTAS
NILAGDAAN ni Navotas City Mayor Toby Tiangco noong Marso 9 ang Memorandum Order No. TMT 2021-033, nakasaad ang pagpapatupad ng “Three-Strike Policy” sa lahat ng mga barangay sa lungsod. “Kung mas maraming nahuhuling mga lumalabag sa safety protocols ang Task Force Disiplina o PNP kaysa mga taga-barangay, at kung maulit ito nang tatlong beses, idudulog po natin ang barangay sa ating Sangguniang Panlungsod dahil sa matinding pagpapabaya sa tungkulin,” ani Tiangco. Binigyang-diin ni Tiangco, ang ‘di kusang pagtalima sa safety measures dagdag ang kabiguang ipatupad ang mga ito, ang pangunahing…
Read MoreMALABON NAKITAAN NA NG UK VARIANT
ISINIWALAT ng pamahalaang lungsod ng Malabon na batay sa isang report mula sa Department of Health, tatlo katao mula sa dalawang barangay ng siyudad ang nagpositibo sa UK variant ng virus. Ayon sa pamahalaang lungsod, base sa pagsusuri ng U.S. Center for Disease Control and Prevention, mas madaling makahawa ang UK variant kaysa orihinal na virus, at ito ang dahilan sa mabilis na pagkalat ng virus nitong nakaraang mga linggo. Doble ingat ang hiling ng pamahalaang lungsod sa mamamayan at binigyang-diin ang pagsunod sa health and safety protocols gaya ng…
Read MoreLOCKDOWN SA WEST KAMIAS, QC PINALAWAK
NAGPATUPAD ng expanded lockdown ang Quezon City government sa Barangay West Kamias para isama ang karagdagang 12 pamilya sa lugar. Noong Marso 3, ang No. 46, K-9th St. sa Barangay West Kamias ay inilagay sa city’s special concern lockdown (SCL) matapos malaman na may tatlong coronavirus cases sa populasyon ng 60 individuals. Ang compound na may 27 pamilya ng mga nangungupahan at informal settlers ang natukoy na hotspot. Umabot sa 72 individuals mula sa nasabing lugar ang isinailalim sa RT-PCR test. Sa bilang na ito ay 28 ang kumpirmadong dinapuan…
Read More