IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Philippine National Police at lahat ng law enforcement agencies na arestuhin ang barangay captain na mabibigong magpatupad ng pagbabawal ng party, picnic, at iba pang mass gatherings para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Sa kanyang Talk To The People, Miyerkoles ng gabi ay sinabi ng pangulo na mananagot ang kapitan ng barangay sa pagpapabaya sa tungkulin sa ilalim ng Revised Penal Code kapag nabigo itong ipagbawal ang gatherings o pagtitipon-tipon sa kani-kanilang hurisdiksyon. Ang kautusan na ito ng pangulo ay matapos iulat ni…
Read MoreMonth: May 2021
Pagbasura sa reklamo vs Leonen ‘PINONENTE’ NG EX-OFFICIO NI VELASCO
MISTULANG pinonente ng kinatawan ni House Speaker Lord Allan Velasco ang pagbasura sa impeachment case na isinampa ni FLAGG-Maharlika secretary general Ed Cordevilla laban kay Supreme Court (SC) Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen. Sa pagdinig ng House committee on justice na pinamumunuan ni Leyte Rep. Vicente “Ching” Veloso III kahapon sa impeachment complaint, pinangunahan ng mga deputy speaker ang pagbasura sa kaso. Sa pangunguna ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez, kinuwestiyon nito ang kawalan ng mga dokumento na magpapatunay sa alegasyon ni Cordevilla laban kay Leonen hinggil sa hindi nito…
Read MoreMahalay na pagtrato sa ebidensya at kaso inalmahan DOUBLE STANDARD SA LEONEN IMPEACHMENT
(NELSON S. BADILLA) BINIRA ni Atty. Lorenzo “Larry” Gadon ang agarang pagbasura ng mga kongresista sa Kamara sa impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen dahil lamang sa teknikalidad. Pagpapakita aniya ng pagiging double standard ng House justice committee ang aksyon ng mga itong pagbalewala sa reklamo. “Bakit nuong impeachment kay Sereno, xerox din mga dokumento pero pinatawag ng committee ang Supreme Court officials upang dalhin ang mga original documents at mag-testify ukol dito. Ganun din ang BIR, pinatawag ang mga opisyales at inatasan na dalhin at…
Read MoreGraduates dapat makaagapay sa ‘new normal’ EDUCATION SYSTEM PINAREREPASO NI NOGRALES
(BERNARD TAGUINOD) HINDI lang buhay ng mga tao ang binago ng pandemya sa COVID-19 kundi ang business model kaya kailangan ang agarang ebalwasyon sa sistema ng edukasyon sa bansa. Ito ang iginiit ni Rizal 2nd district Congressman Fidel Nograles upang malaman kung may dapat baguhin sa sistema ng edukasyon at maipatupad ito upang hindi mapag-iwanan ang mga graduate sa bansa sa pagbabago ng panahon. “The pandemic has created massive revolutionary changes in our education. We are witnessing paradigm shift, we are having an overhaul in our business and technological models…
Read MorePara wala nang ‘choosy’ PANTAY NA VACCINE DISTRIBUTION UTOS NI PDU30
IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pantay na distribusyon ng iba’t ibang brand ng coronavirus vaccines sa bansa. Dismayado kasi si Pangulong Duterte sa pagiging “choosy” ng karamihan sa mamamayang Filipino kung saan may ilan pa na nagsabi na magpapabakuna lang sila kung Pfizer ang ituturok sa kanila. Sa kanyang Talk to the People, Miyerkoles ng gabi, iginiit ng pangulo na hindi dapat maging mapili ngayon ang mamamayan sa brand ng bakuna lalo na’t limitado lamang ang suplay sa bansa. Nananatili naman si Pangulong Duterte sa kanyang posisyon na…
Read MoreLAMAT SA PDP-LABAN, LUMALALA
TILA lumalawak pa ang lamat sa relasyon ng liderato mismo ng PDP-Laban, ang partido ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay makaraang maglabas ng memorandum si PDP-Laban National President at Senador Manny Pacquiao sa mga miyembro laban sa ipinatatawag na national assembly ng kanilang Vice Chairman na si Alfonso Cusi. Sa memo ni Pacquiao, pinagsabihan ang mga miyembro na balewalain ang patawag ni Cusi. “This is not the time for politics. Instead, let us help our country ravaged by the COVID-19 pandemic,” saad sa memo ni Pacquiao.Ang ipinatatawag na national assembly…
Read MoreMGA SENADOR MALAMIG SA CHA-CHA
MALAMIG ang pagtanggap ng apat na senador sa mga panukala sa mababang kapulungan ng Kongreso kaugnay sa pagbabago sa economic provisions sa Konstitusyon. Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, halos wala na rin silang oras para talakayin pa ang panukala dahil mag-aadjourn ang sesyon sa June 4. “I don’t think we have enough time as it is to take a quick look into the proposal. Anyway, the bills certified by the Palace as urgent have passed or are in advance stages in the Senate. We have 5 days…
Read MoreCHA-CHA SA KAMARA LUSOT SA SECOND READING
TULAD ng inaasahan, inilusot sa ikalawang pagbasa ang Resolution of Both Houses (RBH) No. 2 o Economic Charter Change (Cha-Cha) na inakda mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco. Sa pamamagitan ng viva voce voting, inaprubahan sa plenaryo ng Kamara ang nasabing panukala noong Miyerkoles ng gabi matapos ang debate at inaasahan na isasalang sa ikatlo at huling pagbasa sa susunod na linggo bago ang sine die adjournment. Gayunpaman, nangangailangan ng 225 votes o ¾ sa 300 miyembro ng Kamara ang nasabing panukala para maipasa ito sa ikatlo at huling…
Read MoreGO, PAGOD NA RAW ‘DI TATAKBO SA 2022
WALA umanong balak si Senador Christopher ‘Bong’ Go na kumandidato sa 2022 Presidential elections dahil sa matinding pagod. “Hindi po ako interesadong tumakbo, pagod na pagod na po ako, pagod na pagod na kami ni Pangulong (Rodrigo) Duterte. Sa hirap po na dinaranas natin ngayon, nasa pandemya po tayo, ay talagang napakahirap,” diin ni Go. Muling binigyang-diin ni Go na kailangan munang malampasan ng bansa ang krisis na kinakaharap ngayon sa COVID-19. “Ang importante sa akin ngayon ay malampasan ang pandemyang ito baka kung hindi natin ito malampasan ay wala…
Read More