QUEZON – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang dalawang suspek sa pagnanakaw ng motorsiklo sa isang motorcycle shop sa bayan ng Candelaria sa lalawigang ito, noong Biyernes ng madaling araw. Batay sa report ng Candelaria Police, mag-aala-una ng madaling araw nang nakawin ng dalawang hindi kilalang suspek na mga nakasuot ng itim na hoodie at jacket at itim na bonnet, ang motorsiklo sa motorcycle repair shop sa Purok 5, Barangay Mangilag Sur sa nasabing bayan. Ngunit nakuhanan ng CCTV ng shop ang pangyayari. Sa nasabing kuha ng CCTV, isa sa mga suspek ang nagtanggal…
Read MoreDay: January 30, 2023
NAKASAGI NG MOTORSIKLO, TINARAKAN, PATAY
CAVITE – Patay ang isang 21-anyos na binata nang pagsasaksakin ng isang lalaki nang ‘di sinasadyang masagi nito ang motorsiklo ng huli na nakaparada sa bayan ng General Mariano Alvarez (GMA) sa lalawigang ito, noong Linggo ng umaga. Naisugod pa sa Perpetual Hospital sa Biñan City ang biktimang si Kelly Agonia ng Brgy. Granados, GMA, Cavite subalit idineklarang dead on arrival dahil sa tama ng saksak sa likod. Naaresto naman ang suspek na si Ian Reyes y Alcober, 27, binata ng Brgy. Old Bulihan, Silang, Cavite. Ayon sa ulat,…
Read More3 NPA PATAY SA ARMY SA QUEZON ENCOUNTER
QUEZON – Tatlong umano’y mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napatay sa sumiklab na panibagong engkwento ng mga tropa ng pamahalaan at mga rebelde sa bayan ng San Francisco sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Ayon sa report ng San Francisco Police, nangyari ang engkwentro sa Barangay Huyon-Uyon dakong alas-5:30 ng hapon, habang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang magkasanib na puwersa ng 85th IB ng Army at PNP sa tumatakas na mga rebelde na unang nakasagupa ng mga tropa ng pamahalaan noong Biyernes ng hapon sa…
Read More3 TIMBOG SA PAGPATAY SA NEGOSYANTE
ORIENTAL, MINDORO – Arestado ang tatlong suspek sa pagpatay sa isang negosyanteng kapatid ng dating municipal councilor sa bayan ng Pola sa lalawigang ito. Kinilala ng Pola Municipal Police ang naarestong mga suspek na sina Michael Matining, umano’y gunman sa pagpaslang sa biktimang si Aristotle Rivas; Michael Hugo, driver ng get-a-way motorcycle, at Aljun Valencia, nagsilbing look-out, pawang mga residente ng Barangay Fortuna, Socorro, Oriental Mindoro. Si Hugo na nakatala bilang no. 5 most wanted person, provincial level, ay naaresto noong Enero 24, 2023 sa Barangay Sta. Clara, Batangas City. Si Valencia No. 9 most wanted, provincial…
Read MoreP107-M FARM MACHINERY PARA SA MAGSASAKA MULA SA PHILMECH
IPINAMAHAGI ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa mga magsasaka sa Nueva Ecija ang P107 milyon halaga ng iba’t ibang uri ng farm machinery. Ayon kay PhilMech Director Dionisio Alvindia, ang 2023 machinery distribution ay sa ilalim ng RCEF Mechanization Program ng pamahalaan. Sinabi ni Dir. Alvindia na may kabuuang 59 qualified Farmers’ Cooperatives and Associations (FCAs) at Local Government Units (LGUs) ang napagkalooban ng mga nasabing makinarya na tiyak na magpapagaan at magpapabilis ng trabaho sa pagsasaka sa bansa. Kabilang sa mga makinarya na ipinamahagi noong…
Read MorePAGBIBITIW NG 3 PNP HENERAL AT 7 KORONEL INAABANGAN SA PAGTATAPOS NG DEADLINE
NGAYONG Martes, Enero 31 ang ultimatum na ibinigay ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pagsusumite ng courtesy resignation sa hanay ng heneral at koronel bilang unang hakbang sa napipintong paglilinis ng Philippine National Police (PNP). Sa kabuuan, tatlong heneral at pitong full colonels ang hindi pa nagbitiw sa kani-kanilang pwesto kahapon, ayon mismo kay PNP chief Rodolfo Azurin. Gayunpaman, nilinaw ni Azurin na magsumite man o hindi ang nalalabing 10 opisyal, obligadong isama ang kanilang pangalan sa talaan para sa pag-arangkada ng imbestigasyong pangangasiwaan ng komiteng kinabibilangan…
Read MorePRUTAS AT KARNE KUMPISKADO SA NAIA, BIYAHERO DISMAYADO
ILANG linggo matapos mabulilyaso ang 10 flight attendants ng Philippine Airlines dahil sa pasalubong na mga sibuyas at prutas, tatlong biyahero naman mula mga bansang Canada at China ang posibleng maharap sa kaso bunsod ng bitbit na karne at prutas na pasalubong sa mga kaanak na bibisitahin. Sa imbentaryo ng Bureau of Plant Industries (BPI), kumpiskado mula sa mga biyahero ang dalawang kilong broccoli, apat na kilo ng pinatuyong kabute, tatlong kilong dragon fruits, apat at kalahating kilo ng mansanas, tatlo’t kalahating kilo ng longan, isa’t kalahating kilo ng kahel…
Read More‘TULAK’ PUMALAG PATAY SA PARAK
IDINEKLARANG dead on arrival ang isang 32-anyos na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang pumalag sa operasyon ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit ng Manila Police District- Baseco Police Station 13. Kinilala ang napatay na si Kelvie Panansang alyas “Tago”, tubong Sta. Cruz, Canaman, Camarines Sur, at residente ng Baseco Compound, Port Area, Manila Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rodel Borbe, station commander, bandang alas-6:30 ng umaga noong Sabado nang mangyari ang insidente sa pagitan ng kanyang mga tauhan na sina Police Staff Sergeant Joren…
Read MorePUSLIT-KALAKAL BUMABA NG 14%
KUMPARA sa datos ng taong 2021, higit na mababa ang dami ng mga nasabat na kargamento ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang Disyembre ng nakalipas na taon. Ang dahilan – mas masigasig na pagsusuri ng mga lumapag na kargamento sa mga paliparan at pantalan at ang agresibong pagtugis at pagsasampa ng kaso sa mga pinaniniwalaang smugglers at mga kakuntsaba sa kawanihan. Sa datos ng BOC, nasa P24.28 bilyon na lang ang nakumpiskang kargamento ng kawanihan noong nakalipas na taon – mas mababa ng 14.6% sa P28.4-bilyong halaga ng…
Read More