MAGPABAKUNA NA PARA IWAS-OSPITAL – BONGBONG

SA tinatakbo ng sitwasyon sa mga pagamutan kung saan halos hindi na magkamayaw sa dami ng pasyenteng nagpositibo sa nakamamatay sa COVID-19, panawagan ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos sa publiko – magpabakuna na. Ani Marcos, mas mainam na maging bakunado nang sa gayon ay maiwasang dumating sa puntong kailangan pang magpa-ospital. Paliwanag ng dating senador, wala na halos paglagyan ng mga pasyente ang mga pagamutan sa dami ng dumarating ng taong positibo sa COVID-19 kada araw. Patunay pa aniya ay ang pila ng mga pasyenteng naghihintay sa labas ng…

Read More

CONSTITUTIONAL CRISIS IBINABALA Sa gag order ni Duterte

IBINABALA ni Senador Leila De Lima na lubhang lilikha ng constitutional crisis ang gag order na iniutos ni Pangulong Duterte sa miyembro ng Gabinete na dadalo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee sa overpriced medical supplies na binili ng administrasyon noong 2020. Sa pahayag, sinabi ni De Lima sa kanyang resolusyon na humihiling sa pangulo na iwasan ang pagbibigay ng pahayag na may layunin na mabawasan ang respeto sa Senado o sinoman sa miyembro nito. Inihain ni De Lima ang Proposed Senate Resolution (PSR) No. 898 na nagsasabing…

Read More

TERROR THREAT KUMPIRMADO ‘Moderate level’ -AFP

HINDI naalarma ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ulat hinggil sa umano’y napipintong terror attack sa Pilipinas batay sa babalang ipinalabas kamakailan ng Japanese Foreign Ministry para sa kanilang mamamayang nanunuluyan sa bansa. Sa kabila nito, walang planong balewalain ng AFP ang mga nasabing report na regular naman anilang bineberipika. Pag-amin pa ni AFP spokesperson Colonel Ramon Zagala, bagamat may banta, nananatili ito sa “moderate level.” “As of now, we have not received any report. We constantly validate all reports on security matters and it is a continuous…

Read More

PUV DRIVERS TABLADO SA AYUDA SA 2022

WALANG maaasahang ayuda ang mga public utility vehicle (PUV) driver sa 2022 matapos umanong tablahin ng Department of Budget and Management (DBM) ang P10 billion na hiningi ng Department of Transportation (DOTr). Sa pagdinig ng House appropriations committee sa P151.3 billion pondo ng DOTr kahapon, inamin ni Undersecretary Giovanni Lopez na walang pondo para sa Service Contracting Program (SCP) sa susunod na taon. “May nasamang service contracting sa isinumite nating proposal sa DBM. Kung hindi po ako nagkakamali, we requested for P10 billion. Unfortunately, hindi po naisama [ng DBM] sa…

Read More