PROTEKSYON SA RED-TAGGING HILING NG NUPL SA SC

KINALAMPAG ng ilang mga abogado mula sa National Union of People’s Lawyer (NUPL) kasama ang grupo ng mga magsasaka, ang Korte Suprema para sa inihaing ng petition for writ of amparo at habeas data.

Ito’y bilang proteksyon sa mga lider ng organisasyon at human rights lawyer na nakabase sa Negros Occidental.

Giit ng grupong Tanggol Magsasaka, suportado nila ang ginawang hakbang ng NUPL para sa kapakanan ng mga lider na nagtatanggol sa mga ordinaryong manggagawa.

Paliwanag nila, hindi makatwiran na isailalim sa red tagging ang mga lider ng manggagawa gayundin ang tumatayong abogado ng mga ito.

Panawagan pa ng grupo, itigil na ng militar at pamahalaan ang red tagging sa mga lider ng unyon, manggagawa at mga abogado na hangad lamang ay iparating ang boses ng mga maralitang Pilipino.

Umaasa ang mga abogado mula sa NUPL, na pakikinggan ng Korte Suprema ang kanilang petisyon para maging panatag at maprotektahan ang nasabing mga indibidwal.

(JULIET PACOT)

97

Related posts

Leave a Comment