Tanong ng media dinaan sa tawa DRUG USE ISSUE ‘DI MASAGOT NI PBBM

(CHRISTIAN DALE) SA halip direktang sagutin ang mga alegasyon hinggil sa kanyang paggamit umano ng ilegal na droga, malakas na tawa ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., sa mga mamamahayag kahapon. Sa ambush interview sa PICC Pasay City, hiningan ng komento ang Pangulo ukol sa ‘motu proprio’ na imbestigasyon ng Senate committee on public order and dangerous drugs sa sinasabing confidential documents ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na kalaunan ay tinaguriang ‘PDEA leaks’ na nagbanggit sa kanyang pangalan kasama ang aktres na si Maricel Soriano na…

Read More

MASTERLIST NG GOVERNMENT LANDS PINALILIKHA NI PBBM

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng inter-agency coordinating council para pag-isahin ang master list ng lahat ng lupain na pag-aari ng estado sa layuning tiyakin ang kanilang pinakamainam na gamit. Base sa Administrative Order No. 21, nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 30, sinabi ni Pangulong Marcos na mahalaga na pag-isahin ang komprehensibong listahan ng lahat ng government lands “to ensure the efficient and effective allocation and utilization of land resources for the country’s national development goals.” Isa sa mahalagang estratehiya para magtatag ng matitirhang…

Read More

Habang milyong Pinoy gutom EDCA BINUBUHUSAN NG PONDO NI MARCOS

HABANG kumakalam ang sikmura ng mamamayang Pilipino, nagsasaboy ng pera mula sa taxpayer’s money si Pangulong Ferdinand “Bongong” Marcos Jr., sa mga proyektong may kinalaman sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Reaksyon ito ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas kaugnay ng konstruksyon ng 3 kilometrong runway sa Balabac Island sa Palawan na magiging base militar ng Estados Unidos sa ilalim ng EDCA. “While the government pours millions into constructing runways and hangars for foreign military use, our people are left to grapple with skyrocketing prices and low wages,” pahayag ni…

Read More

MARCOS NAIS DING IMBESTIGAHAN SA ‘CHINA AGREEMENT’

HINDI lang si dating Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat imbestigahan sa secret agreement sa West Philippine Sea (WPS) kundi si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., dahil sa alegasyon ng China na alam ito ng bagong administrasyon. Ito ang direksyon ng pahayag ni House deputy minority leader France Castro kaugnay ng pagkumpirma ng Chinese embassy sa Pilipinas na totoo ang kasunduan sa pagitan ng dalawang bansa sa West Philippine Sea (WPS). Mariing kinondena ng mambabatas ang kasunduang ito na maituturing aniyang “betrayal of national interest” at “sell-out” sa soberenya ng bansa…

Read More

MARCOS LOYALISTS KAY PBBM: ICC PAPASUKIN

NAGTIPUN-TIPON sa harapan ng Senado ang ilang mga loyalista ng Pamilya Marcos at iginiit na papasukin sa bansa ang mga imbestigador ng International Criminal Court para busisiin ang anti-drug war campaign ng nakalipas na administrasyon. Bitbit ng mga loyalista na pawang mga nakapulang damit ang mga banner na nagsasaad na Welcome ICC, Goodbye Duterte. Giit ng mga raliyista na miyembro ng Isang Bansa Pilipino na dapat lamang imbestigahan ang mga extrajudicial killings sa bansa. “Hindi na karapat-dapat eh, hindi na makatarungan…dapat talaga, mananawagan kami sa ating Pangulo, PBBM papasukin mo…

Read More

3 TAON PA BAGO BUMABA PRESYO NG BIGAS – DA

(BERNARD TAGUINOD) POSIBLENG abutin pa ng tatlong taon bago maibaba ang presyo ng bigas sa bansa subalit hanggang bente (20) porsyento lamang mula sa kasalukuyang halaga nito. Ito ang inamin ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel sa pagdinig ng House committee on agriculture sa panukalang amyendahan ang Republic Act (RA) 11203 o Rice Tariffication Law. Sa interpelasyon ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara, direkta nitong tinanong si Laurel kung kailan pwedeng bumaba ang presyo ng bigas lalo na kung maipatupad ang mga pagbabagong gagawin ng Kongreso sa nasabing…

Read More

ALVAREZ BINIGYAN NG 10-ARAW PARA SUMAGOT SA REKLAMO

BINIGYAN ng House Ethics Committee ng 10 araw si Davao del Norte Ist District Rep. Pantaleon “Bebot” Alvarez para sagutin ang tatlong kasong isinampa ni Tagum City Mayor Rey Uy laban sa kanya. Sa press conference kahapon sa Kamara, kinumpirma ni Rep. Raul Angelo Bungalon na naipadala na ng House Secretary Generals’ Office noong Biyernes, sa tanggapan ni Alvarez ang kautusan na sagutin ang reklamo. “Basically the complaint alleges three violations code of conduct that tantamount to disorderly behavior of public officials, conduct unbecoming as well as violation of libel…

Read More

FARMERS GROUP POSITIBO SA ANTI-AGRICULTURAL ECONOMIC SABOTAGE ACT

NANINIWALA ang grupo ng mga magsasaka na magiging batas ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na matagal na nilang hinihintay, na magbibigay sa kanila ng pag-asa at liwanag gayundin sa mamamayang Pilipino. Sa isang media forum nitong Martes, sinabi ni AGAP Party-list Rep. Nicanor Briones, tinatalakay na sa Bicameral Conference Committee ang panukalang batas. Giit ni Briones, sa Anti-Agri Economic Sabotage Act na ito, dapat alisin ang Bureau of Customs (BOC) at magkaroon ng national council kasama ang Department of Finance, Department of Justice at iba’t ibang sektor ng agrikultura. Ang…

Read More

Sa pagpapakalat ng fake news MEDIA GINAGAMIT NG CHINA – NSC

TAHASANG inihayag ni National Security Adviser Sec. Eduardo Año na nililinlang ng Chinese Embassy ng mga kasapi ng media upang magpakalat ng kanilang fake news Ayon sa inilabas na statement ng National Security Council, ang China ay nagpapakalat ng disimpormasyon sa pamamagitan ng panlilinlang sa mga mamamahayag, sa pamamagitan ng Chinese Embassy. Sa nasabing pahayag ni Año, bahagi ng panlilinlang ng China ang pagpapakalat ng kanilang narratives hinggil sa umano’y new model na napagkasunduan ng Pilipinas at China patungkol sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay Año, maituturing na walang…

Read More