ISANG panukalang batas ang isinusulong ngayon ni Senador Grace Poe upang makapaghatid ng serbisyo ng pagbabangko sa kanayunan dahil parami nang parami ang mamamayan na gumagamit ng digital transaction sanhi ng alalahanin na mahawa ng COVID-19. Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on banks, financial institutions and currencies, na kanyang pangungunahan ang isang virtual hearing sa Huwebes upang talakayin ang isang panukalang naglalayong magtayo ng “Bangko sa Baryo.” Ayon sa mambabatas, layunin ng panukala na palawakin ang pagbabangko sa pamamagitan ng “cash agents” at magsilbi sa malawak…
Read MoreMonth: July 2021
REELECTION BID SA 2022, KINUMPIRMA NI DE LIMA
KINUMPIRMA ni Senador Leila de Lima na muli siyang sasabak sa 2022 Senatorial Elections. Sinabi ni de Lima na ang naranasang political persecution sa kanya ng Duterte administration ang nagtulak sa kanya upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa kanyang mga adbokasiya. Dahil anya sa kanyang hindi makatarungang pagkakakulong, mas naniniwala siya na kailangang isulong ang laban sa injustice at ipagtanggol ang human rights. Sa kanyang open letter para kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni de Lima na bigo ang administrasyon na tuparin ang mga pangako nito noong kampanya partikular ang kampanya…
Read MoreOFW REMITTANCES, PROTEKSYUNAN – POE
NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa financial institutions tulad ng mga bangko at money transfer company gayundin ng mga regulator na paigtingin ang pagbibigay proteksiyon sa mga remittance at money transfer ng overseas Filipino workers (OFW). Batay sa Consumer Expectations Survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumabas na 96 porsiyento ng mga tahanang nakatatanggap ng mga remittance o padalang pera ay ginagastos ito sa pagkain at iba pang pangangailangan ng pamilya. “Krusyal ang perang padala ng ating mga OFW para maitawid ang kani-kanilang pamilya at ang ating ekonomiya sa…
Read MoreSAP FUND SA CALOOCAN IBIBIGAY NA
BIGLANG nag-anunsyo sa kanyang social media account si Caloocan City Oscar “Oca” Malapitan na mayroong Social Amelioration Program (SAP) pay-out sa lungsod. Hulyo 16 nang ilabas ng alkalde na may manual pay-out mula sa lumabas na listahan ng mga pangalan na makatatanggap ng SAP second-month at waitlisted beneficiaries ng lungsod. Ayon pa kay Malapitan, ang listahan ay ibinaba sa kanila ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ito ay mula sa mga nakaraang pay-out na unsuccessful at unclaimed ng GCash at Starpay. Nakapaloob pa sa anunsyo ni Malapitan na…
Read More‘DI BA TALAGA KAYA ANG OIL COMPANIES?
ISA sa mga negosyo na hindi apektado sa panahon ng pandemya ay ang mga kumpanya ng langis dahil kahit lugmok ang mga tao dahil nawalan, kundi man mababawasan ang kanilang income, tuluy-tuloy ang kanilang lingguhang oil price increase. Laging sinasabi ng mga oil company na nalulugi sila, pero ‘yung sinasabi nilang lugi ay ‘yung target na income na hindi nila nakuha dahil nalimitahan ang paggamit ng mga tao ng krudo dahil sa pagtigil ng ilang negosyo. Katunayan, ang Petron ay nagdeklara ng P1.73 bilyong profit sa unang tatlong buwan ng…
Read More‘COSA’ KOLEKTOR SA IMMIGRATION
NAPAKAPALAD naman ng isang nilalang na matatagpuan sa Bureau of Immigration (BI) dahil kundi papel ang hawak nito, pera. Akala mo tuloy kubrador sa jueteng ang taong ito na tawagin nating “Cosa”. Pero, hindi siya kubrador ng jueteng, o anumang ilegal na sugal dahil bawal ito sa BI. Ayon sa tao na masasabi nating kabisado ang BI, si alyas Cosa ay kolektor daw sa BI. Pokaragat na ‘yan! Ang kinokolekta ng nasabing Cosa ay pera mula sa ilang nagtatrabaho sa BI. At ipinapadala raw ang kanyang nakukolekta sa kanyang ‘amo’…
Read MoreBira ni Spox Roque LENI 5-TAONG PALAMUTI SA GOBYERNO
(CHRISTIAN DALE) IPINAALALA ni Presidential spokesperson Harry Roque na hindi nagkulang si Pangulong Rodrigo Duterte dahil binigyan niya ng posisyon sa gabinete si Vice President Leni Robredo ngunit mas pinili aniya nitong maging lider ng oposisyon. Ito aniya ang dahilan kaya sa loob ng limang taon ay nagmistulang palamuti o dekorasyon na lamang sa pamahalaan ang bise presidente. Tiniyak din ng Malakanyang na iba ang magiging tadhana ni Pangulong Duterte sakali’t magdesisyon itong tumakbo bilang bise presidente at manalo sa 2022 elections. Tugon ito ni Roque sa naging pahayag ni…
Read MorePag-ulan inaasahan hanggang Sabado METRO MANILA BINAHA
(RENE CRISOSTOMO) BINAHA ang maraming kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila dulot ng walang tigil na pag-ulan nitong Miyerkoles. Sa lungsod ng Maynila, umabot ng hanggang tuhod ang baha sa ilang kalsada na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko. Base sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na isinumite kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bandang 12:40 ng tanghali, sumampa hanggang ‘gutter’ ang baha sa mga kalsada sa Avenida-Recto. Hanggang tuhod naman ang baha sa United Nations Avenue-Taft Ave. at Taft sa harap ng…
Read MoreSa pagkalat ng Delta variant ‘WORST-CASE SCENARIO’ PAGHANDAAN
DAPAT paghandaan na ang “worst-case scenario” sa sandaling kumalat sa bansa ang mas nakahahawang Delta coronavirus variant. Ito ang panawagan ni Dr. Gene Nisperos, board member ng non-governmental organization Community Medicine Development Foundation, sa gitna ng nadaragdagang kaso ng naturang variant. Sa kasalukuyan ay hindi pa umano sapat ang testing at mabagal din ang rollout ng pagbabakuna para maiwasan sana ang transmission ng Delta variant sa bansa. Paalala pa ni Nisperos, hindi dapat maulit ang sitwasyon noong nakaraang taon nang ipinagkibit-balikat ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic. Nakapagtala na ng walong…
Read More