TUTULOY SA PRO O TITIGIL SA BOKSING?

TALO si Emmanuel Pacquiao Jr. o Jimuel sa ikaapat niyang amateur fight sa US kamakalawa ng gabi. Bago ang laban ginanap sa San Francisco’s Irish Center, hawak ni Jimuel ang 3-0 record. Pero, dinungisan iyon ni Chris Smith. Ayon sa mga nakasaksi sa laban, tumodo nang palitan ng suntok si Jimuel, subalit mas nanaig si Smith sa bandang dulo. Matapos ang laban, aminado si Jimuel hindi maiiwasang matalo, sa kabila nang ­matinding ensayong ginawa niya. Hindi pa rin siya tiyak kung papasukin ang professional boxing. Mahalaga sa kanya, maka-kuha ng…

Read More

BELEN, LAURE SALI SA PH TEAM SA 2022 AVC CUP FOR WOMEN

ISINAMA ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) ang pinakamahuhusay na collegiate players sa national team na sasabak sa 2022 AVC Cup for Women na nakatakda sa Agosto. Sinabi ni PNVF national teams commission chair Tony Boy Liao, layon nila na maagang mahasa para sa international competitions ang mga young player sa bansa. Unang inilunsad ang Philippine Volleyball League (PVL) Invitational Conference kapartner ang Sports Vision ni Ricky Palou na magsisilbing tulay sa pagbubuo sa future national women’s team. Ilan sa inaasahang maka­kasama sa AVC Cup ang kauna-unahang Rookie-MVP ng UAAP…

Read More

PBA PH CUP CHAMP, RUNNER-UP SA EASL

PLANO ng PBA na ang tatanghaling kampeon at runner-up sa 2022 Philippine Cup ang ilalaban sa East Asia Super League na gaganapin sa Oktubre. Makakasama ng PBA All-Filipino champ sa Group A ng EASL ang PLeague+ champ Taipei Fubon Braves, Korean Basketball League (KBL) runner-up Anyang KGC at Japan B. League counterpart Ryukyu Golden Kings, base sa resulta ng drawing of lots noong Martes. Kabilang naman sa Group B ang KBL champion Seoul SK Knights, Japan B. League title holder Utsonomiya Brex, Bay Area Dragons na irerepresenta ang Greater China,…

Read More

LIMANG TAONG TERMINO PARA SA BARANGAY CHAIRPERSONS?

PABOR Si Department of the Interior and Local Government Barangay Affairs Under Secretary Martin Diño sa panukalang palawigin sa limang taon ang panunungkulan ng barangay executives. Sa panayam ng DWIZ kay Usec. Diño, mas mainam na bukod sa limang taon ang bawat termino ay gawing pang dalawang termino ang bawat paninilbihan ng bawat barangay executives. Nauna rito, inihayag naman ng incoming administration na pinag-aaralan nito ang panukalang gawing limang taon ang kada termino ng barangay officials mula sa tatlong taon. Ayon kay Incoming Executive Secretary Vic Rodriguez, bukas ang papasok…

Read More

17th PRESIDENT

NGAYONG tanghali, June 30, manunumpa na ang ika-17 Pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos siyang iluklok ng 31,104,175 Filipino voters noong nakaraang eleksyon o 58.77% sa mga botante ang bumoto sa kanya. Kabilang sa 16 na naunang pangulo ng bansa ay sina Emilio Aguinaldo, Manuel L. Quezon, Jose P. Laurel, Sergio Osmeña, Manuel Roxas, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Carlos P. Garcia, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos Sr., Corazon Aquino, Fidel V. Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, Benigno Aquino III at Rodrigo Duterte. Sa makasaysayang National Museum ang…

Read More

INAGURASYON NI PBBM

INAASAHAN na ng Local ­Government Units (LGUs) at iba pang opisina ng ­gobyerno na nasa ilalim ng Department of the Interior and Local ­Government (DILG) na ­magiging maganda ang takbo nito sa pamumuno ni Incoming DILG Secretary Benhur Abalos. Hindi matatawaran ang kara­nasan ni Abalos na kanyang magiging baon para harapin ang bagong hamon bilang kalihim ng DILG. Mula sa pagiging dating mayor ng Mandaluyong City, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman at maraming iba pang posisyon, ay naging campaign manager siya ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. nitong nakaraang May…

Read More

DALHIN SA HUSGADO

HINDI na ikinagulat ng publiko ang paglalabas ng talaan ng pinaniniwalaang mga sangkot sa agri-smuggling sa bansa. Dangan naman kasi, masyadong mahaba na ang kanilang pagsasamantala sa hangaring kumita nang bonggang-bongga. Ayon sa ulat ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), pasok ang 22 malalaking pangalan kabilang ang diumano’y mga tiwaling opisyal na nakikipagsabwatan sa mga sindikato sa likod ng pagpupuslit ng mga produktong agrikultura sa bansa. Pero parang may mali. Una, kulang yata ang talaan. Marahil nawaglit lamang sa NICA ang pangalan ng opisyal ng kagawarang lumalagda sa importation permits.…

Read More

DUTERTE PINASALAMATAN NG KAMARA

“THANK you for your outstanding and excellent service to the Philippine nation.” Ito ang mensahe ni House Majority Leader Martin Romualdez kay President Rodrigo Duterte na bababa na sa puwesto ngayong tanghali ng Hunyo 30 at papalitan ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bilang tradisyon, sasalubungin ni Duterte sa Palasyo ng Malacanang si Marcos bilang kanyang kapalit bago pumunta sa National Museum ang huli para manumpa bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay Romualdez, mula rito ay magiging private citizen na si Duterte na uuwi na sa kanyang tahanan sa…

Read More

Sa pagbasura ng SC sa DQ petitions WALA NANG BALAKID KAY PRES. MARCOS

NANINIWALA ang dating opisyal ng Commission on Elections na maayos ang magiging takbo ng anim na taong termino ni President Ferdinand Marcos Jr. Ito ay bunga ng pagbasura ng Supreme Court sa disqualification cases na inihain laban sa bagong Pangulo. Si Marcos Jr. ay manunumpa ngayong araw bilang ika-17 Pangulo ng Pilipinas. Ayon kay dating Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, pinagtibay ng desisyon ng SC sa disqualification cases ni Marcos Jr. ang kanilang naunang desisyon na nagbabasura sa mga nasabing petisyon. “I personally view the Supreme Court’s concurrence to our legal…

Read More