Sa magandang performance ng mga atleta sa Tokyo Olympics MALAKANYANG NAKIISA SA PAGBUBUNYI NG MGA PINOY

NAKIISA ang Malakanyang sa sambayanang Filipino na nagbubunyi sa magandang performance ng mga atleta na sumasabak ngayon sa Tokyo Olympics. Binati ni Presidential spokesperson Harry Roque sina Nesthy Petecio sa pagkapanalo nito sa women’s boxing featherweight semifinals ng Tokyo Olympics at nakasungkit ng second Olympic medal para sa Pilipinas; EJ Obiena para sa paglundag nito sa finals ng Men’s Pole Vault; at Carlo Paalam para sa pagkakapasok nito sa quarter finals ticket sa men’s boxing flyweight class. Ang buong bansa aniya ay nagdarasal para sa mga atleta na patuloy na…

Read More

GUIDELINES SA AYUDA PWEDENG BAGUHIN NI PRRD

MAAARING sundin ng pamahalaan ang P1,000 kada indibidwal na may maximum na P4,000 kada pamilya na cash aid template para sa enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula Agosto 6 hanggang 20. Sinabi ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, pwede ring baguhin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang guidelines at gumawa ng panibagong kautusan. “‘Yung ginawa natin last time, I don’t think na magbabago pa rin ‘yan. The same pa rin unless may advice galing kay pangulo. Otherwise, ‘yun ang ipa-follow natin. Kung ano ang template nung nakaraan, ‘yun…

Read More

Agri at road infra damage sa Bulacan umabot sa P157-M STATE OF CALAMITY SA MALOLOS AT CALUMPIT

UMABOT na sa mahigit P157 milyon ang halaga ng napinsalang agrikultura at road infrastructure dulot ng habagat na pinalakas ng bagyong Fabian at sinamahan pa ng high tide mula sa Manila Bay sa lalawigan ng Bulacan. Dahil dito, isinailalim sa state of calamity ang siyudad ng Malolos at munisipalidad ng Calumpit. Apektado ng high tide at patuloy na pagtaas ng tubig baha ang mga barangay sa bayan ng Calumpit kaya sa ilalim ng Resolution No. 112-2021 ay idineklara itong under the State of Partial Calamity habang base sa inaprubahang Resolution…

Read More

DRUG GROUP MEMBER, 21 PA HULI SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Arestado ng Cavite police ang isang miyembro umano ng Guites robbery/drug group at 21 iba pa sa isinagawang magkakahiwalay na buy-bust operation sa iba’t ibang lugar sa lalawigan. Kinilala ang arestadong miyembro umano ng Guites robbery/drug group na si Michael Tabana, alyas “Zuma,” nasa hustong edad, ng Brgy. Magdiwang, Noveleta, Cavite. Ayon sa ulat ni Corporal Michael Semania ng Noveleta Police Station, dakong alas-7:00 noong Biyernes ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang Noveleta MPS sa Brgy. Magdiwang Noveleta, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at…

Read More

SENADO, POSIBLENG MAGSUSPINDE NG SESYON

IKINUKUNSIDERA ng liderato ng Senado na suspindihin ang kanilang plenary sessions sa gitna ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila mula August 6 hanggang 20. Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng hindi sila magsagawa ng sesyon mula August 9 hanggang 11. “Sessions pa rin kami (next week) pero baka mag-suspend kami nang Aug. 9-11,” pahayag ni Zubiri sa mensahe sa Senate Reporters. Sinabi naman ni Senate President Vicente Sotto III na magdedesisyon pa sila sa susunod na linggo. “We will have sessions next…

Read More

TRAFFIC ENFORCER NIRATRAT NG MOTORISTA

MAPALAD na hindi napuruhan sa apat na tama ng bala sa katawan mula sa 9MM pistol, ang isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) makaraang pagbabarilin ng isang sinitang motorista sa Tondo, Manila noong Biyernes ng tanghali. Bagama’t ligtas na sa kapahamakan, patuloy pa ring inoobserbahan sa Tondo General Hospital ang biktimang si Mark Macmelan, nasa hustong gulang. Samantala, patuloy ang pangangalap ng testigo sa ikalulutas ng kaso. Hinihinalang karnaper ang suspek dahil iniwanan ang dala nitong sasakyan na brown Mitsubishi, at sinakyan ang motorsiklo ng traffic enforcer…

Read More

DRIVE-THRU VACCINATION SITE SA MAYNILA BINUKSAN NA

IPINABABATID sa publiko na binuksan na nitong Sabado ang COVID-19 drive-thru vaccination site sa Pres. Quirino Grandstand sa lungsod ng Maynila, na nasa tabi lamang ng COVID site at ng Manila COVID-19 Field Hospital. Mismong si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang nanguna sa pagbubukas ng naturang pinakabagong vaccination site ng lokal na pamahalaan, na ang layunin ay higit pang mapabilis ang pagbabakuna sa mga Manilenyo at mabawasan ang pila sa vaccination centers. Kasama ng alkalde sa paglulunad ng vaccination site sina Manila Vice Mayor Ma. Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan,…

Read More

COVID-19 Delta variant cases tumaas MASS SWAB TESTING INIUTOS SA CALABARZON

INUTOS ng Department of Health (DOH)-Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) noong Huwebes, Hulyo 29, ang mass swab testing matapos nitong kumpirmahin ang pagkakarooon ng kabuuang 36 kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa rehiyon. Ayon kay DOH Regional Director Eduardo C. Janairo, nag-deploy na ng epidemiology at health emergency team upang matutukan ang mga komunidad sa pagsasagawa ng swab test sa mga residente. “Kailangan nating kilalanin kaagad ang mga dahilan ng virus, kung paano ito nagsimula at paano ito nailipat upang pigilan ang pagkalat nito sa mga komunidad,” aniya.…

Read More

3 DAGDAG SA COVID DEATHS SA CAMANAVA

MULING nakapagtala ng tatlong namatay sa COVID-19 ang CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela) area noong Hulyo 30, habang patuloy sa paglobo ang active cases sa nasabing mga lungsod. Napag-alaman, isang pasyante ang binawian ng buhay sa Caloocan City at umakyat sa 1,124 ang total pandemic deaths sa lungsod, habang sumirit sa 496 ang active cases matapos na 66 ang bagong nagpositibo sa virus. Pumalo na sa 39,652 ang mga tinamaan ng COVID sa siyudad at sa nasabing bilang ay 38,032 na ang gumaling. Isa ring dinapuan ng COVID ang nalagutan…

Read More