Nangisda sa kasagsagan ng habagat BINATA ‘HINIGOP’ NG DAGAT

BATANGAS – Nalunod ang isang binatang promodizer matapos na tangayin ng malalaking alon nang mapagkatuwang mangisda sa tabing dagat sa bayan ng Lian sa lalawigang ito, noong Sabado ng hapon. Batay sa report ng Lian Police, kasama ang dalawang pinsan, naglalambat ng isda ang biktimang si John Errico, 28, sa dalampasigan sa kanilang lugar sa Barangay Binubusan bandang alas-4:30 ng hapon. Ngunit dahil sa malalaking alon dulot ng habagat, natangay papunta sa gitna ang binata nang humampas ang isang malaking alon. Tuluyan itong nadala patungo sa gitna at sa malalim…

Read More

DRIVER ITINUMBA SA HARAP NG BAHAY

QUEZON – Patay ang isang driver matapos barilin ng hindi kilalang suspek sa harap ng kanyang tinutuluyang lodging house sa bayan ng Tiaong sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Noriel Medrano Saez, 47, tubong Sta. Maria, Laguna at pansamantalang nakatira sa isang lodging house sa Barangay Tagbakin, Tiaong. Ayon sa Tiaong Police, bandang alas-7:30 ng gabi, nakatayo ang biktima sa harap ng lodging house nang dumating ang suspek at binaril ito ng ilang beses gamit ang 9mm na baril. Isinugod ang biktima sa ospital ngunit…

Read More

EX-COUNCILOR NASAWI SA COVID-19

NASAWI ang isang dating konsehal ng bayan makaraang ma-reinfect ng nasabing virus sa Balagtas, Bulacan. Base sa report, July 20 nang mamatay sa COVID-19 si Konsehal Ariel Puatu, 56, residente ng Longos, Balagtas, Bulacan. Napag-alaman na buong pamilya umano ni Puatu ang tinamaan ng naturang virus at si Konsehal at ang asawa nitong si Gemma ang sinasabing pinaka-grabe ang naging kaso habang mild cases naman sa dalawa nitong anak. Base sa report, July 16 nang lagnatin ang konsehal at nang ika-apat na araw ay na-comatose ito at isinugod sa Sacred…

Read More

IATF HINIKAYAT MAGBAKUNA NG MGA BAKWIT

HINILING ni Senator Joel Villanueva sa gobyerno na magsagawa ng pagbabakuna sa mga kababayan nating nasa mga evacuation center upang maiwasan ang pagkakaroon ng “COVID-19 superspreader event” sa mga naturang lugar. “Bigyan na po natin ng bakuna ang mga bakwit para mapabilis pa nang husto ang roll out,” ani Villanueva sa isang pahayag. “Kung mayroon na pong mga health personnel na nagmomonitor ng kanilang kalagayan, bilangin na po natin ang mga hindi pa bakunado at dalhan ng bakuna.” Karaniwang “kulob at siksikan” ang mga evacuation center na maaaring maging sentro…

Read More

PRIORITY MEASURES INILATAG SA PAGBUBUKAS NG SESYON NG SENADO

NGAYONG araw, Hulyo 26, magbubukas ang hybrid session ng Senado upang ipagpatuloy ang tungkulin nitong maisabatas ang ilang prayoridad na panukala para sa 3rd Regular Session ng 18th Congress. Sa pahayag, sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na nakatakdang talakayin sa pagbubukas ng sesyon ang 10 priority bills kabilang ang Amendments sa Foreign Investment Acts (FIA), Amendments sa Public Service Act (PSA), Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos Act, Package 4 of the Comprehensive Tax…

Read More

Paalala sa publiko sa gitna ng Delta variant HUWAG MAGING KAMPANTE

BINALAAN kahapon ni Senator Christopher “Bong” Go ang publiko na huwag maging kampante ngayong may local transmission na ng mas nakahahawang Delta variant ng COVID-19 sa bansa at sa halip ay maging mas vigilante upang hindi dapuan ng karamdaman, sabay giit na ang pangunahing layunin ng pamahalaan ay makapagligtas ng buhay. “Huwag po tayo magkumpyansa lalo na’t may local transmission na ng Delta variant. Patuloy po tayong mag-ingat, sumunod sa mga patakaran, at makipagtulungan sa ating gobyerno,” ayon kay Go. “Ang inyong disiplina, kooperasyon at malasakit sa kapwa ay importante…

Read More

P6-M KADA BUWAN ILALAAN SA LIBRENG GAMOT NATIONWIDE

“DALHIN lang po ninyo ang inyong mga reseta sa aming opis at kami na ang bahala sa inyong mga gamot”. Ito ang panawagan ni ACT-CIS Cong. Eric Yap sa mahihirap na may sakit subalit walang kakayahang bumili ng gamot. “Sa mga hindi nakakaalam, three years na po kaming namimigay ng libreng gamot sa mga may dalang reseta at indigency letter sa aming opis,” ayon kay Cong. Yap. Dagdag pa niya, “hindi lang po ang may prescription ang binibigyan namin, pati yung kailangan ng mga infant formula at mga diaper at…

Read More

P3.5-M SHABU NASABAT SA CAVITE BUY-BUST

CAVITE – Tinatayang mahigit P3.5 milyong halaga ng shabu ang nasamsam at naaresto ang isang 30-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Biyernes ng hapon. Sa nasabing buy-bust operation ay naaresto si Jaymar Vinluan, ng Block 5, Lot 21, Molave St., Camella Civil Subdivision, Brgy. Salinas 2, Bacoor City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Christian Nel Cuevas ng Bacoor City, dakong alas-2:20 ng hapon, nagsagawa ng buy-bust operation ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng Bacoor CPS at PDEA 4A sa Brgy. Habay 2 ng…

Read More

10 BAYAN SA BULACAN PINALUBOG NI FABIAN

UMABOT sa 50 barangay mula sa sampung bayan sa lalawigan ng Bulacan ang lumubog sa tubig baha dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan dala ng Habagat at Typhoon Fabian na sinabayan pa ng high tide mula sa Manila Bay. Base sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) ng Bulacan, 15 barangay sa Paombong, 5 barangay sa Guiguinto, 4 barangay sa Marilao at 5 barangay sa Balagtas ang lumubog sa tubig baha. Napag-alaman pa na anim pang mga bayan na hindi kasama sa report ng PDRRMO ang sinasabing lubhang…

Read More