CAVITE – Kapwa nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang mag-asawa makaraang hatawin ng dos-por-dos ng isang lasing na lalaki nang hindi magpahiram ng lighter ang mga biktima para masindihan ang sigarilyo ng suspek sa Bacoor City, sa lalawigang ito. Nilalapatan ng lunas sa Las Piñas General Hospital ang mag-asawang sina Daniel Duzao at Jenny Duazo, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, dahil sa palo ng dos-por-dos sa ulo at balakang. Arestado naman ang suspek na si Jonel Cahigas, ng nasabi ring lugar. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Albert Badocdoc…
Read MoreMonth: March 2021
MAGSASAKA TODAS SA UTOL NA SEKYU
QUEZON – Patay ang isang magsasaka matapos na barilin ng kanyang nakababatang kapatid na security guard habang nag-iinuman sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, nitong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Benerando Capina Sendon, 52-anyos, habang ang suspek ay ang kapatid nito sa ina na si Roderick Capina Cueto, 50-anyos. Batay sa report, bandang alas-10:30 ng gabi, nag-iinuman ang magkapatid sa bahay ng biktima nang magkaroon ang mga ito ng hindi pagkakaunawaan na nauwi sa mainitang pagtatalo. Umuwi sa kanilang ang bahay ang suspek ngunit agad bumalik na…
Read MoreBINATILYO PATAY SA MOTORSIKLO
CAVITE – Binawian ng buhay ang isang 15-anyos na binatilyo nang bumangga sa concrete barrier ang minamanehong motorsiklo at lumagapak sa isang aspaltadong bahagi ng kalsada sa Tagaytay City, sa lalawigang ito. Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si JayJay, 15, ng Tagaytay City ngunit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat ni Corporal Briann Balani ng Tagaytay City Police, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at angkas si Mark Angel Ferrer, 24, habang binabagtas ang Tagaytay Bypass Road, sakop ng Brgy. Maitim 2nd Central ng naturang lungsod, dakong…
Read MoreLIPA CITY HALL, MAY BOMB THREAT
BATANGAS – Nagulantang ang tanggapan ng Public attorney’s Office ng Lipa City Police dahil sa isang impormasyon na may sasabog na bomba sa kanilang tanggapan nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag sa telepono ni P/SMS. Edgar Dimaandal, imbestigador ng Lipa CPS, bandang alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkoles mula sa ulat ng isang concerned citizen na mayroong pagbabantang pagsabog ng bomba sa tanggapan ng Public Attorney’s Office sa 2nd floor Hall of Justice, Annex Building at Lipa City Hall Building sa Barangay Marauoy, Lipa City. Ayon sa…
Read MoreAKYAT-BAHAY NALAMBAT SA TONDO
BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Manila Police District ang isang 47-anyos na tambay sa isinagawang operasyon sa bisa ng warrant of arrest sa Tondo, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Ruben Corpuz y Camalis, ng #1763 Antonio Rivera St., Tondo. Batay sa ulat ni P/Major Rommel Anicete, hepe ng MPD-General Assignment Investigation Section, bandang alas-12:15 ng madaling araw nang isilbi ang arrest warrant, na inisyu ni Hon. Sergio Mabunay ng Manila Regional Trial Court Branch 24, sa suspek sa bahay nito sa nasabing…
Read More2 BARKO NASUNOG SA NAVOTAS FISH PORT
DALAWANG barkong pangisda ang nasunog habang nakadaong sa Navotas Fish Port noong Lunes ng hapon. Ayon sa ulat, nagsimulang magliyab ang Buena Suerte J-56 at Buena Suerte Resia bago sumapit alas-6:00 ng gabi. Bukod sa mga kawani ng Bureau of Fire Protection (BFP), tumulong din ang dalawang barko at limang tugboats ng Philippine Coast Guard sa pag-apula ng sunog. Inabot ng halos pitong oras ang sunog at naapula dakong madaling-araw noong Martes. Inaaalam pa ng BFP ang ugat ng sunog at kung magkano ang naging pinsala nito. (ALAIN AJERO) 353
Read More2 COVID DEATHS NADAGDAG SA MALABON
NAKAPAGTALA ng tig-isang patay dahil sa COVID-19 ang Brgy. Longos at Brgy. Baritan sa Malabon City noong Marso 2. Bukod dito, dalawa ang nadagdag na confirmed cases sa nasabing araw at sa kabuuan ay 6,959 na ang positive cases sa siyudad, 328 dito ang active cases. Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Baritan (2), Catmon (1), Dampalit (1), Hulong Duhat (1), Ibaba (1), Longos (8), Niugan (4), Panghulo (2), San Agustin (1), Santulan (1) at sa labas ng Malabon (2). Habang 55 pasyente ang nadagdag sa bilang ng…
Read MoreTOP 1 DRUG PERSONALITY, 1 PA LAGLAG SA PARAK
ARESTADO ang tinaguriang top 1 drug personality ng Pasok Putik Police Station (PS 16) ng Quezon City Police District (QCPD) at isa pang kasamahan nito sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City, noong Marso 2. Kinilala ni QCPD director, P/BGen. Danilo Macerin ang mga suspek na sina Angel Aspa, Jr., 48, at Jonel Penilla, 33-anyos. Ayon kay PS-16 commander, P/Lt. Col. Eleazar Barber Jr., si Aspa Jr. ay nakalista bilang no. 1 drug personality station level, habang si Penilla ay bagong drug personality. Nabatid sa report, dakong alas-8:30…
Read MorePositive sa drug test PNP NON-UNIFORMED LAWYER SINIBAK
AGAD ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Debold M. Sinas nitong Miyerkoles ang pagsibak sa PNP non-uniformed lawyer matapos maging positibo sa isinagawang random drug testing ng Internal Affairs Service sa Central Luzon. “Let me reiterate that there is no place in the PNP for any personnel who is into illegal drugs, whether for recreational or habitual use,” ani Sinas. Ayon kay Sinas, si Atty. Efren Garcia II ay isinasailalim sa pre-charge investigation at summary dismissal proceedings para sa kasong grave misconduct matapos na ang kinuha sa…
Read More