FIRST CANCER SPECIALTY HOSPITAL SA PINAS SINIMULAN

PORMAL nang sinimulan nitong Huwebes ng AC Health ang pagtatayo ng Healthway Cancer Care Center, ang kauna-unahang dedicated cancer specialty hospital sa bansa. Ang investment na ito ay naaayon sa pagpapalaganap ng “improved healthcare” ng AC Health para sa mga Filipino. Dumalo sa ceremonial groundbreaking event sina Taguig Mayor Lino Cayetano, Department of Health (DOH) Secretary Francisco T Duque III, at Ayala Corporation’s President and CEO Fernando Zobel de Ayala. Ang 100-bed Healthway Cancer Care Center ay tugon ng Ayala Group sa Cancer Control Act (RA 11215) na nagbibigay ng…

Read More

RADIO COMMENTATOR NILIKIDA SA CEBU

ISA na namang kasapi ng media ang nilikida ng hindi pa kilalang mga suspek sa pamamagitan ng dalawang beses na pagbaril sa biktima sa harapan ng kanilang radio station sa Barangay Mambaling, sa lungsod ng Cebu. Kinilala ni Police Maj. Dindo Alaras, hepe ng Mambaling Police Station, ang biktimang si Rey Cortes, radio commentator ng himpilang DYRB at naging reporter din ng Bombo Radyo Cebu at ikinasal kay Kit Matus Cortes, news director ng radio station DYSS sa Cebu. Kasalukuyang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na umano’y nag-abang…

Read More

MOST WANTED CTG MEMBER ARESTADO SA PNP-PRO5

“REBELLION in any form is antagonism,” pahayag ni PNP-PRO5 Director P/BGen. Jonnel C. Estomo makaraang madakip ng kanyang mga tauhan ang isang ranking member ng communist terrorist group na may kasong murder sa lalawigan ng Masbate. Kinilala ni P/BGen. Estomo ang nadakip na New People’s Army cadre na si Loreto Rañola Dometita alyas “Ka Jun,” isang fishpond caretaker, naninirahan sa Brgy. Bolo, Masbate City. Ang suspek ay kasapi umano ng Larangan 1, Kilusang Partido 4; at Bicol Regional Party Committee (BRPC) na kumikilos sa 2nd District ng Masbate City. Ayon…

Read More

31 SAKAY NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA SA QUEZON

QUEZON – Umabot sa 31 katao ang nasagip makaraang lumubog ang pampasaherong motor banca nang hampasin ng malalaking alon sa karagatang sakop ng Barangay Macnet sa bayan ng Polillo sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kabilang sa mga nasagip ang 25 pasahero at anim na crew ng bangka. Ayon sa report ng Patnanungan Police, patungong Real Quezon Port ang motorbanca na MB Saint Paul mula sa islang bayan ng Patnanungan nang abutan ito ng malalakas na agos at malalaking alon dulot ng walang tigil na pag-ulan sa lugar. Pagkaraan…

Read More

HERD IMMUNITY SA DAVAO SINIGURO SA NOBYEMBRE

TINIYAK ni Mayor Sara Duterte sa mga Dabawenyo na hindi maapektuhan ang kanyang trabaho bilang alkalde at kaya nilang abutin ang herd immunity sa November 2021 kahit umiikot siya sa iba’t ibang lugar sa bansa. Tugon ito ng alkalde sa isang ambush interview matapos magpasaring si Manila Mayor Isko Moreno na dapat mag-focus muna ang isang alkalde sa kanyang constituents bago ang pulitika. Siniguro rin ni Duterte-Carpio na nagagampanan niya ang kanyang trabaho dahil nag-iiwan naman siya ng mga pag-aatas sa department heads habang tumatayo namang alkalde ang kanyang kapatid…

Read More

Article Directory Free

You’ve heard about poker participants winning hundreds of thousands of bucks both online and in offIine competitions such as the Globe Collection of Poker. We never had a fabulous friends and family trip – couldn’t afford it. 0n weekends there would become bookies in our home “getting figures” for soccer video games. 177

Read More

HIGIT 500K PFIZER VACCINE DOSES PARATING

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng 562,770 Pfizer doses ngayong Biyernes ng gabi. Ang shipment ay bahagi ng 40 million doses ng COVID-19 vaccines na binili ng gobyerno mula sa American pharmaceutical giant, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Ang delivery ay kinokonsiderang “ahead of schedule” taliwas sa naunang pahayag ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang delivery mula sa Pfizer ay magsisimula sa Agosto. Ang supply agreement sa Pfizer ay “the biggest and most decisive deal we had for 2021,” ayon kay Galvez. Sa kabilang dako,…

Read More

DOH NAKAPAGTALA NG HIGIT 6K COVID CASES

PATULOY na nadaragdagan ang mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa matapos makapagtala ng 6,560 bagong kaso ang Department of Health (DOH) ngayong Biyernes. Sa ulat ng DOH, hanggang 4:00 ng hapon ng Hulyo 21, umaabot na sa 1,524,449 ang total COVID-19 cases sa bansa. Sa naturang kaso, 3.1% na lamang o 47,996 pasyente ang itinuturing pang aktibong kaso kabilang ang 92.1% mild cases, 2.6% naman ang severe, 1.84 ang moderate. May 5,364 namang nadagdag sa mga gumaling kaya umaabot na ngayon sa 1,449,579 ang total recoveries sa bansa. Ang mga…

Read More

MAS MAHIGPIT NA MEKANISMO LABAN SA COVID-19, IPATUPAD

NANANAWAGAN ang ilang senador sa gobyerno na mas higpitan pa ang mga ipinatutupad na hakbangin laban sa COVID-19 upang maiwasang tumaas ang kaso ng Delta Variant sa dangerous levels. Sinabi ni Senador Nancy Binay na hindi lamang ang mismong virus ang kailangang aksyunan dahil karugtong nito ang mga bagay na hindi na rin kontrolado. Ipinaliwanag ni Binay na dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID cases, napupuno ang mga pagamutan at tiyak na makadaragdag ng stress level healthcare workers ang mga bagong variants. Umaasa si Binay na makahahanap ng mga…

Read More