INAMIN ng Malakanyang na may dalawang opisyal ng pamahalaan ang naturukan ng COVID-19 vaccine kahit wala ang pangalan sa priority list. Gayunman, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ” in good faith” ang pagkakabakuna kina Interior Assistant Secretary Jonathan Malaya at Metropolitan Manila Development Authority public services head Michael Salalima sa Pasay General Hospital. Aminado naman si Sec. Roque na nagkaroon ng mga paglabag sa inoculation strategy ng bansa. “The two, in good faith, thought that they were doing the nation a service by having themselves vaccinated kasi nga,…
Read MoreMonth: March 2021
ZERO WASTE TARGET NG PANUKALA SA KONGRESO
INIHAIN ni Deputy Speaker at Las Piñas Congresswoman Camille Villar ang panukala na naglalayong itaguyod ang zero waste lifestyle sa pamamagitan ng paglilipat ng recycling costs mula sa konsyumer papuntang producers, o mas kilala bilang extended producer responsibility (EPR). Base sa House Bill 8691 o ang Extended Producer Responsibility Act of 2021, producers o manufacturers ang may responsibilidad para sa kanilang produkto, tulad ng pag-recycle at tamang pagtatapon nito na makatutulong sa problema sa basurang dulot ng paggamit ng single-use plastics. “This may be a new concept for us but…
Read MoreKASO VS TRILLANES TULOY
HINDI dapat magsaya si dating Senador Antonio Trillanes IV dahil hindi pa tapos ang administrasyong Duterte sa ginawa niyang dalawang kudeta laban sa rehimen ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Tila ganito ang idineklara ni Justice Secretary Menardo Guevarra matapos ibasura ng Court of Appeals (CA) ang hatol ng isang sangay ng Makati Regional Trial Court (Makati – RTC) sa kasong rebelyon laban kay Trillanes. Idiniin ni Guevarra na hindi pa pinal na tapos ang kasong kriminal ng dating senador dahil kinumpirma ng ikaanim na dibisyon ng CA na “legal” ang…
Read MoreOPISYAL NG PEZA BINIRA NI MARCOS
NAKATIKIM ng pambabatikos ang ilang opisyal ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Senado matapos matuklasan ni Senador Imee Marcos na ipinaubaya ng gobyerno sa pribadong sektor ang inisyatibo sa paglikha ng economic zone upang makahikayat ng mga foreign investment. Lumabas ang patakarang ito nitong Miyerkoles sa kasagsagan ng pagdinig ng Senate Committee on Economic Affairs na tumatalakay sa ilang panukalang batas sa pagtatayo ng bagong economic zones at freeports sa Ilocos Norte, Cavite, Surigao del Sur at Sarangani provinces. Sinabi ni Marcos, chair ng nasabing komite, na nabuking niya…
Read MoreApela ng solon VACCINATION PROGRAM HAYAANG GUMULONG
NANAWAGAN ang isang mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso na bigyan ng pagkakataon ang gobyerno na ipatupad ang immunization program at pagalingin ang bansa sa kasalukuyang pandemya. Ayon kay House Committee on Health chairman Angelina Helen Tan, makabubuting ituon ngayon ang atensyon ng publiko sa kabutihang maidudulot ng bakuna kontra COVID-19 sa halip na sa kasiraan at pagpapakalat ng mga maling impormasyon. Kasabay nito, nilinaw ng mambabatas na hindi siya binakunahan noong Marso 2 sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil binigyan siya ng espesyal na pagtrato. Paglilinaw ni Tan,…
Read More3 OPEN DUMPSITES IPINASARA NG LGU
TULUYAN nang natuldukan ang operasyon ng tatlong illegal dumpsites sa isang tagong bahagi ng Barangay Dolores, Taytay, Rizal bunsod ng reklamong inihain ng mga residente ng nasabing komunidad. Sa tulong ng pinagsanib na pwersa ng mga magkakapitbahay at ng lokal na pamahalaan ay nilinis at tuluyang isinara ang tatlong iligal na tambakan ng basura sa Sitio Bato-bato na nakakubli sa likod ng isang malaking gusali. Ayon kay Vic Badaguas, hepe ng Taytay general services office, sila man ay nagulat sa kanilang dinatnat nang sila ay tumungo sa Sitio Bato-bato, Barangay…
Read More487K DOSES NG BAKUNA MULA SA ASTRAZENECA PARATING NA
INIHAYAG ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go na darating na sa bansa ang tinatayang aabot sa 487,000 na doses ng bakuna mula sa AstraZeneca sa ilalim ng COVAX Facility ng World Health Organization mamayang gabi. Sa pahayag, sinabi ni Go, chairman ng Senate committee on health and demography na personal nilang sasalubungin ni Pangulong Duterte ang pagdating ng bakuna mamayang 7:30 p.m. “Good news po — inaasahan na darating 7:30pm ang 487,200 doses ng mga vaccines mula sa AstraZeneca. At sasalubungin po namin mismo ni Pangulong Duterte ang mga bakuna…
Read MoreWhite Beach ng Boracay, Nacpan Beach ng El Nido pumwesto sa TripAdvisor’s Top Beaches sa Asya
Ipinagdiriwang ng Department of Tourism (DOT) na napasama ang world-famous White Beach ng Boracay na nasa 12th spot at El Nido, Nacpan Beach ng Palawan bilang 18th sa TripAdvisor Travelers’ Choice 2021 Best of the Best Awards Top 25 Beaches – Asia category. “The TripAdvisor recognition is all the more heartwarming as sun and beach have always been the country’s best tourism products. Boracay, well known for its White Beach and El Nido, Palawan, home of Nacpan Beach, are among the first destinations we opened up,” ani Tourism Secretary Bernadette…
Read MoreKULANG SA INFO CAMPAIGN
MAYROON na namang nagkulang sa kanilang trabaho na i-educate ang mamamayang Filipino sa kahalagahan ng bakuna lalo na sa COVID-19 vaccine kaya mayorya sa atin ay takot mabakunahan. Mahigit isang taon na ang COVID-19 na ito na nagsimula sa Wuhan, China noong Nobyembre 2019 at nagdusa ang mga Filipino mula noong Marso 17, 2020 at mula noon pinag-uusapan na ang bakunang binubuo ng mga pharmaceutical companies sa iba’t ibang bansa, Oktubre pa lamang noong nakaraang taon, may mga report na may natuklasan nang bakuna sa COVID-19 pero wala pang ginagawang…
Read More