NAPAGKASUNDUAN ng Metro Manila mayors na hilingin sa Inter-Agency Task Force ang “stricter quarantine measures” bunsod ng kamakailan lamang na pagsirit ng kaso ng COVID-19. Sa isang kalatas, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Benhur Abalos na handa ang Metro Manila mayors na ibalik ang enhanced community quarantine ng dalawang linggo kung ang pamahalaan ay mayroong available na pondo para sa social amelioration program. Matapos aniyang sundin ang payo ng mga health expert at assessment ng 17 Metro Manila mayors, napagkasunduan na mahigpit na ipatupad ang PDITR at ang…
Read MoreMonth: July 2021
P1K-P4K AYUDA SA MGA NASA ECQ
INANUNSYO ng Malakanyang na may matatangap na cash aid ang mamamayang nakatira sa mga lugar na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ). Sinabi ni Sec. Roque na may matatanggap na P1,000 hanggang P4,000 cash aid kada pamilya sa lugar na nasa ilalim ng ECQ gaya ng Iloilo province, Iloilo City, Cagayan de Oro City at Gingoog City. Ito aniya ay manggagaling sa programa ng DSWD na Assistance to Individuals to Crisis Situation (AICS). Inaprubahan ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na manatili sa ECQ classification…
Read MoreKaysa maging ‘walking spreaders’ – Duterte HINDI BAKUNADO IKULONG SA BAHAY
INATASAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga awtoridad na tiyakin na nasa loob ng bahay ang unvaccinated individuals o mga hindi pa bakunado laban sa COVID-19 dahil ang mga ito ay “walking spreaders.” Sa kanyang Talk to the People, ipinag-utos ni Pangulong Duterte sa mga pulis at barangay officials na eskortan ang mga hindi pa bakunadong indibidwal pabalik ng kanilang bahay at huwag hayaan ang mga ito na pakalat-kalat sa labas. “Itong ayaw magbakuna, sinasabi ko sa inyo, ‘wag kayong lumabas ng bahay kasi ‘pag lumabas kayo, sabihin ko…
Read MoreDUTERTE NADUTERTE SA BI?
NABANGGIT ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) ng pagpapatawag nito sa immigration officials sa Palasyo noong nakaraang taon na nasangkot sa pastillas scheme. Matatandaang naging kontrobersyal ang isyu ng pastillas na nagdiin sa immigration officials upang sila’y makasuhan at naharap sa 6-month preventive suspension. Pero, ano nga ba ang tunay na layunin ng mga lumutang na whistleblower at ng mga pulitikong nakisawsaw sa isyu? Ito ba ay para sa bayan, o kagagawan ng malaking sindikato upang mahawakan ang iligal na gawain sa airport?…
Read MoreMAGKAKAMAG-ANAK NA SENADOR
MAGKAKAROON din ng Senatorial election sa Mayo 2022 dahil matatapos na ang termino ng 12 sa 24 na mga senador. Kaya, asahan nating maraming politiko ang tatakbo para maging senador mula 2022 hanggang 2028. Mayroong mga re-electionist, may mga magbabalik, may mga beteranong pulitiko na ngayon pa lang gustong maging Senador, mga opisyal ng administrasyong Duterte at mga artista. Ang inisyal na mga pangalan sa mga tatakbong senador na nababalitan ko sa media ay sina dating bise – Presidente Jejomar Binay, Secretary Mark Villar, dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito,…
Read More2M lang kaya ng gobyerno HIRIT NG LGUs NA 4M BAKUNA TABLADO
(CHRISTIAN DALE) HINDI kaya ng pamahalaan na maibigay ang hinihingi ng Metro Manila mayors na bigyan 4 milyong doses ng bakuna para makamit ang population protection sa lalong madaling panahon. Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na 2 milyon lamang ang maibibigay ng pamahalaan sa LGUs. “Well, ah.. narinig po iyan ni Secretary (Carlito) Galvez. I think, what he can guarantee for now, is around 2 million kasi kinakailangan nga po na magkaroon din ng equitable na distribution ng mga bakuna pero dalawang million is not bad…
Read MoreDuterte kay Hidilyn: ‘LET BYGONES BE BYGONES’
PINAYUHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na kalimutan na ang mga taon ng paghihirap at pagkabigo dahil ito ang naghanda sa kanya para masungkit ang Olympic gold. Sa virtual courtesy call ni Hidilyn kay Pangulong Duterte, pinasalamatan ng chief executive si Hidilyn para sa pagtitiis nito sa mga hirap na kanyang dinanas. Inisa-isa rin ng pangulo ang mga gantimpala na makukuha ni Hidilyn batay sa mandato ng batas. Kabilang na rito ang P10 milyon at ang Medal of Merit at promosyon sa…
Read MoreMilyones na insentibo hindi matatanggap nang buo P14 MILYON BUWIS BABAYARAN NI HIDILYN
HINDI bababa sa P14 million ang babayarang buwis ni Tokyo Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz mula sa cash at properties incentives na matatanggap nito sa gobyerno at pribadong sektor. Ito ang nabatid kay House ways and means committee chairman Joey Salceda kaya naghain ito ng panukala na ilibre sa buwis ang insentibo na matatanggap ng kauna-unahang Pinoy na nakasungkit ng gintong medalya sa loob ng 97 taong pagsali ng Pilipinas sa Olympics. Hanggang kahapon ay umaabot sa P72.5 million ang insentibo ni Hidilyn na kinabibilangan ng cash at properties at…
Read MoreSolons sa deployment ng COVID-19 + cops USIGIN SI GEN. YARRA
HINDI kuntento ang mga militanteng mambabatas na suspendihin lang si Quezon City Police District (QCPD) Director PBGen. Antonio Yarra kaugnay sa sa pagdeploy nito ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa anti-State of the Nation Address (SONA) rally noong Lunes, Hulyo 26. “Nabalitaan namin today na sinuspinde na ata si Gen. Yarra pero dapat hindi matapos dyan (suspensyon). Siya ay dapat usigin,” ani Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite sa press conference ng Makabayan bloc kahapon. Ang aksyon ni Yarra ay paglabag umano sa Republic Act (R.A) 11332 o…
Read More