NAWALA na ang takot at pag-aalinlangan ng taumbayan sa bakuna kontra COVID-19 dahil kahit baha ay nilulusong na ng mga ito upang magkaroon ng proteksyon. Ito ang tinuran ng mga militanteng mambabatas kahapon matapos makita sa mga larawan na nakapila ang mga tao sa mga vaccination center kahit nakababad sa baha at nababasa ng ulan. “Hindi hesitation sa bakuna ang isyu ngayon ng mamamayan. Hindi rin takot sa bakuna. In fact sa Manila nakita natin ang pila ng mamamayan para sa bakuna,” ani ACT party-list Rep. France Castro. Gayunpaman, marami…
Read MoreMonth: July 2021
PAGGASTA SA COVID-19 BUDGET BUBUSISIIN
BUBUSISIIN ng mababang kapulungan ng Kongreso kung paano ginamit ng Duterte administration ang mga pondo sa paglaban sa COVID-19. Sa isang TV interview kahapon kay House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay ng mga prayoridad ng Kongreso sa pagbabalik ng mga ito sa Lunes, sinabi nitong magsasagawa sila ng imbestigasyon. “Is it a priority to look into how government so far spent the money for COVID-19 response? Definitely kailangan yun,” ayon kay Velasco dahil hindi lang umano power of the purse meron ang mga ito kundi may oversight power din. Bukod…
Read MoreANTI-ENDO BILL MULING HINIRIT KAY PDUTERTE
SA natitirang panahon sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte, hiniling ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sertipikahan bilang ‘urgent’ ang mga panukalang batas hinggil sa ‘Security of Tenure (SOT)’ at wakasan ang kontraktuwalisasyon sa bansa. “I just signed the letter addressed to our President recommending the issuance of certification for the anti-endo bill (as urgent), pending before the Senate,” pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa Laging Handa briefing. Ayon sa kalihim, handa na umanong pirmahan ni Duterte noon pa sanang 2019 ang panukalang batas makaraang pumasa…
Read MoreFOOD DELIVERY RIDERS PROTEKSYUNAN
INILARAWAN ni Senator Joel Villanueva bilang “essential frontliners” ang mga food courier na malaki ang naitulong sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan at isang malaking kabalintunaan kung sila ay “hahayaang mamuhay sa kakarampot na kita” kapalit ng kanilang sakripisyo. Nanawagan si Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) na maglabas ng mga panuntunan para siguruhin ang proteksyon at tamang kita ng mga food rider at iba pang freelance workers habang binabalangkas ang mga panukala para sa kapakanan nila. “Ang sitwasyon ng mga negosyo sa panahon ng pandemya ay nagresulta…
Read MoreBATASAN COMPLEX 3-ARAW LOCKDOWN
ILA-LOCKDOWN mula ngayong Biyernes ang Batasan Complex, hindi dahil sa COVID-19 pandemic kundi bilang bahagi ng mahigpit na seguridad na ipatutupad sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, Hulyo 26. Ito ang kinumpirma ni House secretary general Mark Llandro Mendoza. Aniya, tatagal hanggang Linggo ang lockdown at bubuksan ang gusali sa mga mambabatas at guests sa mismong araw ng SONA ni Duterte. Ayon kay Mendoza, regular na aniyang ginagawa na tatlong araw bago ang SONA ay nagpapatupad ng mas mahigpit na seguridad sa…
Read More1.2M DOSES NAITUROK NA SA QC RESIDENTS
UMABOT na sa 1,216,568 doses ng bakuna ang naiturok ng QCProtekTODO Vaccination Program ng pamahalaang lungsod sa tulong ng kanilang healthcare workers, staff at volunteers. Sa kabuuan, 739,911 o 43.52% ng 1.7 milyong target population ang nabakunahan na ng first dose sa lungsod sa kabila ng limitadong supply ng bakuna. Malaking bagay ito lalo na ngayong na may pinangangambahang Delta variant. Umakyat naman sa 476,657 o 28.04% ang nakatanggap na ng kanilang second dose. Kaugnay nito, hinihikayat ang QCitizens na magrehistro na sa QC Vax Easy upang makatanggap ng schedule…
Read MoreTrike driver nag-amok dahil sa masikip na daan CRIMINOLOGY STUDENT PATAY, 3 SUGATAN
PATAY ang isang criminology student habang sugatan ang tatlong kapamilya nito makaraang atakihin ng saksak ng isang tricycle driver sa Caloocan City. Kinilala ang biktimang napatay na si Junel Talan, 20, ng Barangay 12, ng lungsod. Napag-alaman, pauwi ang suspek na si Matias Avenido Jr., sakay ng minamanehong tricycle noong gabi ng Hulyo 20, nang hindi magkasya sa eskinita ang sasakyan nito dahil sa nakagaraheng motorsiklo sa tapat ng bahay ni Talan. Ayon sa CCTV footage sa lugar, bumaba ang suspek sa kanyang tricycle at kinalabog ang bahay ng biktima.…
Read MorePASYENTE NAG-SUICIDE SA MANILA HOSPITAL
BUNSOD ng depresyon dahil wala umanong bantay at wala ring dumadalaw, nagpakamatay ang isang 59-anyos na pasyente sa pamamagitan ng pagtalon mula sa ika-4 na palapag ng Sta. Ana Hospital, iniulat ng pulisya nitong Huwebes. Hindi na naisalba nina Dr. Avelino Nebrija at Dra. Donna Gabriel ang buhay ng biktimang kinilalang si Rafael Reglo y Suclayan, barangay kagawad sa Brgy. 587, Zone 98, at residente ng Cuadal Canal St., Sta. Mesa Manila. Base sa ulat ni Det. Rodolfo Acosta ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-5:50 ng hapon noong nakaraang…
Read MoreFLU VACCINE DONASYON SA TAGUIG
KASABAY ng groundbreaking ceremony sa pagtatayo ng Healthway Cancer Care Center ay pormal ding binigay ng AC Health bilang tugon nito sa #BrigadangAyala ang 1,000 flu vaccine doses sa lungsod ng Taguig. “With the donation of the flu vaccines through the #BrigadangAyala, we are optimistic that we will be able to lessen the burden of influenza, amidst the COVID-19 pandemic. We target to administer these vaccines for our priority beneficiaries namely, the Philippine National Police, Traffic Management Office, Barangay Health Workers, Bureau of Fire Protection and other frontliners,” ani Mayor…
Read More