NAGING mailap sumagot si McCoy de Leon sa presscon ng Batang Quiapo nang interbyuhin ito tungkol sa kanila ni Elisse Joson. Ang huli nating nabalitaan ay nagkabalikan nga sila at nagkaayos naman. Pero ipinagtataka namin ay naging matipid at iwas na siyang sumagot ngayon. Nang kamustahin kasi namin ang lagay nila, matipid lang na, “Kung ano man po ‘yung sa amin ni Elisse sa amin na lang ‘yun.” Nang mag-follow up question kami kung kamusta na sila ng ina ng aktres mabilis siyang umiwas at sinabing ,” Ayoko na po…
Read MoreDay: May 18, 2023
Attention mga misis! MID-YEAR BONUS NG MGA PULIS PWEDE NANG KUBRAHIN
KASABAY ng anunsyo ng magandang balita, pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Benjamin Acorda ang kabiyak ng mga pulis na pwedeng sila na ang kumubra ng mid-year bonus ng kanilang pulis na asawa. Ayon kay Acorda, kabilang sa 227,832 PNP personnel ang mga tinaguriang 3rd level officers, sa mga pwede nang mag-withdraw ng pinakahihintay na mid-year bonus. Katunayan aniya, ipinasok na sa Land Bank of the Philippines (LBP) ang nasa P7.54-bilyong pondong bahagi ng regular PNP appropriation batay sa 2023 budget. Aniya, maaari nang makuha ang midyear bonus…
Read MoreLIFESTYLE CHECK KADA 6 BUWAN SA PDEG AGENTS
OTOMATIKONG isasailalim sa lifestyle check ang lahat ng mga operatiba ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PDEG) kada anim na buwan upang malaman kung yumayaman ang mga ito habang nasa gitna sila ng kampanya laban sa sindikato ng droga. Ito ang isa sa mga rekomendasyong inilatag ng Special Investigation Task Group (SITG) 990 sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House committee on dangerous drugs ukol sa tangkang cover-up sa kaso ni Police Master Sgt. Rodolfo Mayo Jr. “Conduct of financial investigasyon and lifestyle check on PDEG personnel every six months,” pahayag…
Read MoreDEKALIDAD NA PAMUMUHAY TARGET NI BELMONTE SA QC
(JOEL AMONGO) SA hangaring itaas ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente, lumagda sa isang kasunduan si Quezon City Mayor Joy Belmonte para sa palitan ng kaalaman at teknolohiya sa lungsod ng Rishon LeZion ng bansang Israel. Sa kalatas ng Quezon City Public Affairs and Information Services Department, target na Belmonte pagtibayin ang ugnayan ng dalawang lungsod sa larangan ng edukasyon, seguridad, teknolohiya, kalikasan, kalakalan, turismo, pagtugon sa kalamidad at iba pa. Sa panig ng Quezon City, lumagda si Belmonte habang si Mayor Raz Künstlich naman para sa Rishon LeZion…
Read More3 PATAY, 5 SUGATAN SA NABUWAL NA PUNO
HINDI na naisalba ng mga manggagamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang tatlong indibidwal, kabilang ang 2-anyos na lalaking paslit, nang mabagsakan ng nabuwal na puno ng balete ang ilang bahay sa maliit na eskinita sa Estero de Magdalena sa Claro M. Recto Avenue, Binondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga namatay na sina Edcel Lansiola, 42, at mag-amang Jomar Portillo, 28, at John Mark Portillo, 2-anyos. Lima naman ang iniulat na bahagyang nasugatan sa nasabing insidente. Sa ulat ni Det. Zoilo Nazario kay Police Captain…
Read MoreDOJ SEC. REMULLA ‘HARI NG FAKE NEWS’
(RUDY SIM) FAKE NEWS! Ito ang reaksyon ni Negros Oriental 3rd district Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. nang makapanayam ng media kaugnay sa ipinakalat na balita ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus “Boying” Remulla na uuwi na umano siya sa bansa. Sa pahayag ni Remulla noong May 16, may nakuha raw siyang intelligence report mula sa isang reliable source na posibleng manggagaling si Teves sa Timor Leste kung saan ito humingi ng political asylum. Agad na pinabulaanan ni Teves ang pahayag ni Remulla at tinawag nitong joke ang kanyang…
Read MoreHILING NG PAMILYA, NASAWING HK OFW MAIUWI NA
NAIS ng pamilya ng OFW na nasawi sa pagkahulog sa apartment building sa Hongkong, na maiuwi na kaagad sa bansa ang labi ng kanilang kapamilya. Kahapon din ay inihanda na ng pamilya ang lugar na pagbuburulan kapag naiuwi na ang labi at marami na ring mga kaanak ang nakikidalamhati at naghihintay sa pag-uwi sa labi ng biktima. Plano ng pamilya na iburol ito ng ilang araw sa kanilang tahanan sa bayan ng Candelaria sa Quezon bago ito ihatid sa huling hantungan. Ayon sa mga magulang ng biktima, wala silang nais ngayon kundi ang…
Read MoreBABAE HULI SA EXTORTION SA NEGOSYANTE
CAVITE – Arestado sa entrapment operation ang isang 39-anyos na babae matapos umanong kotongan ang isang negosyante ng P120,000 cash kapalit ng hindi nito pagbubulgar ng umano’y lihim ng huli sa Imus City, noong Miyerkoles ng gabi. Inaresto ang suspek na si Liezl San Jose y Legaspi, ng Imus City, Cavite, matapos ireklamo ng isang 50-anyos na lalaking negosyante. Ayon sa ulat ni PSSgt. Jessie Villanueva ng Imus City Police, humihingi ng halagang P120,000 ang suspek sa lalaking negosyante kapalit ng hindi nito pagsusumbong sa kanyang asawa matapos nitong akusahan ng…
Read MorePROBLEMA ‘DI KINAYA, EMPLEYADO NAGBIGTI
CAVITE – Pinaniniwalaang hindi nakayanang harapin ang dinadalang problema kaya nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti ang isang lalaki sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga. Kinilala lamang ang biktima na si Edison, ng Tanza, Cavite. Ayon sa ulat ni P/SSg. Joycell Javier ng Tanza Police Station, isang kaibigan ng biktima ang nagtungo sa bahay nito upang alamin kung bakit hindi siya pumasok sa trabaho. Ngunit nabigla ito nang makita ang biktima na nakabitin sa hagdanan gamit ang tuwalya dakong alas-9:00 ng umaga. Sinasabing dumaranas ng matinding…
Read More