NAPAKAPOSITIBO nang pagtanggap ng mga negosyante sa pagsisimula ng baksinisasyon sa ilang opisyal ng pamahalaan at mga manggagawa sa mga ospital ng gobyerno noong Lunes dahil “sumigla” at “tumaas” ang halaga ng bentahan ng stocks ng mga negosyante at namumuhunan sa bansa. Batay sa datos ng Philippine Stock Exchange Composite index (PSEi), umabot sa P8.337 bilyon ang kabuuang halaga ang nailabas na pera ng mga negosyante at namumuhunan na tumaya sa stocks market, ilang oras makaraang umarangkada ang pagbabakuna. Nangangahulugang postibo ang pagtanggap ng mga negosyante sa pagsimula ng baksinasyon…
Read MoreMonth: March 2021
BBM TO THE RESCUE
Ikinagulat ng mga motorista nang makilala na si dating senador Bong Bong Marcos (BBM) pala ang umaalalay sa driver sa pagpapalit ng gulong ng sasakyan sa gilid ng highway patungong Vigan City sa Ilocos Sur. Umani ng papuri sa social media ang nakitang kababaan ng loob ni BBM dahil sino nga naman ang mag-aakala na kaya pala niyang gawin ang gayung bagay. Ilan sa mga nagkomento ang nagsabi na ipinakita lang nito na pinalaki silang disiplinado. Para naman sa iba, pamana ng amang si dating Pres. Ferdinand Marcos ang pagiging…
Read MorePAGDATING NG ASTRAZENECA VACCINE BUKAS KINUMPIRMA NG PALASYO
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang nakatakdang pagdating sa bansa bukas, Marso 4, ng 487,200 doses ng AstraZeneca vaccines. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na darating ang nasabing bakuna ng alas- 7:30 ng gabi bilang bahagi ng first round ng nakalaang doses mula sa COVAX facility. “AstraZeneca’s expected time of arrival is based on the scheduled handover of vaccines. We will notify everyone, if and when there is a change of schedule,” ayon kay Sec. Roque. Nauna nang sinabi ni Senador Bong Go na darating na ang 487,700 doses ng AstraZeneca…
Read MoreSENATORS SA DEPED: METRO MANILA AT URBAN AREAS ‘WAG MUNANG ISAMA SA PILOT FACE-TO-FACE CLASSES
KINONTRA ng mga senador ang plano ng Department of Education na isama sa pilot testing para sa face-to-face classes ang ilang lugar sa Metro Manila at iba pang urban areas. Sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture sa pangunguna ni Senador Sherwin Gatchalian, kinumpirma ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na mula 1,069 ay itinaas nila sa 1,579 ang lugar na napili nilang gamitin bilang pilot testing areas. Sinabi ni Malaluan na kasama sa 1,579 ang 36 paaralan mula sa National Capital Region sa sandaling ideklara na…
Read More‘INTER-PORT MEETING ON VACCINE’ ISINAGAWA NG 3 PORTS
Isinagawa ng tatlong malalaking pwerto ng Bureau of Customs ang isang inter-port meeting kaugnay ng inaasahang sunod-sunod na pagdating ng mga supply ng covid-19 vaccine sa bansa. Ang pagpupulong ay nilahukan ng Port of NAIA, Port of Davao, at Port of Cebu na kung saan tiyak na dadaan sa nasabing mga pwerto ang mga paparating na bakuna. Layunin ng mga port sa kanilang pagpupulong ay ang matiyak na mabilis na mapo-proseso ang mga dokumentong kailangan ng vaccines upang agad din itong maipadala sa kani-kaniyang destinasyon saan mang panig ng bansa.…
Read MoreBOC NAGHIGPIT VS PORK, AGRICULTURAL PRODUCTS
Sa ilalim ng direktiba ni Department of Finance Secretary Carlos Dominguez, ang Bureau of Customs (BOC) ay lalo pang naghigpit sa kanilang pagbabantay laban sa posibleng misdeclaration o misclassification ng importasyon ng pork at pork products para matugunan ang supply ng baboy sa mga pamilihan ng bansa. Kaya noong Pebrero 9, 2021, ang BOC ay nag-isyu ng isang memorandum order na nag-aatas sa lahat ng ports na magsumite ng daily reports sa mga importasyon ng karne at poultry products para sa review at monitoring ng shipments na may paglabag sa…
Read MoreDUMATING NA FIRST BATCH NG COVID-19 VACCINES PRINOSESO AGAD NG BOC
Agad prinoseso ng Bureau of Customs (BOC) sa pamamagitan ng Port of NAIA ang 600,000 doses na first batch ng SINOVAC COVID-19 vaccines na dumating sa Villamor Airbase, Pasay City noong nakaraang Linggo, Pebrero 28, 2021. Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdating ng mga bakuna kasama sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian, Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez Jr., DOH Secretary Francisco Duque III, Senador Christopher Bong Go at iba pang opisyal ng pamahalaan. Sa bahagi naman ng BOC, kasama ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero sina Assessment and…
Read MoreBOC FEBRUARY COLLECTION TARGET NALAGPASAN
Sa gitna ng pandemyang dulot ng coronavirus disease ay nalagpasan pa rin ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target na koleksyon sa nagdaang buwan ng Pebrero. Sa data na inilabas ng BOC, nakapagtala sila ng kabuuang 46.145 bilyong pisong koleksyon kumpara sa 42.157 bilyong pisong nakolekta noong Pebrero nang taong 2020. Lagpas ito ng 3.988 bilyong piso o katumbas ng 9.4 porsyento na pagtaas ng halaga ng mga nakolektang buwis ng BOC. Sa inilabas na preliminary report mula sa BOC-Finance Service, 10 mula sa 17 Collection Districts ang nakalagpas…
Read MoreKinaltas sa pensyon ng mga sundalo, pulis P20-B NAPUNTA SA PORK–DEFENSOR
(BERNARD TAGUINOD) NAPUNTA sa pork barrel ang P20 billion na tinanggal ng Kongreso sa ilalim ng liderato ni House Speaker Lord Allan Velasco sa pension and gratuity funds ng mga retiradong sundalo, pulis at iba pang uniformed personnel ng gobyerno. Ginawa ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor ang pahayag matapos sabihin ni House appropriation committee chairman Rep. Eric Yap na ginamit sa COVID-19 vaccine procurement ang tinanggal na pondo. “To set the record straight, the vaccine procurement fund approved by Congress, as recommended by the bicameral conference committee (bicam) and…
Read More