NGAYON pa lang ay pinaplano na ng Philippine Sports Commission (PSC) ang pagbabalik ng mga grassroots sports development program nito na nakansela dahil sa COVID-19 pandemic. Sinabi ni PSC Commissioner Ramon Fernandez, hindi maaaring pabayaan ng ahensiya ang sports development ng mga kabataang atleta ng bansa. “We are really affected by the pandemic kaya lahat ng mga project at program ng PSC ay na-shelve almost two years ago na,” pag-amin ng chef de mission ng Team Pilipinas sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam. Ngunit nagsasagawa na sila ng…
Read MoreDay: July 4, 2021
TULOY ANG LABAN! – MANNY PACQUIAO
Ni EDDIE ALINEA TINIYAK ni eight world division champ Manny Pacquiao na tuloy ang laban niya kontra Errol Spence Jr. Katunayan, nitong Sabado ay bumiyahe si Pacquiao at kanyang training team patungong Los Angeles, California kung saan ipagpapatuloy ang kanyang paghahanda para sa darating na laban sa undefeated American boxer. Maghaharap ang dalawa sa 12-round welterweight (147 lbs) unification bout sa Agosto 21 sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Si Spence ang kampeon ng International Boxing Federation at World Boxing Council, habang napaulat na ibabalik na ng World Boxing Association…
Read MoreINILUNSAD NA ANG PROGRAMANG PAGBABAKUNA NG MVP GROUP
NOONG ika-27 ng Hunyo, opisyal nang inilunsad ng MVP Group, sa pamumuno ng negosyante at pilantropong si Manny V. Pangilinan, ang kanilang programang pagpapabakuna para sa mga empleyado nito na may kabuuang bilang na 60,000. Noong Biyernes, ika-2 ng Hulyo ay inilunsad ang programa sa pangangasiwa ng MVP Group Vaccine Task Force. Matapos ang maikling programang idinaos sa Meralco Compound sa Lungsod ng Pasig, namahagi rin ng bakunang gawa ng Moderna sa unang batch ng mga empleyadong miyembro ng MVP Group. Ang Meralco Compound ay isa lamang sa mga lugar…
Read MoreP1-M SUHOL SA BI-NAIA OFFICIALS PARA SA 3 CHINESE NA HINARANG?
MATAPOS ang matapang na pahayag ni Senador Manny Pacquiao na baka mahilo ang pangulo sa dami ng katiwalian sa gobyerno ay nakiisa naman ang ilan nating mga kababayan upang ipa-rating natin sa senador ang garapalang korapsyon sa Bureau of Immigration (BI) na nakabase sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Noong June 9, tatlong Chinese nationals ang lumapag sa NAIA Terminal 3 flight No. SY8301 na hinarang ng immigration at naisama sa listahan ng excluded passengers na sina Luo Zhiping, Yang Weirin at Zhou Qiang. Sumunod na araw, sumulat ang kanilang…
Read MoreABS – CBN, KIKILOS LABAN KAY SARA
MASASABING matinding pampanguluhang halalan ang magaganap sa susunod na taon dahil pihadong mayroong tutulong sa sinomang kandidatong tatapatan si Davao City Mayor Sara Duterte – Carpio. Kung hindi si Sara D. Carpio, siguradong gagawin pa rin ng makakalabang kandidato ni Pangulong Rorigo Duterte ang lahat ng paraan upang matalo nito ang huli sa eleksyon. Pokaragat na ‘yan! Kahit sino kina Bise – Presidente Maria Leonor Robredo, Mayor Isko Moreno at Senador Emmanuel Pacquiao ay siguradong susuporta ang mga malalaking negosyante upang matiyak ang panalo ng gusto nilang pangulo na ipapalit…
Read MoreLGUs, PRIVATE SECTOR PINASASAMA SA IATF
HINILING ni Senador Francis “Tol” Tolentino sa pamahalaan na isama sa pamunuan ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang Union of Local Authorities in the Philippines (ULAP) and the Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) upang magkaroon ng synchronize approach sa lahat ng patakaran hinggil sa COVID-19 pandemic. Sa panayam, iginiit ni Tolentino, chairman ng Senate committee on local government na dapat magkaroon ng boses ang lahat ng pamahalaang panlalawigan sa buong bansa kabilang ang iba pang local government units at pribadong sektor…
Read MoreSEXUALITY EDUCATION KONTRA TEENAGE PREGNANCY
KASUNOD ng executive order ng Malacañang na nagdedeklarang gawing isang prayoridad ang pagsugpo sa teenage pregnancy o maaagang pagbubuntis, binigyang -diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagtugon sa mga kakulangan ng comprehensive sexuality education (CSE). Mandato kasi ng Responsible Parenthood and Reproductive Health (RPRH) Act of 2012 (Republic Act 10354) ang pagkakaroon ng angkop na reproductive health education. Kabilang sa mga dapat talakayin dito ang mga isyung tulad ng proteksyon mula sa maagang pagbubuntis, pang-aabusong sekswal, gender-based violence, at responsableng asal. Upang gabayan ang paghahatid ng CSE, nilabas…
Read MoreMONITORING IKINASA SA COVID VACCINES
SINIMULAN na ng Food and Drug Administration (FDA) ang monitoring sa lot number ng mga COVID-19 vaccine sa bansa. Ito’y kaugnay ng pagkakahuli kamakailan sa ilang indibidwal na ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccine. Sa panayam sa radyo kay FDA chief, Dr. Eric Domingo, ang hakbang ng ahensya sa mga lot number o batch codes ay para matukoy kung bahagi ng bakunang inangkat ng bansa o donasyon dito ang mga ilegal na ibinebenta. Ayon kay Domingo, nakaaalarma ang ilegal na bentahan ng bakuna dahil posibleng maapektuhan ang suplay nito maging…
Read MoreJune 19, idineklarang Filipino Social Workers’ Day KAHALAGAHAN NG SOCIAL WORKERS SA KOMUNIDAD KINILALA
NARARAPAT kilalanin ang mahalagang papel at hindi matatawarang kontribusyon ng mga social worker sa bansa, partikular na sa pagsusulong ng kapakanan ng mahihirap at vulnerable sectors sa lipunan. Ito ang tinuran ni Senator Christopher “Bong” Go matapos papurihan si Pang. Rodrigo Duterte dahil sa pagdedeklara sa Hunyo 19 ng bawat taon bilang Filipino Social Workers’ Day. “Sinusuportahan at kinokomendahan ko ang deklarasyon ng June 19 bilang Filipino Social Workers’ Day upang magsilbing paalala sa lahat ng mga Pilipino sa serbisyo na iginagawad sa lipunan ng ating mga magigiting at masisipag…
Read More