WARRIORS BABAWI

NI VT ROMANO HANDANG bumalikwas ang Golden State Warriors matapos ang NBA Finals series opening loss, laban sa Boston Celtics sa Game Two action sa Linggo (Lunes sa Manila). Bago ang best-of-seven series, paborito ang Golden State na mag-uuwi ng kanilang ikapitong NBA championship, ngunit nakatikim ang Warriors ng 120-108 kabiguan sa Game One noong Huwebes (Biyernes sa Manila), makaraang habulin ng Celtics ang 12-point fourth quarter deficit tungo sa 1-0 lead sa serye. Sa nasabing pagkatalo, kung saan na-outscore ng Celtics ang Warriors, 40-16 sa final quarter, naiwan ang…

Read More

KAHILINGAN NG “LOCATORS” KAY SBMA CHAIRMAN PAULINO

ITO ANG TOTOO Ni VIC V. VIZCOCHO, JR. UMAASA ang maraming negosyante o “locators” ng Subic Bay Freeport na magpapatuloy ang pagbabago sa pamamalakad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA). Ito Ang Totoo: sa pag-upo ni bagong talagang SBMA ­Chairman & Administrator Rolen C. Paulino sa nakalipas na 3 buwan, marami na ­siyang tinutukan na mga bagay na ­napabayaan sa nakaraan, ­kap­wa sa porma at sustansiya. Gayunman, hindi mababago lahat “overnight” kaya kailangan pa ng panahon para tuluyang matukoy ang mga problema, ugat nito at tamang hakbang para dito. Kaya…

Read More

PAGBABAGO SA BI, UNITY ANG KAILANGAN

BISTADOR Ni RUDY SIM BAGAMAT inamin kamakailan ni outgoing President Rodrigo Duterte na hindi nito natupad ang lahat ng kanyang ipinangakong pagbabago sa pamahalaan sa loob ng anim na taon ay malaki naman ang kanyang naging accomplishments laban kontra iligal na droga at ang pagkakasugpo sa raket ng ilang tauhan sa airport kaugnay sa tanim-bala na namayagpag sa panahon ni Noynoy Aquino at naging perwisyo sa ating mga kababayang biyahero. Kada araw halos ay nakababasa tayo sa social media ng iba’t ibang hinaing ng ating mga kababayang nagnais sumubok na…

Read More

DIRECT ENGAGEMENT, SALAMIN NG SINSERIDAD NI BBM

SA GANANG AKIN Ni JOE ZALDARRIAGA MALAKI ang papel na gina-gampanan ng komunikasyon sa ating buhay sapagkat ito ang nagbibigay sa atin ng karapatang ihayag ang ­ating saloobin. Bukod dito, ito rin ang dahilan kung kaya’t tayo’y nagkakaintindihan, nag­bubuklod, at nagkakaisa. Ito marahil ang dahilan kaya’t pinili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi na magtalaga ng kanyang opisyal na tagapagsalita, bagkus ay siya na umano ang mismong haharap sa ­bayan at sasagot sa mga katanungan ukol sa ating bansa. Kamakailan, inanunsyo ni Atty. Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na…

Read More

HAMON SA SUSUNOD NA PANGULO

HINDI bago ang kalakaran ng pag-ubos ng pondo ng mga nakatakdang bumaba sa pwesto kaya naman ang susunod na uupo – ­problema antimano kung saan huhugot sa unang sultada ng pamumuno. ‘Yan mismo ang sasalubong kay incoming President Ferdinand Marcos Jr. pagsapit ng araw ng kanyang panunumpa bilang ika-17 Pangulo sa Hunyo 30. Bagama’t may karanasan bilang punong ehekutibo, higit na mataas ang antas ng pagsubok na haharapin ni Marcos – isa na rito ang P12.7 trilyong pagkakautang na iiwan ng paretirong ­Pangulong Rodrigo Duterte. Katwiran ng Department of Budget…

Read More

Sa serye ng manhunt operations 10 SANGKOT SA HAZING SA LAGUNA NAKORNER

LAGUNA – Dinampot ng mga awtoridad ang 10 katao na umano’y sangkot sa hazing na ikinamatay ng isang estudyante sa lalawigan. Nadakma ang 10 suspek sa sunod-sunod na manhunt operations na ikinasa ng Kalayaan Municipal Police Station noong Huwebes, Hunyo 2, 2022. Unang naaresto ng Kalayaan Police sa manhunt operation dakong alas-6:45 ng gabi sa kanilang tirahan sa Brgy. San Juan, Kalayaan, ang mga suspek na sina Leo Duco, 20, at Paulo Lacaocao, 23-anyos. Sumunod namang inaresto sa dakong alas-8:00 ng gabi sa Purok 1, Brgy. San Juan ang mga suspek na sina Kevin…

Read More

4 barangay binalot ng ash falls PHREATIC EXPLOSION NG MT. BULUSAN BINABANTAYAN

APAT na barangay sa Irosin, Sorsogon ang nababalutan ng ash fall matapos ang phreatic eruption ng Mt. Bulusan, nitong Linggo ng umaga, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO). Sinabi ni Irosin, Sorsogon MDRRMO officer Fritzie Michelena, umabot sa 800 pamilya ang apektado ng ash fall sa mga barangay ng Cogon, Bolos, Gulang-Gulang, at Tinampo. “Sa ngayon, apat na barangay ang slightly affected ng phreatic explosion ng Bulkang Bulusan pero sa karatig namang bayan, ‘yun ‘yung medyo madami-dami ang ashfall, diyan sa Juban,” sabi nito. Inihahanda na…

Read More

SAKOP NG ALERT LEVEL 1 DINAGDAGAN

NAGPALABAS ang Malakanyang nitong Sabado ng “revised list of areas” sa ilalim ng pinakamababang COVID-19 alert level mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 15. Kabilang na rito ang mas maraming lungsod at munisipalidad mula sa ilang rehiyon. Sinabi ni Acting presidential spokesperson Martin Andanar na inaprubahan, araw ng Huwebes ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekumendasyon na makapagbibigay linaw hinggil sa alert level status sa iba’t ibang lugar sa buong bansa. Sa bagong listahan, marami ang nananatili gaya ng nakasaad sa bersyon na ipinalabas noong Mayo 27, bagama’t mas maraming “component…

Read More

TARGET NG OPERASYON, 7 PA HULI SA BENTAHAN NG DROGA

TAGUMPAY ang naging operasyon laban sa bentahan ng ilegal droga ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (DET) ng Manila Police District makaraang madakip ang target sa operasyon, at pito pang umano’y kasabwat nito sa ikinasang buy-bust operation sa Sta. Cruz, Manila nitong Sabado ng madaling araw. Nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Article 2  ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang target ng operasyon na kinilalang si Romeo Morales y Castro, 35, kaanib ng Commando gang, at residente ng  Tondo,…

Read More