PAGTATAYO NG MEDIA HUBS, KINUWESTYON

0

KINUWESTYON ni Senador Nancy Binay ang paglalaan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ng pondo para sa konstruksyon ng media hubs sa gitna ng pagbabawas ng pondo sa mga pagamutan.

“Sa gitna ng kakulangan ng kapasidad ng mga healthcare facilities natin dahil sa lumalalang kaso ng COVID-19 at budget cut sa maraming ospital, hindi tama na may mga ‘big-ticket’ construction projects para sa mga hindi naman pressing priority. We should be building hospitals, not media hubs,” saad ni Binay.

Pinagpapaliwanag ng senador ang PCOO sa kahalagahan ng Visayas Media Hub na plano nitong itayo sa gitna ng panlaban sa COVID-19 pandemic.

Humihingi ang ahensya ng P200 million sa kanilang Capital Outlay para sa konstruksyon ng media hub sa Mandaue, Cebu.

Noong Disyembre, inilunsad ng ahensya ang Mindanao Media Hub sa Davao City na ginastusan ng P340 million sa gusali at P408 million sa equipment.

Iginiit ni Binay na dapat ipagpaliban ang mga ganitong uri ng proyekto habang hindi pa tuluyang nakokontrol ang pandemya.

“While we do not dismiss the value of these hubs, we have increasingly diminishing resources which we should dedicate towards our fight against COVID-19. Our people’s lives and health should be given top priority right now over anything else,” giit ni Binay.

“Sana ang mga ganitong construction projects na hindi urgent, ibuhos na lang natin sa mga ospital na nabawasan pa ang alokasyon imbes na dapat dagdagan,” dagdag pa ng senadora.

Sa datos, 76 na pampublikong ospital ang apektado sa budget cut sa Department of Health.

Bukod dito, siyam pang government hospitals ang binawasan ng maintenance and operating expenses (MOOE) budgets. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

CASINO SA BORACAY, PINABUBUSISI

0

PINAIIMBESTIGAHAN ni Senadora Leila de Lima ag pag-aalis ng moratorium sa pagbubukas ng mga casino sa rehabilitated Boracay island at ang pagpayag na maglagay ng integrated casino-resort project ang isang Chinese Company.

Sa kanyang Senate Resolution (SR) No. 907, iginiit ni De Lima na dapat matukoy ang pinaka epektibong polisiya at dapat ikonsidera ang economic needs ng national at local governments sa Aklan, ang pagbibigay proteksyon sa kalikasan at ang pangangalaga sa isla.

“In intensifying its pandemic response, the government must not be self-defeating so as to forego the gains of Boracay rehabilitation over the years,” saad ni de Lima.

“After having expended both time and resources to restore this paradise, all risks that would make years in rehabilitation efforts and billions in public funds all for naught, must be most stringently examined,” dagdag nito.

Noong Agosto, binigyan ng go signal ng Pangulo ang operasyon ng casino sa Boracay Island para matugunan ang pondong kailangan para sa paglaban sa COVID 19.

Agad mamang kinumpirma ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na may go-signal na ang plano ng Chinese company Galaxy Entertainment na magtayo ng integrated casino-resort sa Boracay.

Iginiit ni de Lima na dapat na imbestigahan ng Senado ang lahat ng government contracts na nagbibigay ng prangkisa sa mga casino operators sa Boracay.

“Having already recognized the deleterious effects to the island of allowing casinos to open, questions must be raised to ascertain whether a drastic flip-flopping on the government’s stance is reasonable, or whether such decision is controlled and influenced by personal ties and commitments,” diin ni de Lima.

Kinatigan din ng senador ang panawagan ng mga business owner sa Boracay na bakunahan ang lahat ng mga empleyado sa isla.

“The Senate must also look into the vaccination rates in the island so that it may be informed whether government efforts are enough in vaccination which would allow it to fully open its shores to tourism so it may usher in cash flow again,” diin ni de Lima. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

WALANG FIESTA

0

WALANG magaganap na ‘fiesta” sa paghahain ng mga pulitikong tatakbo sa 2022 national at local election ng kanilang certificate of candidacy (COC) simula Oktubre 1 hanggang 8.

Bago sumabog ang coronavirus disease 2019 sa Wuhan, China na hinayaang kumalat sa apat na sulok ng mundo na ­pinagdudusahan ngayon ng sangkatauhan, mala-fiesta ang paghahain ng mga pulitiko ng COC.

Kanya-kanyang drama ang mga pulitiko at kanilang supporters. May nagbibitbit ng banda para salubungin ang kanilang mga kandidato na maghahain ng kanyang COC sa Commission on Election (Comelec).

Noong 2019 nga, may senatorial candidate ang nagpapanggap na ordinaryong tao at sumakay lang ng kanyang motorsiklo patungong Comelec office sa Intramuros, Manila.

Pero kalahati ng mga tao sa harap ng Comelec ay mga bitbit na ­supporters niya at saka lang sila nag-alisan matapos siyang makapaghain ng kanyang COC at pinalitan naman ng mga supporter ng ibang kandidato.

Sa mga probinsya, ang drama naman ng mga local candidate ay mala-prusisyon dahil naghahakot siya ng mga tao para samahan siya sa paghahain ng COC papuntang local Comelec office.

Sisimulan ang parada sa dulo ng bayan at ­sasalubungin siya ng mga tao na kunwari ay mga supporter niya pero ‘yun ay mga hakot at baka may allowance kaya hindi muna pupunta sa bukid at magtatrabaho para kunwaring sumusuporta sila sa kandidatura ni mayor, vice mayor at mga konsehal.

Masaya ang paligid kapag oras ng paghahain ng COC dahil pagkatapos maihain ng mga pulitiko ang kanilang COC ay magsalo-salo sila sa isang piging na nangyayari lang tuwing ikatlong taon.

Aminin na natin, ma­saya rin ang mga tao dahil kahit papaano ay meron silang matatanggap na allowance na kapalit ng pagsasakripisyo ng kanilang isang araw na trabaho.

Pero ang mga ‘yan ay hindi na mangyayari ngayong Oktubre dahil sa COVID-19 na patuloy na nagbabanta sa kalusugan ng sino mang tao, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan man o wala, makapangyarihan man o ordinaryong tao.

Bawal ang mass gathering kaya hindi ­puwedeng samahan ng mga supporters ang kanilang mga kandidato sa ­Comelec office kaya ‘yung dating eksena na mala-fiesta ay hindi muna natin maki­kita.

Pagdating ng kampanya sa Pebrero 2022, wala rin tayong makikitang mala-fiesta na kampanya dahil bawal ang mga political rally na alam naman natin na ginagastusan ng mga kandidato at partido para kunwari ay maraming sumusuporta sa kanila.

Mala-fiesta rin ang mga political rally dahil nagbibitbit ang mga pulitiko ng mga artista na kakanta o sasayaw sa entablado na sasabayan naman ng kandidatong ikinakampanya at pinapalakpakan kahit wala sa tono ang pagkanta at parehong kaliwa ang paa kapag nagsayaw.

‘Yung mga rumaraket sa kampanya tulad nung mga naghahakot ng mga tao para dalhin sa venue ng political rally ng mga ­kandidato ay tiyak na mawawalan na rin ng kita.

Pero ang maganda nito, mababawasan ang gastos ng mga pulitiko hindi tulad noong hindi pa ‘pinakawalan ng China” ang ­COVID-19 na bukod sa political ads, malaki ang gastos nila sa pag-ikot sa apat na sulok ng bansa para roon mangampanya.

Read More

HAYAHAY ANG BUHAY, KUNG WALANG PASAWAY

0

KUNG masusunod lamang ang panuntunan ng Civil Service Commission (CSC) ng mga kawani ng gobyerno, hayahay sana ang buhay ng mga Pinoy.

Bakit kamo? Base sa paalala ni CSC Commissioner Aileen Lizada: ‘Sa lahat ng mga kawani ng gobyerno: Let our virtue be integrity as we serve the public…Taumbayan po ang nagpapasweldo sa atin –the higher ranks we have, the lower we must go.

We must serve with utmost humility, integrity, honesty. Let us lead by example’.

Napakaigsi lang po ang sinabi ni Comm. Lizada pero punong-puno ng sustansiya at mensahe sa mga empleyado ng pamahalaan.

Ayon kay Comm. Lizada, bilang mga kawani ng ­gobyerno ‘wag nyo kalimutan na kayo ay pinasusuweldo ng taumbayan. Ibig sabihin niyan dahil taumbayan ang nagpapasweldo sa inyo sila ang inyong mga amo at sila ang dapat ninyong paglingkuran.

Sa halip ay kabaligtaran ang nangyayari, ­masu­sungit pa ang mga empleyado ng gobyerno sa taum­bayan.

Sinabi pa ni Comm. Lizada na kailangan pagsilbihan ng mga kawani ng gobyerno ang taumbayan nang may pagpapa­kumbaba, in­tegridad at katapatan.

Hindi ‘yung ‘pag nakakakita kayo ng mga tao na pupunta sa mga opisina (gov’t. employees) n’yo ay susungitan n’yo, kung minsan binubulyawan n’yo pa sila.

Kailangan maging ­halimbawa kayo bilang mga tunay na “public ­servant” hindi lang pakitang tao kundi ipakita n’yo talaga ang totoong serbisyo publiko. Ika nga “public office is a public trust”.

Paanong pagkakatiwa­laan ng taumbayan ang inyong mga opisina kung ang mga nasa loob nito ay pawang mga ‘kuwago’ na hindi katiwa-tiwala?

Sabi pa ng opisyal ng CSC, ‘the higher ranks we have, the lower we must go’. Malinaw po ang ­paalala ni Comm. Lizada sa mga kawani ng gobyerno, na habang tumataas ang inyong mga ranggo ay lalo kayong maging mapagkumbaba.

Sabi nga ni Spiderman, “With great power comes great responsibility”.

Laging po natin isaisip na ang bansang Pilipinas ay tahanan ng mga Pinoy. ‘Pag sinira natin ito at tuluyan nang malugmok sa kahirapan ay wala tayong pangalawang bansa na dapat nating puntahan. Walang pinakamasarap na tirahan kundi ang sariling bansa na ating tinubuan.

Ang mga bansang mauunlad ngayon ay nagkaroon din ng malasakit sa kanilang inang bayan, kaya tinatamasa nila ang kanilang kaunlaran.

Kung magkakanya-kanya tayo at maging pasaway maging ang mga nasa pampublikong opisina man o pribado, tayo mismo ang humahatak sa ating pamahalaan pababa.

Ang pakikiisa ng bawat Pinoy sa gobyerno na sumunod sa mga batas ay malaking ambag para makamit natin ang kaunlaran at tagumpay.

Tulad ng nararanasan natin ngayong paglaban sa COVID-19, kung lahat ay makikiisa sa pag-iingat baka sa susunod na taon (2022) ay tuluyan na tayong makawala sa virus na ito.

Pero kung magpapa­tuloy ang pagiging pasaway natin ay marami pa sa atin ang malalagas dahil sa veerus na ito.

Kaibigan mo, kaibigan ko, kamag-anak ko, kamag-anak mo ay nalalagas na, sino pa ang susunod?

Nakasalalay rito ang buhay ng kamag-anak mo, kamag-anak ko, asawa mo, asawa ko, mga anak mo, mga anak ko, ikaw mismo at ako.

Tara, sama-sama po tayong magdasal na matapos na ang krisis na ito.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon mag-email sa joel2amongo@yahoo.com.

Read More

KRISIS SA PAGITAN NG SENADO AT PANGULO

0

ISANG krisis ang nakaamba sa pagitan ng dalawang sangay ng gobyerno bunsod ng atas ng Pangulo sa kanyang mga Kalihim. Aniya, walang miyembro ng kanyang Gabinete ang pwedeng tumugon sa patawag ng Senado sa mga pagdinig nang wala siyang pahintulot.

Ang Pangulo ay isang abogado. Hindi na rin siya bagito sa gobyerno. Kaya naman malinaw na malawak ang kanyang kaalaman kaugnay ng mandato ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Ayon mismo sa Article 2, Section 1 ng Saligang Batas, “Ang Pilipinas ay isang demokratiko at republikanong Estado. Nasa mamamayan ang kapangyarihan nito at nagmumula sa kanila ang buong ­pamunuan ng pamahalaan.”

Ang Pilipinas ay isang republikang may tatlong sangay – ehekutibo, lehislatibo, at hudikatura.

Sa ilalim ng umiiral na sistema, hati-hati ang tatlong sangay sa kapangyarihang atang ng ­Konstitusyon. Nasa kamay ng Kongreso ang paggawa ng mga batas, napasailalim naman sa Ehekutibo ang pagpapatupad ng mga ito, at mandato ng Hudikatura ang pagpapasya sa mga usapin ng legalidad.

Nakasaad sa Saligang Batas ang paghahati ng Kongreso – ang Senado at ang Kamara de Representante. Kapwa may pahintulot ang Senado at Kamara na gumawa ng mga batas, mag-amyenda, at magpasawalang-bisa ng mga ito gamit ang kapangyarihang ibinigay sa Kongreso ng Pilipinas. Bahagi rin ng kapangyarihan ng Kongreso ang magsagawa ng mga pagsisiyasat at pagdinig na maaaring gamitin bilang batayan sa paggawa o pag-amyenda ng batas.

Sa ilalim naman ng Ehekutibong sangay ay ang Pangulo at Pangalawang Pangulo na kapwa inihalal para sa isang termino lamang na tatagal ng anim na taon. May karapatan ang Pangulong pumili at mag­talaga ng kanyang Gabineteng bubuo sa mga kagawarang bahagi ng burukrasya.

Isa pang sangay ng gobyerno ay ang Hudikaturang binubuo ng Korte Suprema at mga husgadong nasa ilalim nito. Mandato nitong litisin at lutasin ang mga sigalot sa pagpapatupad ng mga karapatang nakasaad sa batas. Hinahatulan din ng sangay na ito ang mga napatunayang nagkasala sa batas ng tao.

Maging ang taong gobyerno, ang mga mismong mahistrado at huwes pwedeng maharap sa asunto at posibilidad ng hatol kaugnay ng matinding pang-aabuso sa pagpapasya. Sa madaling salita, wala itong sinasanto. ‘Yan marahil ang paliwanag kung bakit ang babaeng rebulto sa mga bulwagan ng katarungan may piring habang tinitimbang ang katotohanan at katuwiran.

Bukod sa mga pangkaraniwang asuntong isinasampa sa mga husgado, pasok din sa kapangyarihan ng Hudikatura ang pagpapasya sa mga isyung paglabag sa konstitusyon, kasunduan, batas, atas ng ­pangulo, proklamasyon, kautusan, tuntunin, ordinansa o regulasyon.
Muli, ang Pangulo ay isang abogado at hindi bagito sa gobyerno.

Read More

114 POSITIBO SA COVID-19 SA KUMBENTO SA QC

0

NAGPOSITIBO sa COVID-19 ang 114 katao na kinabibilangan ng 64 madre sa isang kumbento sa Quezon City.

Ayon kay Dr. Rolly Cruz, head ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), nagsasagawa na ng contact tracing matapos matukoy ang mga tinamaan ng virus sa Religious of the Virgin Mary na matatagpuan sa 214 N. Domingo St., Barangay Kaunlaran sa nasabing lungsod.

Aniya, kabilang din sa mga nagpositibo ay apat na driver, 18 layman partners, 14 health aide, 13 caregivers, at tatlong Registered Nurse.

Sa naturang bilang ay 22 ang asymptomatic, 86 ang mild, apat ang moderate at dalawa ang severe na ngayon ay ginagamot na sa Intensive Care Unit ng Infirmary. (TJ DELOS REYES)

Read More

DINE-IN SERVICES SA MM PARA LANG SA BAKUNADO

0

PAPAYAGAN na ang dine-in services sa Metro Manila ngunit ito ay para lamang sa mga indibidwal na nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, kasabay ng pagsasailalim ng Metro Manila sa alert level 4 ngayong araw, Setyembre 16 ay papayagan na rin ang limitadong operasyon sa mga restaurant at fast foods.

Sa ilalim ng alert level 4 system, 10% lamang ang papayagang kapasidad sa dine-in operations at kinakailangang magpakita ng kanilang vaccination card ang mga kostumer.

Maaari pa ring kumain ang mga hindi bakunado ngunit limitado sila sa al-fresco dining sa 30% kapasidad.

Samantala, iniulat ng OCTA Research Group na bahagya pang bumaba ang COVID-19 reproduction number sa Metro Manila sa linggong ito.
Nabatid na patuloy ang pagtatala ng average na mahigit 5,000 COVID-19 cases kada araw, ayon kay OCTA Research Group fellow Dr. Guido David.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni David na ang reproduction number sa National Capital Region (NCR) ay nasa 1.34 na lamang ngayong linggong ito, o pagbaba mula sa dating 1.39 nitong nakalipas na pitong araw.

Read More

LGUs INAWAT NG SOLON SA BIGLAANG LOCKDOWNS

0

NANAWAGAN si Senadora Grace Poe sa mga lokal na pamahalaan na huwag maging pabigla-bigla sa pagpapatupad ng granular lockdown sa mga komunidad.

Sinabi ni Poe na dapat ay mabigyan ng mga paunang abiso ang mga residente bago isarado ang anomang lugar.

Sa pamamagitan anya ng mga abiso, magkakaroon ng pagkakataon ang mga residente na makapag-imbak ng kanilang pagkain, gamot, tubig na inumin at iba pang mga pangunahing pangangailangan kahit na inaasahan nila ang tulong mula sa lokal at nasyunal na pamahalaan.

Ang mga miyembro ng pamilya na naghahanapbuhay ay dapat na bigyan ng sapat na oras para makabalik sa kanilang mga tahanan at ipaalam sa kanilang mga pinapasukan hinggil sa posibilidad ng kanilang pagliban sa trabaho dahil sa lockdown.

Ito ay upang hindi naman sila magkaroon ng problema sa trabaho.

“Lockdowns can be used as means to save lives without killing livelihoods and further inflicting suffering on our people,” saad ni Poe. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

Anomalya sa cash-for-work program sa Quezon City TESTIGO KONTRA SOLON LULUTANG

0

NAGPAHAYAG ng kahandaang humarap at magbigay patunay sa husgado ang mga residente ng isang barangay sa isang distrito sa Quezon City kaugnay ng umano’y anomalya na nagdadawit kay 2nd District Rep. Precious Hipolito-Castelo at asawa nitong konsehal ng lungsod.

Pagtitiyak ni Barangay Holy Spirit chairman Felicito Valmocina, bukod sa kanilang mga residente, posible rin aniyang lumutang ang iba pang indibidwal mula sa mga karatig barangay na nagamit sa anomalya sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged (TUPAD).

Giit pa ni Valmocina, apat na barangay pa mula sa District 2 ng lungsod ang nakatakdang lumabas para magbigay ng kanilang salaysay para patunayan ang nasabing katiwalian sa TUPAD.

Kabilang aniya sa mga maglalahad ng kani-kanilang testimonya ay magmumula sa barangay ng Bagong Silangan, Batasan Hills, Commonwealth at Payatas na pawang pasok sa distritong kinakatawan ng mag-asawang Castelo sa Kongreso at konseho.

Paratang ni Valmocina, kinakaltasan ng mga taong nagpakilalang mula sa tanggapan nina Castelo ang dapat sana’y matatanggap ng mga benepisaryo sa ilalim ng nasabing programa.

Sumingaw ang anomalya makaraang tumanggi ang hindi bababa sa 100 residenteng benepisaryo mula sa Barangay Holy Spirit na kaltasan ang perang nakalaan para sa kanila. Ani Valmocina, nagsimula ang nasabing kalakaran taong 2015 sa panunungkulan ng lalaking Castelo bilang kinatawan sa Kongreso.

Giit pa ng Kapitan, mistulang raket ang programa dahil wala naman aniya talagang mga boluntaryo sa ilalim ng TUPAD na naglilinis sa kanilang barangay. Paliwanag pa niya, pinapipirma lamang ang mga kunwaring boluntaryo ng TUPAD sa tuwing araw ng sahod. Sa halip na P14,500 – P16,000 kada benepisaryo, halagang P1,000 hanggang P3,000 lamang ang ibinibigay nito sa tao pagkatapos lumagda sa payroll. (JOEL AMONGO)

Read More