P221K SHABU NASAMSAM SA TANZA, CAVITE

CAVITE – Mahigit P200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam makaraang maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng street level individuals (SLIs) ng pulisya, sa isinagawang buy-bust operation sa bayan ng Tanza noong Miyerkoles ng gabi.

Hawak na ng Tanza Municipal Police Station (MPS) ang suspek na si alyas “Christopher”, ng Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:35 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency at Tanza MPS sa Brgy. Amaya 2, Tanza, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto kay Christopher.

Nasamsam sa kanya ang tinatayang 32.50 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P221,000 at buy-bust money na ginamit sa operasyon. (SIGFRED ADSUARA)

31

Related posts

Leave a Comment