PATAY ang isang lalaki nang mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng kuryente sa Malabon City, nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ang biktimang si Jonathan Constantino, 24, plumber at residente sa #212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan. Sa pahayag sa pulisya ng saksing si Jovirth Labaton, 25, ng #212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Obando, Bulacan, dakong alas-8:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng Unican compound sa #202 Gov. Pascual Ave., Brgy. Catmon, Malabon City. Lumabas…
Read MoreMonth: March 2021
Sa QC ‘misencounter’ 20 QCPD COPS LUMUTANG SA NBI
LUMUTANG sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 20 operatiba ng District Special Operation Unit ng Quezon City Police District (QCPD) upang magbigay ng kanilang paliwanag kaugnay sa nangyaring ‘misencounter’ sa mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) noong Pebrero 24 sa Commonwealth Avenue sa nabanggit na lungsod. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang mga ito sa mga miyembro ng media at sinabing sa NBI muna sila magbibigay ng kanilang panig hinggil sa insidente. Nabatid na nagbigay na rin ng kanilang paliwanag ang ilang miyembro ng PDEA…
Read MoreHindi rehistrado sa BFAD CHINESE, PINOY TIKLO SA P1-M COVID TEST KITS
NATIMBOG ng Navotas City Police ang isang babaeng Chinese national at isang Filipino sa operasyon laban sa pagbebenta ng hindi rehistradong COVID-19 test kits. Dinakip ng mga awtoridad sina Liset Lo Kaw, 40, ng Barangay San Rafael Village, Navotas, at Christian Casanova Cruz, 23, ng Concepcion, Malabon City. Nabatid sa pulisya, ang dalawa ang pinuno umano ng tinaguriang Christian criminal group na ang pronta ay online selling. Naunang inginuso ng Food and Drug Administration na ilegal na nagbebenta sa online ng hindi rehistradong COVID-19 rapid test kits ang dalawang suspek…
Read MoreBIR muling nagpaalala sa pagkuha ng TIN card SCAMMERS SA FB HINDI NATIGIL
MULING nagpalabas ng paalala ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aalok sa Facebook ng tulong sa pagkuha ng Tax Identification Number (TIN). Ayon sa BIR, para sa kaalaman ng lahat, ito po ay hindi awtorisado at hindi pinapayagan ng ahensiya. “Huwag tangkilikin ang mga ilegal na transaksyong ito sa social media sapagkat ito ay ipinagbabawal sa batas. Ang sinumang mahuhuling gumagawa nito ay papatawan ng kaukulang parusa na naaayon sa batas. Sinabi pa ng BIR, ang TIN card ay hindi ipinagbibili. Ito po…
Read MoreNasilip sa Senado IREGULARIDAD SA P500-M LTO SCREWS
IDINEKLARA ni Senador Richard Gordon na mayroong iregularidad ang P500 milyong halaga ng kontrata ng Land Transportation Office (LTO) sa isang pribadong kumpanya tungkol sa turnilyong gagamitin sa mga plaka ng motorsiklo noong 2013. Ang pahayag ni Gordon ay batay sa kanyang nadiskubre nang imbestigahan ng Senate Committee on Good Government o Blue Ribbon Committee, ang LTO hinggil sa mga proyekto nito kaugnay sa pagpapatupad ng umiiral na batas. Ang P500 milyong halaga ng turnilyo ay gagamitin sana sa mga plaka ng mga motorsiklo simula noong 2013 ngunit naudlot ang…
Read MoreTINAMAAN NG BAGONG COVID VARIANTS NADAGDAGAN
TILA sasakit ang ulo ng administrasyong Duterte kahit nagsimula na ang baksinisasyon sa bansa laban sa COVID-19 dahil tumaas na sa 58 Filipino ang kumpirmadong nagkaroon ng South African variant ng nasabing virus mula sa anim na kasong unang natunton noong Marso 2, habang pumalo sa 118 ang kabuuang bilang ng mga Filipino na nagkaroon ng United Kingdom variant. Isinapubliko ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Marso 5, na 52 kaso ang naidagdag na South African variant, o B.1.351 COVID-19. Inihayag sa media ng ilang dalubhasa na higit na…
Read MorePMVIC PINAGPAPALIWANAG SA SENADO
SA halip na magpalabas ng mga patalastas o advertisement, mas makabubuting humarap na lamang sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga private motor vehicle inspection company. Ito ang naging reaksyon ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa inilabas na one page statement sa pahayagan ng PMVICs. “I suggest they all explain their position to the blue ribbon committee,” maikling pahayag ni Recto. Nanindigan naman si Senate Minority Leader Frank Drilon na walang batas na nagbibigay awtoridad sa Land Transportation Office upang i-delegate sa pribadong sektor ang inspeksyon ng mga…
Read MoreSa pagdating ng AstraZeneca PINOY HINIKAYAT NI DUTERTE NA MAGPABAKUNA
UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mamamayang Pilipino na magpabakuna na laban sa COVID-19. Ito’y matapos pangunahan kanina ni Pangulong Duterte ang pagsalubong, pagsaksi at pagtanggap sa bakunang AstraZeneca mula sa COVAX Facility na lumapag sa Villamor Air Base, lungsod ng Pasay. “On this note, I would like to appeal to all our kababayans please get vaccinated against COVID-19 and be the government partner in preventing further spread of the disease. I encourage you to get vaccinated as a soonest possible time. These vaccines are safe and they are…
Read MorePPO MAY VIRTUAL POCKET PERFORMANCES NGAYONG MARSO
Ang Philippine Philharmonic Orchestra ay magkakaroon ng kanilang seryeng online concerts na tinawag na The PPO Spotlight: Virtual Pocket Performances at ito ay gaganapin sa Marso 5 at Marso 19, 2021 ganap na alas-8:00 ng gabi, Biyernes, sa pamamagitan ng website ng Cultural Center of the Philippines. Ang program para sa concert sa Marso 5, na nakatuon sa Movie Themes, tampok ang mga sumusunod na mga piyesa tulad ng “What A Wonderful World” ni Bob Thiele at George David Weiss na patutugtugin ni Edgardo Silangcruz (Flute), “Pie Jesu” ni Andrew Lloyd…
Read More