WALANG ulo nang matagpuan sa loob ng sako ang isang lalaki sa bakanteng lote sa Caloocan City noong Lunes ng umaga. Dakong alas-7:50 ng umaga nang matuklasan ang pugot na katawan sa loob ng sako sa Gumamela St. sa kanto ng Cadena De Amor St., Brgy. 175. Napag-alaman na putol din ang kanang hintuturo ng biktimang nasa 30-anyos ang edad, 5’5″ ang taas at may tattoo na dragon sa likod. Ipinalalagay ng pulisya na sa ibang lugar pinatay ang biktima at itinapon lamang sa naturang lugar ang bangkay para iligaw…
Read MoreDay: June 8, 2021
NANINGIL NG PUSTA SA SUGAL, TINARAKAN
PATAY ang isang lalaki makaraang bugbugin at saksakin nang maningil ng pusta sa karera ng kalapati sa apat na mga suspek sa Sta. Ana, Manila noong Lunes. Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang kinilalang si Kenneth Pagulayan, nasa hustong gulang. Patuloy namang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na sinasabing pawang nasa drug watch list sa kanilang lugar. Base sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:00 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Barangay 767 sa Sta. Ana. Ayon sa ulat na isinumite kay MPD…
Read MoreClearing ops sa vendors pinatitigil KABUHAYAN, TIRAHAN SA MANILENYO TIYAKIN
HINAMON ng Samahan ng mga Manininda ng Trabajo Market at Samahan ng mga Residente ng Sampaloc si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ipatigil ang clearing operations at demolisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic, na naging dahilan ng pagkawala ng kanilang kabuhayan at kabahayan. Ayon sa dalawang grupo, dahil sa PNR expansion, nawalan ng tirahan ang daan-daang pamilya sa Algeciras Street sa Sampaloc, Maynila. Habang tinatayang 100 sidewalk at cart vendors ang pwersahang pinaalis sa isinagawang clearing operations sa Trabajo Market. Kaugnay nito, ang samahan ng mga manininda ay…
Read MorePAARALAN ‘WAG PAHIRAPAN SA DAGDAG NA BUWIS
NAKIISA na rin si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri sa mga nananawagan sa Bureau of Internal Revenue na bawiin ang kautusan para sa pagpapataw ng dagdag na buwis sa mga educational institution. Sinabi ni Zubiri na hindi ngayon ang panahon upang parusahan ang mga pribadong paaralan na isa sa mga apektado ng krisis dulot ng Covid19 pandemic. “Now is not the time to make life difficult for Educational Institutions especially when we’re grappling with our country having one of the worst results in Reading and Comprehension test results for…
Read MoreHAKBANGIN SA SCHOOL OPENING, PINABUBUSISI
IGINIIT ni Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture Chairman Sherwin Gatchalian na magsagawa ng pagsisiyasat hinggil sa kahandaan ng mga paaralan sa ligtas na pagbubukas ng klase sa School Year 2021-2022. Sa paghahain ng Senate Resolution 739, sinabi ni Gatchalian na kaialngan ding matukoy kung kinakalangan ng mga pagbabago sa batas o bumalangkas ng bagong mga panukala uoang matiyak ang de kalidad na edukasyon sa gitna ng implementasyon ng distance learning at kahit magkaroon na ng face-to-face classes o iba pang alternatibong delivery mode. Sinabi ni Gatchalian na…
Read More