TOP 3 MOST WANTED LAGLAG SA PRO5

ANG PNP-PRO5 sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, ay pinapurihan ang kanyang mga tauhan sa pagkakaaresto sa rape suspek na si Edgar Morados y Repalda ng Sitio Kupo, Brgy. Centro, Uson, Masbate. Noong Linggo, Mayo 23, dakong alas-6:15 ng gabi, ang Uson MPS sa pangunguna ni P/Lt. Manny C. Marcaida, ay nagsagawa ng masusing intelligence operation para matunton ang suspek dahil sa paglabag sa RA 8353 o Anti-rape law of 1997 at ART 266-A ng RPC (rape) para maisilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Hon.…

Read More

DRUG SUSPECT HULI SA TROPA NI ESTOMO

ANG malawak na karanasan ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo ang siyang nagpataas ng kanyang ranggo at ang matagumpay niyang pagganap sa tungkulin ay kanyang nakamit sa pamamagitan ng pagpapatupad nito. Patunay rito ang isa namang matagumpay na operasyon ng PNP-PRO5 na nagresulta sa pagkakadakip kay Felmark Nava y Calolot alyas “Papatay” na suspek sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Ayon sa ulat, noong Huwebes, Mayo 28, dakong alas-11:20 ng madaling araw, ipinatupad ng Batuan MPS-PRO5 sa pangunguna ni P/SSgt. Roberto R. Alforte…

Read More

3 SUGATAN SA SUNOG SA MAYNILA, MALABON

TATLO ang sugatan sa nangyaring sunog sa magkahiwalay na insidente sa Pandacan, Manila at Malabon City. Sa Pandacan, Manila, dalawa ang iniulat na nasugatan habang tinatayang nasa limang bahay ang natupok makaraang sumiklab ang sunog noong Sabado ng umaga. Gayunman, dahil sa mabilis na pagresponde ng mga pamatay sunog, limang kabahayan lamang ang natupok ng apoy. Batay sa ulat ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa ikalawang palapag na bahay ng mag-asawang Angelito at Ethel Castro sa #2711 Int. 4 Jesus, Ext., Pandacan…

Read More

P100-M SMUGGLED MEAT, SEAFOODS HULI SA NAVOTAS

UMABOT sa P100 milyong halaga ng smuggled na iladong karne at lamang-dagat ang nadiskubre sa 12container vans sa isang bakanteng lote sa Navotas City. Sari-saring iladong karne ng baboy, baka, malalaking hipon, igat, itim na manok, peking duck at dory fish fillet ang natuklasan sa Barangay San Rafael ng lungsod noong Mayo 27 ng pinagsanib na pwersa ng Department of Agriculture (DA), Sub-Task Group on Economic Intelligence (STG-EI), Department of Trade and Industry, National Intelligence Coordinating Agency, National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police. Nabatid na batay sa…

Read More

Makaraang manakit ng traffic enforcer SHABU NADISKUBRE SA BAG NG MODELO

PATONG-PATONG na asunto ang kahaharapin ng isang 26-anyos na dalagang modelo makaraang madiskubre sa bag nito ang dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu matapos hulihin dahil sa traffic violations at pananakit sa isang traffic enforcer sa Malate, Manila noong Huwebes. Binitbit din ang apat nitong kasamahan na lulan ng puting van na sinasabing mga tulak ng ilegal na droga noong Biyernes ng hapon sa Malate, Manila. Base sa ulat ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (MPD-SMaRT), unang nakuha sa bag ng dalagang…

Read More

FETUS ITINAPON SA HEALTH CENTER

CAVITE – Isinilid sa isang plastic bag na binalutan ng masking tape ang isang fetus na natagpuan sa gilid ng Health Center sa Dasmariñas City noong Biyernes ng hapon. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Lilibeth Tres Reyes ng Dasmariñas City Police, nagwawalis sina Vicky Tabucanon at Michelle Margalio sa gilid ng Health Center ng Dasma 4, Brgy. Salawag dakong alas-4:00 ng hapon nang malanghap ang masangsang na amoy sa lugar. Hinanap nila ang pinanggagalingan nito hanggang sa natagpuan ang isang plastic bag na nadiskubreng patay na fetus ang laman. Hindi…

Read More

3 PULIS PATAY, 8 SUGATAN SA NPA AMBUSH

OCCIDENTAL MINDORO – Tatlong pulis ang namatay habang walo ang nasugatan makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army na nagresulta sa sagupaan sa bayan ng Magsaysay sa lalawigang ito, noong Biyernes. Kinilala ang mga napatay na sina P/Executive MSgt. Jonathan Alvares, P/Cpl. Estan Gongora at P/SSgt. Nolito Develos Jr. Habang sugatan naman sina P/SSgts. Dexter Sagun, Edwin Vergara, Michael Sualog, Michael Enero at Nolito Develos, P/Cpl. Kim Jason Dimalaluan at Pats. Amando Pulido at Danny Soriano habang si P/Cpl. Nicolas Estopacio Jr. ay hindi pa natatagpuan. Dumanas naman ng…

Read More

P3-M ‘Misdeclared’ sibuyas, nasabat ng BOC-MICP

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa pamamagitan ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) ng Manila International Container Port (MICP), ang ‘misdeclared shipment’ ng mga pulang sibuyas kamakailan, bilang bahagi na rin ng kanilang pagsusumikap na masugpo ang smuggling sa bansa. Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na may darating na shipment ng mga ‘misdeclared’ na sibuyas mula sa bansang China kaya’t kaagad na inabangan ito. Isinailalim nila ang shipment sa 100% physical examination, na sinaksihan ng mga miyembro ng CIIS Enforcement at Security…

Read More

DAVAO ISA NANG CHOCOLATE CAPITAL OF THE PH

PINIRMAHAN na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magdedeklara sa Davao City bilang chocolate capital of the Philippines. Nakasaad sa nilagdaang Republic Act 11547, layon nitong mabigyan ng halaga ang pagtatanim ng cacao upang mapaigting pa ang rural development sa bansa sa pamamagitan ng export earnings. Bukod pa sa layon din nitong mabigyan ng pangkabuhayan ang maliliit na magsasaka. Kaugnay nito, naniniwala naman si Pangulong Duterte na sa pamamagitan ng paglagda niya sa naturang batas ay mapapabilang ang Pilipinas sa mga producer ng finest cocoa beans. Napag-alaman na…

Read More