UMABOT sa 46 na mga kasapi ng armadong galamay ng Communist Party of the Philippine at New People’s Army ang napaslang ng militar sa kanilang inilunsad na focused military operations laban sa mga rebeldeng grupo na target nang wakasan ng Armed Forces of the Philippines ngayong taon. Base sa datos na ibinahagi ng AFP sa isang pulong balitaan, kasama ang ang nasabing bilang sa kabuuang 706 na CPP-NPA rebels na naneyutralisa ng military sa unang quarter ng taong 2024. Sa nasabing figure, kabilang dito ang 614 rebelde na sumuko sa…
Read MoreDay: April 17, 2024
NINO DRUG GROUP MEMBER, NAKORNER
CAVITE – Swak sa kulungan ang isang miyembro ng Nino drug group matapos naaresto sa buy-bust operation sa Dasmariñas City noong Martes ng gabi. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Maximo”, kabilang sa listahan ng HVIs ng pulisya. Ayon sa ulat, dakong alas-6:55 ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Drug Enforcement Team ng Dasmariñas Component City Police Station sa Brgy. San Esteban, Dasmariñas City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nasamsam sa suspek ang tinatayang 4 gramo ng hinihinalang shabu na may street value…
Read MoreEX-COUNCILOR PATAY SA TAGA NG DATING EMPLEYADO
NEGROS ORIENTAL – Patay ang isang dating konsehal ng bayan ng Mabinay sa lalawigan, matapos tagain ng kanyang dating empleyado sa Barangay Paniabonan sa nasabing bayan, noong Martes ng umaga. Hindi umabot nang buhay at idineklarang dead on arrival sa Medicare Community Hospital ang biktimang si Angelito Butoy Rosale, 68-anyos, dating Sangguniang Bayan member at residente ng Brgy. Lumbangan, Mabinay. Ayon sa report ng Mabinay Police, dakong alas-9:00 ng umaga, sakay ng motorsiklo ang biktima sa national highway nang harangin ito at patigilin ng suspek na si Angelito Estil Brigula,…
Read MoreSANGGOL PATAY SA SAKSAK NG AMA
BUKIDNON – Patay ang isang taong gulang na sanggol na babae makaraang saksakin ng sariling ama sa kanilang bahay sa Sitio Intalwas, Barangay Tikalaan, sa bayan ng Talakag sa lalawigan noong Lunes ng madaling araw. Naisugod pa ospital ang biktima ngunit nalagutan ng hininga dahil sa matinding pinsala sa tiyan. Ayon sa imbestigador ng Talakag PNP, naging aburido umano at dumilim ang pag-iisip ng ama ng biktima na si Ferdinand Catoto nang biglang umalis ang kanyang live-in partner na ina ng sanggol, matapos ang kanilang pagtatalo. Nagtalo umano ang mag-asawa…
Read MoreP445-M AGRI DAMAGE NG EL NIÑO SA CORDILLERA
TINATAYANG umabot sa P444.94 milyong halaga ng pinsala sa agrikultura ang naitala sa rehiyon ng Cordillera noong Marso 22 dahil sa tagtuyot, ayon sa ulat mula sa regional na tanggapan ng Department of Agriculture (DA) noong Huwebes. Ayon sa ulat ni DA-Cordillera Director Jennilyn Dawyan, karamihan sa mga pinsala ng tagtuyot ay sa yellow corn para sa feeds ng mga hayop, at bigas. Aniya, 5,896 na magsasaka ng mais ang nagtala ng pagkawala ng produksyon na halos P411.34 milyon habang 1,912 na magsasaka ng palay ang nagtala ng kabuuang pagkawala…
Read MorePAGLABAS NG IRR NG 2 BATAS NAGRESULTA NG MARAMING TRABAHO – REP. NOGRALES
PINURI ng chair ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee ang Marcos administration sa kanilang patuloy na pagsisikap sa paggawa ng mga trabaho para sa mga Pilipino. Ito ay matapos na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.5 percent noong Pebrero mula sa 4.5 percent noong Enero, ayon sa February 2024 Labor Force Survey (LFS). Nauna rito, ang unemployment rate noong Pebrero ng nakaraang taon ay 4.8 percent. “The results of the latest LFS are testament to the continued efforts of the present administration to create jobs and…
Read MoreMANDAUE MAYOR, 4 PA INIREKLAMO SA OMBUDSMAN AT KAY PBBM
INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman at Office of the President si Mandaue City Mayor Jonas Cortes at apat na konsehal ng lungsod. Si Mayor Cortes at mga konsehal na sina Maline Cortes-Zafra, Oscar del Castillo, Jen Del Mar, at Cynthia Remedio ay inireklamo ni Maria Priscilla Melendres dahil umano sa pang-aabuso sa kapangyarihan at katiwalian. Sa anim na pahinang affidavit of complaint ni Melendres sa tanggapan ni Ombudsman Samuel Martires na ipinasa rin kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nito na ginamit ng alkalde at apat na konsehal ang…
Read MoreMGA MOTORISTA AT RESIDENTE DISMAYADO SA ISINARANG TULAY
DISMAYADO ang ilang residente at motorista partikular na ang mga delivery rider sa pagpapasara ng isang pampublikong tulay na nagsisilbing “shortcut” ng mga ito patungo sa kanilang destinasyon sa isang lugar sa Binondo, Manila. Ang pagpapasara sa Piedad Bridge ay dahil na rin umano sa isinasagawang konstruksyon ng 42-palapag na Royal Residential Tower sa may Piedad St., Binondo. Daing ng ilang delivery motorcycle riders, naaantala ang kanilang mga idinideliber lalo na kung ang kanilang ginagamit na community driven navigation app ay itinuturong dumaan sa nasabing tulay. Bukod dito, malaki rin…
Read MoreCOMPUTER TECHNICIAN TIMBOG SA PANANAKSAK
ARESTADO sa follow-up operation ang isang 24-anyos na computer technician makaraang saksakin ang kanyang kapitbahay sa Gawad Kalinga, Barangay 649, Baseco Compound, Port Area, Manila noong Martes ng gabi. Nadakip sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang suspek na si Mark Anthony Fernandez, kapangalan ng aktor, at residente ng nabanggit na lugar. Isinugod naman sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang kinilalang si Jet Bashan, binata, isang candle maker. Batay sa ulat ni Police Corporal Ehmil Paglinawan, bandang alas-11:30 ng gabi, nagkaroon ng…
Read More