SERBISYO NG BATELEC SA BATANGAS, INALMAHAN NG CONSUMERS

UMALMA na ang mga residente ng iba’t ibang bayan ng Batangas sa umano’y hindi maayos na serbisyo ng Batangas Electric Cooperative (Batelec) bilang kanilang electric power provider. Halos iisa ang idinadaing ng kanilang consumers, ang malimit na brown-out sa kani-kanilang lugar at ang mataas na singil nito. Ayon sa mga residente, malaking perwisyo sa kanila ang mga biglaang nangyayaring brown-out at maging ang mga schedule brown-out na kalimitan ay tumatagal ng maghapon at magdamag. Ayon sa negosyanteng si Nina Bilogo ng Taysan, Batangas, may-ari ng isang piggery, apektado ng brown-out…

Read More

LALAKI INUTAS SA MGA UTANG

QUEZON – Bunsod ng umano’y mga pagkakautang na hindi nababayaran, pinagbabaril ng apat na kalalakihan ang isang lalaki sa Sitio Balsi, Brgy. Pagsangahan, sa bayan ng San Francisco, sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ricky Verdida Aniban, 45, residente ng lugar. Ayon sa report ng San Francisco police, dakong alas-3:00 ng hapon nang harangin ng suspek na isang alias “Gilbert”, kasama ang tatlo pang hindi kilalang lalaki, ang biktima habang sakay ng kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa. Matapos patigilin, pinababa at pinagbabaril ng…

Read More

6 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN SA QUEZON

QUEZON – Anim ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Brgy. Balubad sa bayan ng Atimonan, sa lalawigang ito, pasado alas-12:00 ng tanghali noong Miyerkoles. Ayon sa report ng Atimonan police, ang mga nasangkot sa karambola ay isang Toyota Avanza na minamaneho ni Eugene Anthonue Sarino Palostre, 32; isang Isuzu Rebuilt Jitney na minamaneho ni Ramelito Perez Lucila, 51, at isang dump truck na minamaneho naman ni Loreto Boria Bernardino, 45-anyos. Batay sa imbestigasyon, nasalpok ng dump truck ang hulihang bahagi ng jeep habang…

Read More

BI NAALARMA SA PAGDAGSA NG SEX OFFENDERS

NAALARMA ang Bureau of Immigration (BI) sa sunod-sunod na pagdating o pagdagsa ng sex offender sa mga paliparan sa bansa, ayon sa impormasyong nakalap sa pamunuan ng ahensiyang ito. Noong nakaraang linggo, sunod-sunod na sex offenders ang pinabalik ng mga tauhan ng BI sa kanilang port of origin, upang maiwasang mabiktima ang mga menor de edad sa bansa. At noong Miyerkoles, dalawang magkasunod na convicted American pedophile ang hinarang ng mga tauhan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kasong panghahalay sa batang babae sa kanilang lugar.…

Read More

TRIKE DRIVER BUKING SA OVERCHARGING

NABUKING ang umano’y over-charging sa dayuhang pasahero ng isang 33-anyos na tricycle driver makaraang maaresto ng mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) dahil sa kawalan ng lisensya at paglabag sa batas trapiko sa Ermita, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joselito Ortiz, binata, ng Baseco Compound Port Area, Manila. Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Intelligence Division, Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) ng Manila Police District, inaresto ng mga tauhan ng MTPB ang suspek dakong alas-dos ng hapon…

Read More

P1K to P3,500 multa sa late filing LAST DAY NG SOCE FILING SA COMELEC DINAGSA

NAGKAROON ng bahagyang tensyon sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Arroceros, Manila nang dumagsa ang mga kandidato sa huling araw ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) filing noong Miyerkoles, Nobyembre 29, 2023. Umalma at nagulat ang libu-libong kandidato ng chairman at kagawad sa BSKE 2023 Elections sa anim na distrito ng Maynila, na halos limang oras naghintay sa pila, nang ianunsyo umano ng Comelec na kung hindi aabot sa deadline na itinakda ng poll body, sa main office sa Intramuros na lang pumunta sa sunod na 15-araw…

Read More

BONI BILANG NATIONAL HERO, TINUTULUGAN SA KAMARA

TINUTULUGAN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magdedeklara kay Gat Andres Bonifacio bilang National Hero o pambansang bayani ng Pilipinas. Maging ang panukalang batas na isama sa curriculum ng secondary education ang buhay at pakikibaka ni Bonifacio, ay mistulang inaanay sa House Committee on Basic Education and Culture, kahit inihain ang mga ito sa Kongreso noong nakaraang taon pa. Sinimulan ng mga militanteng mambabatas ang krusada sa Kongreso na ideklara si Bonifacio bilang national hero noong 17th Congress pa. Dahil dito, ipinaalala ni House Deputy Minority Leader…

Read More