QUEZON – Patay ang isang farm owner makaraang barilin ng isa sa dalawang lalaking nag-a-apply na trabahador sa kanyang bukid sa bayan ng Infanta sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Salvador Recto Lorella, 38, residente ng Barangay Magsaysay. Ayon sa ulat ng Infante Police, dakong alas-7:40 ng gabi nang dumating sa bahay ng biktima ang dalawang hindi kilalang mga suspek. Hinanap ng mga ito ang biktima at sinabi sa misis nito na mag-aaplay sila bilang magtatabas sa kanilang bukid. Ngunit nang lumabas ang biktima, sinalubong…
Read MoreMonth: July 2021
CHINESE DINUKOT SA PASAY NATAGPUAN SA CAVITE
CAVITE – Nakatakas sa kamay ng umano’y mga kidnapper ang isang 30-anyos na Chinese national makaraang magbigay ng halagang P300,000 sa mga suspek at pagkaraan ay nakitang pagala-gala sa bayan ng Indang sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga. May mga galos sa leeg, dibdib at likod nang matagpuan ang biktimang si Gan Zuo Qi, nagtatrabaho sa isang tourist agency, tubong Lioming China, at pansamantalang nanunuluyan sa Makati City. Ayon sa salaysay ng biktima kay Corporal Ronnel Taguibao ng Indang Police Station, dinukot umano siya ng limang kalalakihan dakong alas-9:00…
Read MoreQC NAGTALA NG 97% RECOVERY RATE SA COVID CASES
NAKAPAGTALA ng 97.5% o 102,254 na ang gumaling mula sa COVID-19 sa Quezon City. Ayon sa QC Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), 1,392 pa ang kumpirmadong active cases mula sa 104,852 na kabuuang bilang ng nagpositibo sa lungsod. Dumadaan sa validation ng CESU, health center staff at mga opisyal ng barangay ang datos na mula sa DOH para masigurong ang mga positibo ay residente ng QC kaya maaaring magbago pa ang nasabing bilang. Kaugnay nito, parami na nang parami ang mga establisimyento sa QC na may safety seal. Kamakalawa,…
Read MoreSCHOOL CLERK TIMBOG SA SHABU
NADAKIP ng mga tauhan ng Police Regional Office 2 ng Tuguegarao City ang isang school clerk na suma-sideline sa pagbebenta ng umano’y shabu sa nasabing lungsod noong Hulyo 20, 2021. Sa ipinadalang email ni PRO2 Regional Public Information Office chief, P/Lt. Col. Andree Abella sa SAKSINGAYON, kinilala ang suspek na si Jaymor Callo, 35, clerk ng Cagayan National High School at residente ng Cataggaman Nuevo ng nasabing siyudad. Si Callo ay naaktuhan ng mga awtoridad na nagbebenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang P1,000 ang halaga, sa isang…
Read More3 PUGANTE NATIKLO SA MALABON
TATLONG wanted person ang nalambat ng mga awtoridad sa isinagawang magkahiwalay na joint operations sa Malabon City. Ayon kay Malabon Police chief, Col. Albert Barot, dakong alas-12:00 ng tanghali nang magsagawa ang pinagsamang pwersa ng Warrant and Subpoena Section (WSS), sa pangunguna ni P/SMS Armando Isidro at 4th MFC RMFB-NCRPO, sa pangunguna ni P/Cpt. Ronilo Aquino, ng operasyon sa Gov. Pascual Ave., Brgy Catmon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Richard Billones, 49, ng Blk. 15, Lot 8, Dagat-dagatan, Brgy. Longos. Sinabi ni P/CMS Gilbert Bansil, hepe ng WSS, inaresto si…
Read MoreACTIVE COVID CASES SA VALENZUELA, TUMAAS
UMAKYAT na sa 273 ang active COVID-19 cases sa Valenzuela City noong Hulyo 20. Ayon sa City Health Office-City Epidemiology and Surveillance Unit, ito ay makaraang 39 ang madagdag na confirmed cases at 11 lamang ang maitalang gumaling. Sumampa na sa 21,212 ang tinamaan ng COVID sa lungsod, at sa nasabing bilang ay 20,393 na ang nakarekober. Hindi naman nadagdagan ang 546 COVID casualties ng lungsod sa nasabing araw. Samantala, dumating na ang bahagi ng inorder na AstraZeneca vaccines ng lungsod. “Kahit na maliit lang ito na percent ng COVID…
Read MoreCRIMINOLOGY DROPOUT NALAMBAT SA HOLDUP
ARESTADO ang isang dropout student sa kursong criminology makaraang makita sa CCTV ang pagholdap nito sa isang ginang na natangayan ng P100,000 cash at isang cellphone sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles. Ayon kay P/Lt. Rowell Robles, Block commander ng Manila Police District-Don Bosco Police Community Precinct, binitbit nila ang suspek na kinilalang si JV Jimenez makaraang makita sa CCTV ang pagholdap nito sa isang ginang sa Tondo, Manila noong Biyernes. Pahayag ng biktimang tumangging magpapabanggit ng pangalan, idedeposito sana niya ang nasabing halaga nang bigla siyang holdapin…
Read More5 ROBBERY SUSPECTS NABITAG SA QC
ARESTADO sa mga operatiba ng Holy Spirit Police Station (PS-14) ang limang robbery suspects sa follow-up operation na nagresulta sa pagkakakumpiska sa umano’y shabu, mga baril at mga bala sa Brgy. Pasong Tamo, Quezon City noong Martes. Kinilala ni P/Lt. Col. Jeffrey Bilaro, station Commander ng PS-14, ang mga suspek na sina Lourence Laurel, 29; Gueller Canlas, 25; Rey Terga, 35; Myla Ecal, 23l, at Richard Sillar, 30-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-5:00 ng umaga noong Hulyo 19, 2021, isang robbery incident ang nangyari sa Andrew St., Metro Heights Subd.,…
Read More#BrigadangAyala: FREE COVID-19 VACCINES AT CASH DONATION SA HERO FOUNDATION
PATULOY ang pagsuporta ng Ayala Land Inc. (ALI) sa Hero Foundation ng P2.5 million annual donation at ng karagdagang 600 doses ng COVID-19 vaccine para sa 300 scholars nito. Ito ay mula sa Alagang Ayala Land at sa pagtugon ng ALI sa kilusang #BrigadangAyala. Ang financial donation ay pinamamahagi sa mga scholar bilang tuition fee assistance o ayuda sa pagbili ng libro at ibang gamit sa pag-aaral. Nagbibigay rin and ALI ng internship at employment opportunities sa mga qualified scholar. Mayroon ding donation boxes sa Ayala Malls nationwide na humihikayat…
Read More