2022 US Open Juniors EALA USAD SA Q’FINALS

Ni ANN ENCARNACION

HATAW ang Filipino tennister na si Alex Eala sa 2022 US Open Juniors tournament matapos manalo sa singles at doubles events (Huwebes sa Manila).

Umabante si Eala sa quarterfinals ng singles matapos daigin si eighth seed Taylah Preston, 6-2, 7-6, sa Round of 16.

Agad nagtala ng 5-1 lead ang Pinay teen ace sa pambungad na set na tuluyan nitong inangkin.

Nakabawi naman ang ­Australian sa second set at muntikan pang magwagi, ngunit ginamit ng dating ITF Juniors World No. 2 na si Eala ang natipong karanasan sa mga nakaraang kompetisyon upang makapwera ng 7-6(1) victory.

Sa quarterfinals ay sasagupain ng 17-anyos Pinay ang 15-year-old partner niya sa Junior Girls’ ­Doubles event, ang No. 14 seed na si Mirra Andreeva ng Russia.

Nauna rito, pinayuko nina Eala at Andreeva sa kanilang first round doubles campaign ang 14-year-old American wildcards na sina Shannon Lam at Iva Jovic, 6-2, 6-2.

Sunod na makakaharap ng Filipino-Russian tandem ang German duo nina Carolina Kuhl at Ella Seidel.

Dating International Tennis ­Federation Juniors World No. 2, napanalunan ni Eala ang girls’ doubles championships sa 2020 Australian Open at 2021 Roland Garros.

Ngayo’y World No. 297 sa Women’s Tennis Association Tour, ang Rafa Nadal Academy player ay mayroon nang professional singles titles mula sa 2021 W15 Manacor sa Spain at 2022 W25 Chiang Rai sa Thailand.

162

Related posts

Leave a Comment