2 alalay nadamay 2 BIR EMPLOYEES TIMBOG SA KOTONG

NALAMBAT sa entrapment operation ang dalawang empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at kanilang dalawang kasabwat dahil sa umano’y pangongotong sa isang negosyante sa Caloocan City. Dinakip ang mga suspek na sina April Claudine Dela Cruz, 30, Data Controller II, Assessment Division, BIR District 5, Caloocan; Joyet Alvero, 55, Admin Assistant Officer, BIR District 5; Jennifer Roldan, 49, freelance liaison officer, at Ariel Roble, 46, freelance bookkeeper. Kinasuhan ng robbery extortion at paglabag sa Section 17 ng RA 6713 o Code of Ethical Standards for Public Officials and Employees…

Read More

P9.12-M MARIJUANA NASAMSAM SA 3 HVIs

KALABOSO ang tatlong suspek na nakatala bilang regional high value individuals makaraang makumpiskahan ng P9.12 milyon halaga ng marijuana sa Pasig City. Ayon sa ulat ni P/Col. Wilson Asueta, District Director ng Eastern Police District, kay NCRPO Regional Director P/BGen. Jonnel Estomo, kinilala ang mga nadakip na sina Bjoryaniel Cruz y Labis l, 21; Kent Louie Cruz Cordano, 38, at Lexi Cruz Labis, 40-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng umaga noong Disyembre 1, nang madakip sa joint operation ng mga operatiba ang tatlong suspek sa #24 Blumentritt St., Brgy.…

Read More

PAALAM JOVIT

PUMANAW na ang OPM singer at kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) grand winner na si Jovit Baldivino sa edad na 29. Ayon sa ulat, aneurysm ang dahilan ng pagpanaw ng singer bandang alas-kwatro ng madaling araw ng Biyernes habang nakaratay ito sa intensive care unit (ICU) ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City. Ayon sa asawa nito na si Camille Ann Miguel, noong November 22 ay dumanas ng mild stroke si Jovit. Mayroon din siyang enlarged heart at namanas ito. Nagpagaling siya ng limang araw sa nasabing ospital at…

Read More

MAGIC EPEKTIB SA CLIPPERS

TUMALAB ang mahika ng Orlando sa pangunguna ni rookie Paolo Banchero, iniskor ang 10 sa kanyang 23 puntos sa overtime, nang magtala ang Magic ng 116-111 win kontra Los Angeles Clippers at putulin ang nine-game losing streak, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila). Si Banchero, top overall pick sa nakaraang NBA draft, ay na-convert lahat ng kanyang six free throws sa final seven seconds sa OT at nanguna sa paghahabol ng Magic mula sa 111-110 deficit. Umiskor si Terrance Mann ng 19 points (off the bench) para sa Clippers. Habang…

Read More

2022 World Championship HIDILYN DIAZ BUMUHAT NG 3 GINTO

Ni VT ROMANO ISANG taon makaraang magreyna sa Tokyo Olympics at hablutin ang kauna-unahang ginto ng Pilipinas, muling inilagay ni Hidilyn Diaz sa pedestal ang bansa nang mapanalunan ang korona ng women’s 55kg division sa World Championship sa Bogota, Colombia, Miyerkoles (Huwebes sa Manila). Dinaig ni Diaz sina Rosalba Morales ng Colombia at Ana Gabriela Lopez ng Mexico nang bumuhat siya ng 93 kilograms sa snatch para sa unang ginto, sinundan ng 114kgs sa clean and jerk para sa total 207kgs at ikatlong gintong medalya. Tumapos namang pampito ang kababayang…

Read More

MAGANDANG SERBISYO NG MERALCO KINAIINGGITAN NG IBANG LALAWIGAN

MY POINT OF BREW Ni Jera Sison ANG Meralco ay kasama sa kasaysayan ng ating bansa. Noong 1903, itinaguyod ang Manila Electric Railroad and Light Company upang magbigay serbisyo ng kuryente at trambiya sa Manila at mga karatig lugar. Subalit noong World War II, ang mga linya ng trambia ay nasira dulot ng pagbomba ng mga Amerikano sa Manila upang paalisin ang mga mananakop na Hapon. Dahil dito, mas binigyan pansin ng Meralco ang rehabilitasyon ng kuryente sa Manila at iba bang kalapit bayan. *** Sa pagtagal ng panahon, lumaki…

Read More

GOV. HELEN TAN AT SEN. IMEE MARCOS, SANIB-PWERSA SA SERBISYO-PUBLIKO

SABONG ON AIR Ni KA REX CAYANONG PATULOY ang pagtahak ng liderato ni Gov. Helen Tan sa landas upang makamit ang maunlad na lalawigan ng Quezon. Hindi maitatanggi na napakarami nang programa at proyekto na laan para sa ating mga kababayan doon. Gayunman, hindi raw sasapat ang pondo kung hindi magkakaroon ng mga pagbabago lalo na sa usapin ng pagbubuwis. “Ikinalulugod ko ang suportang ibinabahagi ng Sangguniang Panlalawigan (SP) sa ­pangunguna ni Vice Governor Third Alcala sa pagsasaalang-alang at pagsuporta sa ating mga adhikain,” wika ni Gov. Tan. Kung hindi…

Read More

POLO-OWWA KUWAIT, MABILIS UMAKSYON

AKO OFW Ni DR CHIE LEAGUE UMANDAP KAHANGA-HANGA ang mabilis na pagkilos ng ating Philippine Overseas labor Office (POLO) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa bansang Kuwait. Matapos na ating mailathalata sa ating pahayagang Saksi Ngayon, ang sumbong nina OFW Jenelyn Blanche at ­Christina Perez ay agad na ­nag-utos ang ating POLO-­OWWA ng madaliang pag-rescue sa nasabing mga kabayani. Magugunita na ang dalawang nasabing OFW ay na-deploy ng Catalyst International Manpower noong Marso 2022. Ngunit sumbong nila ay ­sadyang sagad hanggang buto ang pagod na nararanasan nila sa kanilang…

Read More

AROGANTENG SEKYU SA BI, SIPAIN!

BISTADOR Ni RUDY SIM ILANG kapabayaan na ang nangyaring kapalpakan ng ilang mga tauhan ng ODIN security agency na nakatalaga sa Bureau of Immigration, ngunit tanging ang inosenteng mga pobreng sekyu ang kanilang isinakripisyo at nananatili pa rin dito ang kanilang officer in charge na matapos sipain sa naging duty umano nito sa isang government agency ay inilagay pa ito sa BI kung saan ay kasalukuyang nagkakalat ito ng katangahan at pagiging arogante. Sino kaya ang padrino nitong si Romeo Hermoso na commander ng mga sekyu sa BI na matapos…

Read More