NASA state of decomposition na nang matagpuan ang bangkay ng isang Slovakian National na nauna nang naiulat na nawawala sa Malay, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Michaela Mickova, 23-anyos, na natagpuang walang pang-ibabang saplot sa abandonadong chapel sa Brgy. Balabag, Malay, Aklan.
Sa ngayon, ipinaalam na ng Malay Municipal Police Station ang pagkasawi ng dayuhan at tinitingnan kung ito ay hinalay.
Nakipag-ugnayan naman ang mga awtoridad sa embahada ng Slovakia hinggil sa insidente at sa pamilya ng biktima habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (TOTO NABAJA)
