FPA ng DA Inutil sa pagtaas ng fertilizer MAGSASAKA UMAARAY NA SA GUTOM

PINAIIMBESTIGAHAN sa mababang kapulungan ng Kongreso ang Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) na attached agency ng Department of Agriculture (DA) dahil sa pagiging inutil na maproteksyunan ang mga magsasaka sa bansa. Sa House Resolution (HR) 1961 na inakda ni Magsasaka party-list Rep. Argel Cabatbat, nais nitong imbestigahan ang nasabing ahensya dahil mistulang walang magawa ang mga ito sa patuloy na pagtaas ng fertilizer na ginagamit ng mga magsasaka. Ayon sa mambabatas, hindi pa nakababangon ang mga magsasaka sa pagbaba ng presyo ng bigas matapos ipatupad ang Rice Tariffication Law noong…

Read More

STOCKPILING BILL LUSOT NA SA KAMARA

APRUBADO na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukala na magpapalakas sa kapasidad ng Pilipinas na tumugon sa posibleng pagtama ng iba pang pandemya sa hinaharap. Ang House Bill No. 9456, kilala bilang “Health Procurement and Stockpiling Act”, ay naglalayong protektahan ang kalusugan ng publiko sa pamamagitan ng pagtugon sa problema at masiguro na magkakaroon ng “access” ang publiko sa mga gamot, bakuna at iba pang gamit na kritikal sa panahon ng health emergencies, tulad ngayon na may COVID-19 pandemic. Pangunahing may akda sa…

Read More

TAX FREEZE SA PRIVATE SCHOOLS GAWING PERMANENT

NGAYONG pansamantalang itinigil ang pagpapatupad ng isang regulasyon ng BIR na nagtataas ng buwis sa mga pribadong paaralan sa halip na mapababa ito sa panahon ng pandemya, iginiit ni Senator Joel Villanueva ang kahalagahan na gawin itong permanente sa pamamagitan ng pag-amyenda ng batas. Kasabay nito, pinuri ng senador ang Department of Finance sa pagpapatigil sa maling implementasyon ng BIR ng kapapasa lamang na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act (CREATE Act) nang taasan nito sa halip na liitan ang buwis ng mga paaralan. “Ito po ang kailangan…

Read More

INDEPENDENT EXPERTS PINAGDADAHAN-DAHAN

NAGBABALA ang Department of Health (DOH) sa mga ‘independent expert’ na magdahan-dahan sa pagpapalabas ng mga pahayag ukol sa sitwasyon ng bansa sa COVID-19 pandemic kasunod ng paglilinaw na wala pang bagong ‘surge’ sa Metro Manila. Ang apela ng DOH ay kasunod ng pahayag ng OCTA Research Group na nag-umpisa na ang bagong COVID-19 surge sa Metro Manila dahil sa biglaang pagtaas muli ng reproduction number sa 1.33 ngayong Hulyo mula sa 0.6 noong Hunyo. Aminado ang DOH na may pagtaas sa mga kaso ngunit hindi pa umano ito matatawag…

Read More

Tinamaan ng COVID pneumonia GORDON NAOSPITAL

IPINASOK na sa Makati Medical Center si Senador Richard “Dick” Gordon matapos mahawa ng Corona virus 2019 kamakailan at natuklasan na mayroon na itong pneumonia. “Upon the advice of his physician, Senator Dick Gordon was admitted last night (July 28) to the Makati Medical Center for observation and further testing related to COVID-19,” ayon sa kalatas ng tanggapan ni Gordon. Sinabi pa ng tanggapan ng senador na natuklasan sa inisyal na pagsusuri sa dibdib ng mambabatas na mayroon na itong pneumonia. “Initial COVID-19 panel test results and high resolution Chest…

Read More

2 GINANG TIMBOG SA DRUG BUY-BUST

NADAKIP sa ikinasang buy-bust operation sa ilegal na droga ang dalawang ginang sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig City noong Miyerkoles ng hapon. Sa isinagawang magkatuwang na operasyon ng RID-RDEU, NCRPO at Taguig City Police Station, nadakip ang mga suspek na sina Mc Farrlan Fernandez at Donnalyn Guinto, kapwa common law wife, at nakatira sa Brgy. Lower Bicutan at Calachuchi St., Brgy. Wawa, Taguig City. Nakuha kina Fernandez at Guinto ang isang maliit na plastic sachet, isang large size plastic sachet at apat na medium size plastic sachet ng umano’y shabu…

Read More

MIYEMBRO NG YAKUZA LAGLAG SA BI

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese gangster na mataas na miyembro ng Yakuza syndicate at nagtatago sa bansa upang takasan ang kasong murder na kanyang kinakaharap sa kanilang bansa. Kinilala ni BI Commissioner Jaime Morente ang natimbog na si Toyama Yuji, 58-anyos, miyembro umano ng executive committee ng Komura Kai Sagamihara Branch na may kaugnayan sa Kyokuto Kai wing ng Yakuza syndicate. Batay sa ulat, puntirya ng Japanese authorities ang nasabing suspek dahil sa warrant of arrest sa kasong pagpatay sa isang kasamahan, 20…

Read More

MPD NAKAPAGTALA NG 6 COVID ACTIVE CASES

NAKAPAGTALA ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) ng anim na aktibong kaso ng COVID-19 sa mga tauhan nito. Bunsod nito, muling naghigpit si P/BGen. Francisco “Paco” Francisco, District Director ng MPD, sa kanyang mga tauhan at pinayuhang mag-ingat at sumailalim sa swab test. Ayon sa report ng MPD Public Information Office, noong Hulyo 28 ay umabot na sa 892 ang kabuuang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa distrito kung saan 881 ang nakarekober na at lima ang binawian ng buhay. Pawang mga police non-commissioned officer (PNCO) ang mga aktibong kaso.…

Read More

DELTA VARIANT NAKAPASOK NA SA MALABON

Kinumpirma ni Mayor Antolin Oreta na mayroon nang naitalang kaso ng COVID-19 Delta variant sa Malabon City. Nauna na itong kinumpirma ng punong lungsod sa mga kapitan ng iba’t ibang barangay at ilang kawani ng pamahalaang lungsod ng Malabon sa isinagawang emergency meeting. “Our City Health Office and other concerned offices are working 24/7 to manage the increase in cases,” ani Oreta. Bagama’t naka-isolate na ang nagpositibo sa Delta variant at ang lahat ng kanyang close contacts, nakiusap pa rin ang punong lungsod sa mga taga-Malabon na makipagtulungan sa pamahalaan…

Read More