ANG PNP-PRO5 sa pamumuno ni Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, ay pinapurihan ang kanyang mga tauhan sa pagkakaaresto sa rape suspek na si Edgar Morados y Repalda ng Sitio Kupo, Brgy. Centro, Uson, Masbate.
Noong Linggo, Mayo 23, dakong alas-6:15 ng gabi, ang Uson MPS sa pangunguna ni P/Lt. Manny C. Marcaida, ay nagsagawa ng masusing intelligence operation para matunton ang suspek dahil sa paglabag sa RA 8353 o Anti-rape law of 1997 at ART 266-A ng RPC (rape) para maisilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Ave A. Zurbito-Alba, presiding Judge ng RTC Branch 48, 5th Judicial Region, Masbate City, walang inirekomendang pyansa, na may petsang Abril 4, 2021.
Ayon sa ulat, ginahasa ng suspek ang isang alyas Aillen. Agad namang nagreklamo ang biktima sa himpilan ng pulisya at naghain ng kaso laban sa suspek. Ngunit tumakas ang suspek at nagtago ng halos isang taon.
Sa pakikipag-koordinasyon ng mga tauhan ni Estomo sa barangay officials at sa komunidad ay natunton ang kinaroroonan ng suspek at naaresto ito.
Ang arestadong suspek ay pansamantalang nakapiit sa Usong MPS lock-up jail.
136
