CAVITE – Hindi nakapalag ang dalawang pulis at ang kasama nilang isang sibilyan nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isang entrapment operation nitong Martes ng tanghali sa Bacoor City. Sa press briefing nitong Miyerkoles sa Kampo Crame, sinabi ni PNP chief, Police Major General Benjamin Acorda, Jr., parehong nakatalaga sa Bacoor City Police Station ang dalawang suspek na parehong police non-commissioned officers. Isinagawa ang operasyon laban sa mga suspek matapos magreklamo ang iba’t ibang mga TODA at transport group sa Cavite sa pangongotong…
Read MoreDay: September 21, 2023
PBBM MAGTATALAGA NG BAGONG PCG COMMANDANT
NAKATAKDANG mamili at humirang ng bagong Philippine Coast Guard Commandant si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., sa susunod na mga araw. Bunsod ito ng nakatakdang pagreretiro ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu sa Oktubre 19, 2023. Nabatid na limang senior officers ng Philippine Coast Guard ang kabilang sa tinaguriang shortlist ng pangulo o mga nominado ngayon bilang susunod na pinuno ng PCG na babakantehin ni Admiral Abu. Ayon kay PCG spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, kabilang sa mga napipisil na pumalit kay Abu ay sina Vice Admiral Rolando Lizor…
Read More‘KILLER’ NG MILITARY OFFICER SA QUEZON, TIKLO SA RIZAL
MAKARAAN ang 28 taong pagtatago sa batas, natimbog ng mga awtoridad sa lalawigan ng Rizal ang isang dating pulis na wanted sa kasong pagpatay sa isang sundalo sa lalawigan ng Quezon. Ayon sa report ng Police Regional Office 4A (PRO 4A) Calabarzon, naaresto noong Martes ng umaga ng mga tauhan ng PNP Intelligence Group sa Brgy. San Andres, Cainta, Rizal ang suspek na si Joel Consuelo Villanueva sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Branch 56 ng Regional Trial Court (RTC) ng Lucena City, para sa kasong homicide.…
Read More3 SELLERS NG REGISTERED SIM CARDS, NABITAG
BINITBIT ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang tatlong indibidwal dahil sa umano’y pagbebenta ng registered SIM cards sa magkakahiwalay na operasyon sa lungsod ng Pasay. Ayon sa ulat na isinumite ng NBI Cybercrime Division (NBI-CCD) kay Director Medardo De Lemos, kinilala ang mga suspek na sina Beverly Cruz, Keone Lebumfacil, at Aljon Reyes. Nagbunsod ang operasyon mula sa impormasyon na ilang indibidwal ang umano’y nagbebenta ng registered SIM cards sa Facebook, na ginagamit naman umano sa masamang layunin. Isang account na may pangalang “Nopce Naldz” ang…
Read MoreP16-M SHABU NABUKING SA TAPE DISPENSER
SWAK sa selda ng National Bureau of Investigation-National Capital Region (NBI-NCR), ang isang lalaki matapos mahulihan ng 2.454 kilo ng umano’y shabu na nakasilid sa tape dispenser, sa lungsod ng Pasay Kinilala ni NBI Director Medardo De Lemos ang suspek na si Raymond Darag Dulla, alyas “Babe” at “Boy”. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Transportation of Illegal Drugs) ng RA 9165 (The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002). Ikinasa ang operasyon mula sa impormasyong natanggap ng ahensya noong Setyembre 14 na may ibibiyaheng shabu ang…
Read MoreSHABU, MARIJUANA NAKUMPISKA SA MANILA CITY JAIL ANNEX
ITO ang ibinahaging ulat kahapon ng Philippine Drug Enforcement Agency kasunod ng inilunsad na “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Vergilio Lazo, nagkasa ng “Greyhound Operation” sa loob ng Manila City Jail Annex sa pangunguna ng mga operatiba ng PDEA Regional Office – National Capital Region K9 Unit, at PDEA RO NCR Seaport Interdiction Unit, katuwang ang mga tauhan ng BJMP Manila City Jail Annex, na nagresulta sa…
Read MoreENTERTAINMENT CLUB SA MAYNILA, NASUNOG
TINUPOK ng apoy ang ilang bahagi ng isang entertainment club sa Remedios Street malapit sa Adriatico Street, Malate, Manila nitong Miyerkoles ng umaga. Ayon sa ulat ni Police Major Edwin Fuggan, hepe ng Remedios Police Community Precinct, na isinumite kay Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander ng Manila Police District Station 5, bandang alas-11:35 ng umaga nang sumiklab ang sunog sa Matenrou Entertainment Club sa nasabing lugar. Agad namang ini-report ni Police Staff Sergeant Jodel Jovero kay Major Fuggan ang insidente. Mabilis na nagresponde ang mga awtoridad upang mapigilan…
Read More