LISENSYA NG MGA BARIL NI QUIBOLOY PINAKAKANSELA

PINAKAKANSELA ni Senador Risa Hontiveros ang lisensya ni Pastor Apollo Quiboloy upang makapagmay-ari ng baril makaraan itong ituring na bilang pugante. Ginawa ni Hontiveros ang panawagan sa Philippine National Police (PNP) matapos lumabas ang mga larawan at video ng sinasabing private army ni Quiboloy na nakitang nagsasanay bitbit ang mga baril. Iginiit ng mambabatas na armado at mapanganib si Quiboloy lalo’t buhay na buhay ang mga armadong sundalo niya na handang magpakamatay para sa kanya. Mahalaga anyang makumpiska ng PNP sa lalong madaling panahon ang kanilang mga armas. Lantad na…

Read More

NO WANG-WANG POLICY NI PBBM ‘COPYCAT’ KAY PNOY

PINALAGAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagkukumpara ng kanyang anti-wang-wang policy kay dating Pangulong Benigno Aquino III, na nagpatupad ng kahalintulad na kautusan noong kanyang termino. Nilinaw ni Pangulong Marcos na ang kamakailan lamang na nilagdaan niyang Executive Order No. 56 ay hindi lamang para sa pagbabawal ng paggamit ng wang-wang. “It’s about really the number of [low-numbered o protocol license] plates na binawasan namin,” ayon kay Pangulong Marcos. Inaasahan ng EO 56 na mapipigilan ang pag-aabuso at mapapahusay naman ang transparency sa pamamagitan ng pinahigpit na regulasyon sa…

Read More

PILOT RUN NG MES KASADO SA CAGAYAN

NAKATAKDANG ikasa ng gobyerno ang pilot run ng Mobile Energy System (MES) sa typhoon-prone municipalities sa Cagayan Province. Layon nito na mapahusay ang katatagan ng bansa laban sa sakuna. Sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na umaasa ang pamahalaan na ang kasalukuyang “energy challenges” ay mapagtatagumpayan sa pamamagitan ng “technology and innovation.” “We will hold the pilot run of the MES in the typhoon prone municipalities of Sta. Ana and Lal-lo in Cagayan Province. MES units will also be distributed to various government agencies, showing our…

Read More

TAUMBAYAN GALIT NA SA POLITICAL PERSECUTION NG MARCOS ADMIN

TULUYAN nang nawala ang panawagang pagkakaisa (unity) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. dahil napalitan ito ng panggigipit sa kanilang mga dating kakampi at sa ordinaryong mamamayan ng bansa. Ayon ito kina Jeffrey “Ka Eric” Celiz at Dr. Lorraine Marie Badoy sa kanilang programa na Pilipinas Nating Mahal sa SMNI noong nakaraang Biyernes, Abril 12. Sa nasabing programa ay kanilang kinapanayam ang unang Executive Secretary ng administrasyong Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez. Kabilang sa kanilang mga tinalakay ang warrant of arrest laban kay SMNI chairman at Kingdom of…

Read More

3 TERORISTA NAPATAY SA LANAO ENCOUNTER

PATAY ang tatlong kasapi ng Daulah Islamiyah-Maute Group habang tatlong matataas na kalibre ng baril ang nabawi ng militar sa sagupaan sa Lanao del Norte. Kinilala ang tatlong napatay na sina Nezrin Sandab, a.k.a. Firdaus; Saipal Abubacar, a.k.a. Fariz; at Pabo Zainoden Radia, a.k.a. Musab habang may isang sundalo na nasugatan. Ayon sa ulat na ibinahagi ni AFP Western Mindanao Command, Public Information Office chief, Maj. Andrew Linao, patuloy na ginagalugad ng militar ang mga hinihinalang pinagkukublihan ng mga terorista sa layuning malipol ang mga ito na itinuturing na salot…

Read More

KATAGAY KINATAY NG 16-ANYOS

CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang isang 16-anyos na Grade 10 student makaraang saksakin ng isang ice pick ang nakatatandang kainuman na namagitan sa away ng mga bagets at nagresulta sa kamatayan ng biktima sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Silang Specialist Medical Center (SSMC) ang biktimang si alyas “Kev”, 29, isang construction worker, ng Brgy. Biga 1, Silang, Cavite ngunit idineklarang dead on arrival dahil sa saksak sa dibdib. Kinilala naman ang suspek na isang Grade 10 student, ng Barangay Adis,Silang, Cavite,…

Read More

OBRERO HULI SA P.6-M SHABU

CAVITE – Swak sa kulungan ang isang 20-anyos na construction worker nang mahulihan ng tinatayang P.6 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa parking lot ng isang kilalang fastfood restaurant sa Trece Martires City sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5, Art. II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act, ang suspek na si alyas “Salik”, ng Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, nagsagawa ng buy-bust operation ang Provincial Drug Enforcement Agency ROIv-A RSET 1 at…

Read More

BABAERO ITINUMBA NG RIDER

PATAY ang isang 23-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng isang gunman na lulan ng motorsiklo sa panulukan ng Felix Huertas at Bambang Streets sa Sta. Cruz, Manila noong Linggo ng gabi Kinilala ang biktimang si Aaron Gibb Mamucod, jobless, ng Tondo, Manila. Mabilis namang tumakas ang hindi nakilalang suspek makaraan ang insidente. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District Homicide Section, bandang alas-8:50 ng gabi pagbabarilin ng suspek ang biktima sa naturang lugar. Blanko pa ang pulisya sa posibleng…

Read More

P13.3-B SHABU NASABAT NG PNP

IPINAGMAMALAKI kahapon ni Interior and Local Government Secretary Benhur C. Abalos na nasa tamang landas ang anti-illegal drug campaign ng pamahalaan matapos na masamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police ang may dalawang toneladang umano’y habu na nagkakahalaga ng P13.3 billion. Nalagpasan din nito ang biggest drug haul na naitala ng National Bureau of Investigation noong Marso 2022 nang masamsam nila ang 1.3 tonelada ng droga sa Infanta, Quezon na nagkakahalaga ng P11 billion. Ipinagmalaki ito ni Abalos matapos na masabat ng mga tauhan ng PNP-CALABARZON nitong Lunes ng…

Read More