NAMATAYAN NG AMA SA KAHIRAPAN, NAMIMIGAY NG TULONG

PUNA Ni JOEL AMONGO NATAGPUAN ng PUNA ang isang barangay captain sa Mandaluyong City na ang lawak ng natutulungan ay parang presidente ng Pilipinas. Siya ay si Kapitan Dodo Rugay, 66-anyos, ng Brgy. Highway Hills, nagmula sa Zamboanga del Sur, dahil sa kahirapan sa kanilang probinsya ay napadpad sa Mandaluyong City para ­maki­pagsapalaran. Naging hanapbuhay ng mga magulang ni Kap. Rugay ay maging vendor sa Producer’s Market sa Mandaluyong City. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya ay hindi nakapagtapos si Kap. Rugay kaya pinasok niya ang pagpapataya ng ending sa…

Read More

F2F CLASSES NARARAPAT LANG

DPA Ni BERNARD TAGUINOD NARARAPAT lang talaga na mag-face-to-face na ang mga estudyante dahil tayo na ang pinakahuling nagbukas ng klase sa buong mundo kaya nawalan ng dalawang taong oportunidad ang mga kabataan. Noong Setyembre 2021, buwan na nagsisimula ang school year sa halos lahat ng bansa sa mundo, tanging ang Pilipinas at Venezuela ang hindi nagpatupad ng face-to-face classes. Pero pagdating ng Oktubre 2021, bumalik na sa kanilang eskuwelahan ang mga ­estudyante sa Venezuela pero sa Pilipinas, sarado pa rin ang mga ­eskuwelahan at ngayon lang nagbukas. Hindi ko…

Read More

Bunga ng aksyon ni PBBM kontra hoarding PRESYO NG ASUKAL POSIBLENG BUMABA SA P60/K

MAAARI pang bumagsak sa P60 ang presyo ng kada kilo ng asukal sa mga pamilihan ngayong linggo. Ayon kay Department of Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ito ay dahil posibleng maimpluwensyahan ng murang asukal sa mga supermarket ang bentahan sa mga palengke. Una nang ibinaba ng ilang malalaking supermarket ang presyo ng kanilang asukal sa P70 kada kilo mula sa kasalukuyang P100 hanggang P115 sa mga pamilihan. Tiwala rin si Panganiban na makatutulong ang ginagawang pagsalakay ng Bureau of Customs sa mga bodega na hinihinalaang sangkot sa hoarding at smuggling…

Read More

FL LIZA SINORPRESA NG DINNER NI PBBM

SINORPRESA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang asawa na si Unang Ginang Maria Louise “Liza” Araneta-Marcos na nagdiwang ng kanyang ika-63 taong kaarawan. Sa kanyang lingguhang BBM vlog na pinost, Lunes ng umaga, ibinahagi ni Pangulong Marcos kung paano ang kanyang pamilya, kaibigan at mga kasama ay nagtulong-tulong para maging matagumpay ang kanyang pa-sorpresang birthday dinner para sa asawa. “To my beloved wife, words have already been said as to how valuable she is as a person and how remarkable she really is. Sometimes it’s really hard to believe that…

Read More

MOTORIZED BOAT NA SINASAKYAN NG MGA HINIHINALANG NPA SA SAMAR SUMABOG

SUMABOG ang bangkang sinasakyan ng mga pinaghihinalaang miyembro ng rebeldeng grupo na nagtatangkang tumakas sa mga awtoridad sa sagupaan sa Catbalogan City kahapon ng umaga. Inaalam pa kung kabilang ang mag-asawang Benito Tiamzon at Wilma Austria, kapwa miyembro ng CPP-NPA Politburo at Central Committee official ng CPP-NPA-NDFP sa mga lulan ng bangka. Ayon kay MGen. Edgardo De Leon, Commander ng 8th Infantry Division, “as of now hindi pa namin naba-validate yun ano, we are tracing back kasi yung information at hand…may sumakay sa bangka na suspicious na na-alert yung aming…

Read More

Isinusulong sa Kamara TSUPER NA BIKTIMA NG ABUSADONG TRAFFIC ENFORCER BAYARAN

SA gitna ng kabi-kabilang reklamo laban sa traffic enforcers, isang panukala ang inihain sa Kamara sa hangaring kastiguhin ang abusado habang danyos naman para sa mga tsuper na biktima ng gawa-gawang paglabag sa batas trapiko. Sa House Bill 3366 na inihain ni 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita, babayaran ng estado ang mga driver na hinuhuli ng mga traffic enforcer kapag napatunayan na ilegal at gawa-gawa lang ang mga paglabag ng mga ito sa batas trapiko. Sa hanay naman ng mapapatunayang abusado sa pagiging tagapangasiwa sa daloy ng trapiko, suspensyon at…

Read More

2 baka tinangkang itawid sa ilog MAGSASAKA TINANGAY NG AGOS SA BENGUET

NATAGPUAN na ang nawawalang bangkay ng isang lalaki na tinangay ng agos nang tangkain niyang itawid sa kabila ng ilog ang dalawang alagang baka sa lalawigan ng Benguet, ayon sa ulat ng pulisya. Kinilala ng Benguet PNP ang biktimang si Mateo Dal-it, 46-anyos, natagpuan ang bangkay matapos ang tatlong araw na search and retrieval operation sa Bakun River sa Barangay Poblacion, Bakun. Ayon sa mga awtoridad, dakong alas-9:00 ng umaga noong Miyerkules, Agosto 17, nang i-report ang umano’y pagkalunod ng biktima. Lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP, sinubukang itawid ni Dal-it sa…

Read More

2 BABAE, 2 LALAKI NATAGPUANG PATAY SA KOTSE

patay

RIZAL – Iniimbestigahan ng mga awtoridad ang hinggil sa pagpatay sa apat na katao, na kinabibilangan ng dalawang babae at dalawang lalaki, na natagpuang bangkay sa loob ng kotse sa bayan ng Montalban. Ayon sa inisyal na ulat, natagpuan ng ilang residente ang kotse na may plakang NGU-1923 at nasilip sa loob nito ang duguang bangkay ng mga biktima. Nabatid mula kay P/Lt. Col. Marcelino Pipo Jr., iniimbestigahan nila kung baril o matalas na bagay ang ginamit sa brutal na pagpatay at kung sino ang mga biktima. Sa pagitan ng…

Read More

BAGYONG FLORITA LALONG LUMAKAS

LALONG lumakas ang bagyong Florita na kahapon ay huling namataan ang sentro sa layong 215 kilometers Silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos pa Kanluran Timog Kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras. Ayon sa PAGASA, taglay ng bagyong Florita ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 75  kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 90 kilometro kada oras. Batay sa direksyon na tinatahak ito, posibleng mag-landfall ang bagyo sa vicinity ng east coast ng Cagayan o Northern Isabela ngayong hapon. Inilagay naman sa public storm…

Read More