Barya ideposito, huwag itago COIN DEPOSIT MACHINES NG BSP IIKOT SA NCR

MAGDEDEPLOY ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng 25 coin deposit machines sa Kalakhang Maynila at kalapit-lalawigan para i-promote ang “recirculation” sa Pilipinas. Makakatuwang ng BSP ang retailers sa bansa gaya ng SM Retail Inc., Filinvest Land Inc., at Robinsons Supermarket. Dahil dito, madedeposito na ng publiko ang kanilang mga barya sa pamamagitan ng machines na unang idedeploy sa Greater Manila Area. Papayagan ng coin deposit machines (CoDMs) ang mga customer na magdeposito ng mga barya at maibalik sa kanila ang “accumulated value” na kanilang dineposito mula sa partner retail…

Read More

MPD PRESS CORPS OFFICIALS NANUMPA KAY DSWD SEC. TULFO

ISINAGAWA ng Manila Police District Press Corps ang simpleng oath taking ceremony ng kanilang mga opisyal sa Lido De Paris Hotel sa Ongpin St., Sta. Cruz, Manila. Mismong kay Department of Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo nanumpa ang mga opisyal ng MPD Press Corps. Makaraan ang panunumpa, nagbigay ng maigsing mensahe si Secretary Tulfo at ipinayo sa mga miyembro na makipagtulungan at sundin kung ano ang mandato ng bagong pangulo ng organisasyon na si Edd Gumban ng Philippine Star, na humalili sa namayapang si Francis “Kiko” Naguit na namatay…

Read More

Sa robbery extortion ng 3 pulis RE-TRAINING SA 17 MPD-PACO PCP MEMBERS

BUNSOD ng tatlong pulis na natimbog sa entrapment operation ng Integrity Management and Enforcement Group (IMEG) na nakabase sa Kampo Crame kamakailan, damay ang 17 nilang kabaro na isasalang sa re-training. Ito ang ipinabatid ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Andre Perez Dizon makaraang i-relieve sa puwesto ang 17 tauhan ng Paco Police Community Precinct, nang madamay sa umano’y pangongotong ng tatlo nilang kasamahan. Sa isinagawang turn-over ng nasabing personnel ng Paco PCP para sa muli nilang pagsalang sa Focused Reformation/Reorientation and Moral Enhancement for Police (FORM Police) Training, sinabi…

Read More

Mga kasador, kasabwat aalamin BARKO, 7K MT ASUKAL SILAT

ALINSUNOD sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kumpiskado sa pinaigting na kampanya ng Bureau of Customs (BOC) kontra agri-smuggling ang isang barkong sa aktong pagpupuslit ng asukal sa bansa. Ayon sa kawanihan, isang timbre ang kanilang natanggap mula sa kanilang impormante hinggil sa paglalayag ng MV Bangpakaew na kargado ng tinatayang asukal 140,000 sako (katumbas ng 7,000 metric tons) ng asukal. Sa imbestigasyon, lumalabas na ang naturang barko ay naglayag mula sa bansang Thailand patungo sa Pilipinas para magdala ng asukal na pasok sa kategorya bilang Reserved Sugar Bottlers’…

Read More

IMPORTED CARROTS BISTADO SA MANILA

BILANG tugon sa direktiba ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bulilyaso ang panibagong tangkang smuggling ng mga imported na carrots sa mas mahigpit na pagsusuri ang ipinatutupad sa Manila International Container Port (MICP) sa naturang distrito. Sa kalatas ng MICP, kumpis­kado sa pinagsanib na operasyon ng mga tauhan mula sa MICP, Sub-Port of North Harbor, Bureau of Plant Industry – Plant Quarantine Service (BPI-PQS) at Department of Trade and Industry (DTI) ang isang kargamentong naglalaman ng sandamakmak na smuggled carrots na lumapag sa Manila North Harbor. Sa imbestigasyon, lumalabas na pawang…

Read More

Shabu mula South Africa, bistado sa NAIA DAYUHAN TIMBOG SA 21 KILO DROGA

TIMBOG sa mga alistong kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang isang dayuhang nagtangkang magpuslit ng mahigit 21 kilong shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kamakailan. Sa kalatas ng BOC, napag-alamang bantay-sarado na kawanihan at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang modus ng mga sindikato sa likod ng drug smuggling. Katunayan anila, buwan pa lang ng Hulyo nang simulan ang paniniktik sa galawan ng dalawang sindikato – isang naka­base sa Pilipinas at isa mula naman sa South Africa. Buwan ng Agosto naman nang makumpirma – sa tulong ng isang…

Read More

Taguan ng supply, bistado na! TRADERS MANANAGOT SA SUGAR HOARDING – RUIZ

PATONG-PATONG na asunto, bukod pa sa lusaw na puhunan, ang hinaharap na sakit ng ulo ng mga negosyante sa likod ng pagkukubli ng asukal sa bansa, babala ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, kasunod ng kabi-kabilang pagsalakay ng Bureau of Customs (BOC) sa mga bodega kung saan pinipiit ang supply. Sa pinagsanib na operasyon ng Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Port of Clark Enforcement and Security Service (POC-ESS), Port of Manila, Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Trade and Industry (DTI), Sugar Regulatory Administration (SRA) at Department…

Read More

Bulilyasong BOC District Collectors SISIBAKIN, KAKASUHAN

BUKOD sa pagkasibak sa pwesto, nahaharap sa kabi-kabilang kasong kriminal  ang mga nalalabing “latak ng katiwalian” sa Bureau of Customs (BOC), ayon mismo sa pahayag ng Palasyo ka­makailan. Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, napipinto ang isang malawakang sibakan sa pwesto sa mga distrito kung saan aniya talamak ang sabwatan sa pagitan ng mga opisyal ng BOC at mga sindikato sa likod ng agri-smuggling, makaraang mabisto ang paggamit ng mga “recycled importation permits.” Partikular na tinukoy ni Angeles ang mga dokumentong nakalap kaugnay ng pagkakasabat sa Port of Subic ng…

Read More

3.2M PINOY APEKTADO SA PAGKAWALA NG E-SABONG (PART 2)

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG DUMARAMI ang mga walang trabaho dahil daw sa pagkawala ng e-sabong. Kaya marami ring magulang ang problemado sa pagpasok ng kanilang mga anak ngayong araw, Agosto 22, dahil ilan sa kanila ay jobless nga. Katunayan, 3.2 milyong Pilipino na nagtatrabaho sa industriya ng online sabong o e-sabong ang apektado sa pagpapasara ng mga ­operasyon nito sa buong Pilipinas. Kung matatandaan kasi, bago natapos ang termino ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay ipinatigil nito ang e-sabong operations. Napilitan tuloy ang ilang online betting stalls…

Read More