CAVITE – Arestado sa ikinasang entrapment operation ang isang 42-anyos na piyansadora dahil sa paghingi halagang P79,288 sa mga kaanak ng suspek na nahulihan ng baril, kapalit ng paglaya nito sa bayan ng Alfonso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Dinakip ng mga awtoridad ang suspek na si Arlene Delfin, dalaga, ng Mahogany Market, Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City, dahil sa reklamo ni Petronila Oldan, 57, ng Brgy. Sicat, Alfonso, Cavite. Ayon sa reklamo ni Oldan kay P/SSgt. Boyet Soriano ng Alfonso Police Station, kinausap umano siya ni Delfin…
Read MoreMonth: July 2021
LAGUNA INMATE DINAPUAN NG DELTA VARIANT
LAGUNA – Muling nadagdagan ang kaso ng COVID-19 delta variant sa lalawigan makaraang dalawang kaso ang naitala sa bayan ng Bay noong Martes, Hulyo 27. Isa sa nasabing pasyente ay isang inmate at walang naramdamang mga sintomas o “asymptomatic”. Bagama’t nakarekober na ito matapos dumaan sa proseso ng pagpapagaling, hindi sinabi ng Department of Health kung saan nakuha ng nasabing pasyente ang virus. Habang ang pangalawang pasyente ay kasalukuyan nang nagpapagaling sa quarantine facility at patuloy na minomonitor ang kanyang kondisyon. Kaugnay nito, hinikayat ng lokal na pamahalaan na magpabakuna…
Read MoreMILYON-MILYONG PUSLIT NA YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY
BULTO-BULTONG smuggled cigarettes ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy sa magkahiwalay na pagsalakay sa lalawigan ng Basilan at Palawan, ayon sa ulat ng Hukbong Dagat ng Pilipinas. Sa ulat na ibinahagi ni Navy Commander Benjo Negranza, tagapagsalita ng Philippine Navy, nasabat ng pinagsanib na pwersa ng Naval Task Force (NTF) 61 at Naval Special Operations Unit (NAVSOU) 6 ang libo-libong kahon ng puslit na sigarilyo na sakay ng M/L AL Ayessa sa Pilas Island, Basilan. Ayon kay Cdr. Negranza, unang nakatanggap ng “actionable intelligence info” ang Naval Intelligence…
Read MoreSa law enforcement ops ng PNP-PRO5 ‘GUN FOR HIRE’ LAGLAG SA OPLAN PAGLALANSAG
IPINAKITA ng PNP Bicol, sa pamumuno ni P/BGen. Jonnel C. Estomo, na lalong pinaigting ng buong hanay ng pulisya ang kampanya laban sa paglaganap ng hindi lisensyadong mga baril sa rehiyon, nang madakip ang lider ng Aliven gun for hire at gun running group sa bayan ng Castilla sa lalawigan ng Sorsogon. Ito ay isinakatuparan sa pamamagitan ng “Oplan Paglalansag Omega” at “Oplan Salikop” na nagbunga sa pagkakahuli sa 50-anyos na si Alexander Lladones Aliven, lider ng Aliven gun for hire, naninirahan sa Brgy. Cumadcad, Castilla, Sorsogon. Ayon sa ulat…
Read MoreBAGONG DIVERSION ROAD SA PANGASINAN ININSPEKSYON NG DPWH
MALAPIT nang magamit ng mga motorista na nagpupunta sa iba’t ibang bahagi ng eastern Pangasinan, Nueva Ecija at Nueva Vizcaya ang bagong gawang 5-kilometrong diversion road na bumabaybay sa Rosales, Pangasinan. Nitong Biyernes, July 30, 2021 ay ininspeksyon ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar ang proyekto na tinawag na Carmen East-West Diversion Road sa kabila ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway (TPLEX). Sinamahan si Sec. Villar sa ocular inspection nina Senior Undersecretary Rafael C. Yabut at Assistant Secretary Wilfredo S. Mallari ng DPWH Luzon Operations, DPWH Region 1…
Read MoreHidilyn may misyon pa sa 2024 Paris Games
ANG gintong medalyang handog ni Hidilyn Diaz sa bansa at sa kanyang mga kababayan ay pinuhunanan niya ng ‘di mapapantayang mahigit isang dekadang tiyaga, tatag ng loob, tibay ng pag-iisip, determinasyon, dedikasyon at marubdob na paniniwala sa Panginoon. Nagsimula ito noong 2008 sa Beijing Games sa edad na 17, at sa sumunod na apat na taon sa London. Sa dalawang pagkakataong nabanggit, kinatawan niya ang bansa bilang wild card entry sa Olympics. Walang nangyari sa kanyang kambal na partisipasyon sa Beijing at London. Ang mas masaklap, nawalan pa siya ng…
Read MoreMAGNO NABIGO
NAGWAKAS na ang Olympic quest ng isa pang Pilipinong boksingero sa Tokyo na si Irish Magno nang matalo via unanimous decision kay Jutamas Jitpong ng Thailand (30-27, 30-27, 30-27, 30-27, 29-28) sa flyweight Round of 16 kahapon. Hindi kinaya ng 30-anyos na Pinay ang mas bata (23), matangkad at mas maliksing si Jitpong, na sa simula pa lang ay makikitang nakangiti at puno ng kumpiyansang mananalo sa laban. Nakarating sa Round of 16 si Magno nang makakuha ng unanimous decision win kontra Christine Ongare ng Kenya. Samantala, dati nang nagkaharap…
Read MoreLUMULOBO, INSENTIBO NI HIDILYN
SI Hidilyn Diaz sa ngayon ay may total cash windfall na P43 million matapos magpahayag ang Malacañang ng karagdagang P3 milyon para sa kauna-unahang Pilipino na nanalo ng Olympic gold medal. Hindi pa kasama rito ang fully-furnished house and lot sa Zamboanga City at condo mula naman sa isang pribadong kompanya. Nakatakda rin siyang pagkalooban ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Presidential Medal of Merit. Si Diaz ang pang-apat na atleta na pagkakalooban nito. Ang tatlong nauna ay sina Manny Pacquiao, Gabriel “Flash” Elorde at Paeng Nepomuceno. Kabilang pa sa mga…
Read MoreKalaban pinatumba, mukha pinadugo MARCIAL SAMPA SA Q’FINALS
Ni ANN ENCARNACION HINDI na pinagtagal ng Pilipinong si Eumir Felix Marcial ang laban nila ni Younes Nemouchi ng Algeria nang magtala ng Referee Stopped Contest (RSC) sa natitirang ilang segundo sa unang round ng men’s middleweight (69-75kg) Round of 16 boxing competition sa Kokugikan Arena kahapon. Dahil sa impresibong panalo ay umusad sa quarterfinals ang 25-anyos na tubong Zamboanga City na si Marcial. Unang pinabagsak ng Pinoy ang kalaban 1:44 segundo sa unang round para sa standing eight count. Sunod nito ay pinatamaan niya si Nemouchi ng isang straight…
Read More