ITF World Juniors Rankings ALEX EALA UMAKYAT SA NO. 2

MAKARAANG magkampeon sa Singles at Doubles sa JA tournament sa Italy, umakyat si Filipina teen tennis sensation Alex Eala sa number 2 spot sa International Tennis Federation World Juniors Rankings. Nag-imprub ng 467.5 ang standing ni Eala matapos ang kambal na panalo sa Trofeo Bonfiglio tournament sa Milan Linggo ng gabi. Kaya mula sa 2318.75 points ay tumalon sa 2786.25 ang 16-anyos na Pinay upang sipain ang ­dating world no. 2 na si Elsa Jacquemot ng France na may 2404.25. Ito ang ‘best rankings’ na nakamit ng isang Filipino tennis…

Read More

GILAS PILIPINAS LALABAN SA JORDAN

Ni ANN ENCARNACION KABILANG ang Gilas Pilipinas sa mga koponan na lalaban sa King Abdullah Cup sa Jordan mula Hulyo 25 hanggang Agosto 3. Limang bansa ang kasama sa torneo kabilang ang host Jordan, Pilipinas, Saudi Arabia, Egypt at Tunisia. Ang King Abdullah Cup ay parte ng paghahanda ng Gilas para sa 2021 FIBA Asia Cup sa Indonesia sa susunod na buwan. “The Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) wanted the team to get more games so we looked for the best possible option and decided that Jordan will be a…

Read More

PAMILYA, INSPIRASYON NI PACQUIAO

Ni EDDIE ALINEA NASA Los Angeles na ang maybahay at mga anak ni Manny Pacquiao upang samahan ang eight-division world champion sa kanyang laban kay Errol Spence Jr. sa susunod na buwan. “Lumiwanag na naman ang bahay namin kasi dumating na si Jinkee at mga bata,” sabi ng 42-anyos na fighting senator patungkol sa asawa at mga ­supling na sina Jimwell, ­Michael, Princess, Queenie at Israel na kanyang sinalubong sa Tom Bradley International Airport noong nakaraang linggo. Kaya biglang nagkabuhay ang mansion ng senador at dating Sarangani Bise Gobernador Jinkee…

Read More

VisMin Cup Mindanao leg BASILAN UMUKIT NG KASAYSAYAN

NAGTALA ng kasaysayan sa Chooks-to-Go VisMin Pilipinas Super Cup ang Jumbo Plastic-Basilan nang durugin ang Kapatagan, 118-84, Lunes ng gabi sa Pagadian City Gymnasium sa Zamboanga del Sur. Nalagpasan ng imakuladang Basilan (3-0) ang ­pinakamalaking puntos na unang naitala ng MisOr na 111 dalawang araw na ang nakalilipas, at ang 34 puntos na bentahe ang ikalawang ­pinakamalaking agwat mula nang ­maitala ng MJAS Zenith Talisay ang 38 puntos na kalamangan kontra Tubigon, 104-66 sa Visayas leg. Mula sa 13 puntos na abante sa first half, pinalobo pa ito ng Basilan…

Read More

Inilagay sa health and safety protocols LAVINE, INIWAN NG TEAM USA

HINDI nakasama si Zach LaVine nang bumiyahe ang US men’s basketball team nitong Lunes patungong Japan para sa ­Tokyo Olympics. Inilagay si LaVine sa health and safety protocols, ayon sa USA Basketball. Gayunpaman, umaasa pa rin ang koponan na makakahabol sa Tokyo si LaVine ng Chicago Bulls, may 13 points sa exhibition ng team kontra Spain noong Linggo. Unang nalagay sa health and safety protocols si Washington Wizards star Bradley Beal. Pinalitan siya ni San Antonio Spurs’ Keldon Johnson. Si Kevin Love naman ay nag-withdraw dahil sa calf injury at…

Read More

4 players nagpositibo sa COVID kaya… 2 PBA GAMES KANSELADO

Ni VT ROMANO ILANG araw pa lang mula nang mag-umpisa ang PBA Philippine Cup, dalawang laro ang kanselado ngayong araw (Miyerkoles) sanhi ng health and safety protocols. Sa official statement ng PBA nitong Martes, kanselado ang mga laro sa pagitan ng Terrafirma at Alaska at TNT vs. Magnolia Pambansang Manok matapos na apat na manlalaro ng Tropang Giga ang nagpositibo sa virus. Ang apat na manlalaro ay naka-isolate na at nakatakda para sa confirmatory COVID-19 tests, ayon sa PBA. Negatibo naman ang iba pang manlalaro ng TNT, bagama’t naka-isolate na…

Read More

Delta variant mabilis kumalat CONTACT TRACING PALALAWAKIN

MINAMADALI na ng gobyerno ang pagpoproseso ng mga contact tracer ngayong nagbabanta ang Delta variant. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, maging ang mga lokal na pamahalaan ay nagkaroon na ng hakbang para mapanatili ang additional contact tracers na kinontrata ng Department of Labor. Ani Sec. Roque, wala silang nakikitang hadlang ukol dito sa harap ng target na mas mapalawak pa ang contact tracing efforts. “Well, ngayon po pinabibilis na nga natin iyong proseso ng contact tracers. Humingi na nga po ang ating Metro Manila mayors na manatili iyong mga…

Read More

VACCINE INFORMATION CAMPAIGN PAIGTINGIN

HINILING ni Pangulong Duterte sa national at local quarters na pataasin at paigtingin ang kanilang vaccine information at education campaign para mas mapataas pa ang kumpiyansa sa bakuna at marami pang tao ang magpabakuna laban sa COVID-19 Sinabi ng chief executive na dapat lamang malaman ng mamamayang Filipino ang kahalagahan ng bakuna. Subalit, kung ayaw talaga aniyang maniwala ng ilang tao sa kahalagahan ng bakuna at pagbabakuna ay huwag na lang aniyang lumabas ng bahay para walang mahawa ang mga ito. Kaya, wala aniyang dahilan para magalit sa mga pulis…

Read More

Hawaan sa NCR tumaas MAS MAHIGPIT NA PROTOCOLS NAKAUMANG

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring muling ipatupad ng Pilipinas ang “stricter restrictions” matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang insidente ng local cases ng Delta variant ng COVID-19. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi ay nagbabala ang pangulo laban sa mass gathering at superspreader events makaraang mapaulat na may 35 Delta variant cases na sa bansa, kung saan 11 ang local cases. “The reported local cases in the country is a call for serious alarm and concern,” ayon kay Pangulong Duterte. “We may…

Read More