Sa pagbabalik matapos matigil dahil sa pandemya 48TH SAGAYLAHAN NG BRGY. STA. ELENA LALO PANG SUMIGLA

Matapos matigil ng apat na taon dahil sa naranasang pandemya ng COVID19 ay lalo pang dumami ang mga nakiisa sa ‘48th SAGAYLAHAN’ ng Brgy. Sta. Elena, Marikina City noong nakaraang Mayo 4, 2024. Nagsimula ang okasyon sa PART 1, dakong alas- 6:30 hanggang alas-7 ng gabi sa REGISTRATION & PRESENTATION TO JUDGES; alas-7:01 hanggang alas-8 ng gabi Presentation and Judging ng 60 Participating SAGAYLAS; Part II, PARADE AROUND STA. ELENA, dakong alas-8:01 hanggang 10 ng gabi sa Parade of SAGAYLAS; Part III, PALARUANG BATANG LAMBAK INGRESS, dakong alas-10-01 hanggang alas-10:20…

Read More

Amyenda sa RTL pinapapaspasan ni Rep. Tulfo PAGBABALIK NG MURANG BIGAS NG NFA SA MERKADO PINAUUNA SA SENADO

NANAWAGAN nitong Martes si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa kanilang counterpart sa Senado na madaliin na ang pag-amyenda sa Rice Tarrification law (RTL) kasabay ng panawagan na dapat ding itulak ng Senado ang kanilang panukala na ibalik sa merkado ang murang bigas ng National Food Authority (NFA). Ginawa ni Tulfo ang pahayag matapos aprubahan nitong Martes ng House committee on agriculture and food sa pamumuno ni Quezon province Rep. Mark Enverga ang pag-amyenda sa RTL. Agad din itong naaprubahan sa committee on ways and means sa pamumuno naman…

Read More

16 TAON KULONG SA HITMAN NI PERCY LAPID

BIGO ang self-confessed gunman na si Joel Escorial na mapababa ang sentensya laban sa kanya kaugnay ng pagbaril sa broadcaster na si Percy Lapid. Ito ay sa kabila ng kanyang pagiging self-confessed at pakikipagtulungan sa mga awtoridad sa paglutas sa nasabing kaso sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa iba pa sa kanyang mga kasamahan sa naturang krimen. Ayon sa abogado ng pamilya ni Lapid na si Atty. Danny Pelagio, pinatawan ng walo hanggang 16 taong pagkakakulong ng Las Piñas Regional Trial Court Branch 254, si Escorial at hindi rin aniya…

Read More

P15-M WAREHOUSE SA BINONDO, NATUPOK

TINATAYANG umabot sa P15 milyong halaga ang nilamon ng apoy sa nasunog na warehouse sa Binondo, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimulang makitaan ng usok sa storage building sa Ritz Royal Tower sa 8th floor Room A ng 20 storey building sa Camba St. sa nasabing lugar. Pag-aari ng MC Gold Prime Ventures Inc., ang gusali na nasunog, ayon sa impormasyon mula sa BFP. Hindi naman pinangalanan ang occupant ng nasunog na bodega na isang Chinese national. Umabot naman sa 12 oras ang sunog…

Read More

ARMY, MARINES SUMABAK SA LIVE FIRE COUNTER LANDING WAR EXERCISE

ITINUTURING na isang malaking tagumpay ang ginawang sabayang pagsabak ng mga tropa ng Army at Marines ng Pilipinas at Amerika sa ginanap na counter landing live fire exercise sa nagpapatuloy na Multilateral Balikatan 39-2024 iteration sa La Paz sand dunes sa Laoag, Ilocos Norte. Dito ipinakita at ginamit ang makabagong high-powered weapon systems ng dalawang bansa para maging handa na magsagawa ng depensa sakaling may kalabang pwersa na magtatangkang sumalakay mula sa dagat papasok ng bansa, ani Lt. Col. John Paul F. Salgado, chief, Combined Joint Information Bureau, BK 39-2024.…

Read More

4PH Pambansang Pabahay borrowers to benefit from program subsidies – DHSUD, Pag-IBIG Fund execs

The Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Housing (4PH) Program – the government’s flagship housing project provides affordably-priced homes and lower monthly amortization costs through various subsidies for Filipino workers who are members of Pag-IBIG Fund, the Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) together with Pag-IBIG Fund executives announced last May 1, Labor Day. “Our housing agenda aims to ensure that all Filipino workers have the means to accessible and affordable housing opportunities. Through the subsidies extended to beneficiaries of the 4PH program, prices of homes and monthly amortization…

Read More

DAYAAN SA ELEKSYON BINABALEWALA NG MGA PINOY?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI na tayong nababasa na nagpapatunay na nagkadayaan noong nakaraang 2022 presidential election na pinanalunan nina Bongbong Marcos at Sara Duterte pero nakabibingi ang katahimikan ng mga Pinoy. Hindi tumitigil ang grupo ni dating Department of Information and Communication Technology (DICT) Secretary Eliseo Rio sa paglalabas ng mga ebidensya na nagkaroon ng matinding dayaan sa nakaraang eleksyon pero mukhang hindi interesado ang mga Pinoy. Unang inilabas ng grupo ni Rio na ang unang 20 million boto na nakuha raw ni BBM ay ipinadala ng isang private…

Read More

PACIFIC OCEAN BALAK DIN TAYUAN NG MAN-MADE ISLAND NG CHINA?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HINDI pa nakuntento ang bansang China sa paglalagay nila ng mga man-made island sa West Philippine Sea, ngayon ay target naman nila ang Silangang bahagi ng Pilipinas na nasasakupan ng Pacific Ocean. Ito ang sinabi ni ACT-CIS Representative at House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo, matapos mamataan ang ilang barko ng China sa naturang lugar kamakailan. Ayon pa sa mambabatas na dati ring media, noong nakaraang Marso lang ay dalawang barko ng China na mga research vessel daw, ang naispatan sa Benham Rise. Sinundan naman…

Read More

KAPAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA

AT YOUR SERVICE ni KA FRANCIS ANG pinakamayayamang mga tao sa buong mundo ay hindi yayaman kung hindi sila nagtiyaga at nagsakripisyo. Tulad na lang halimbawa nina Henry Sy na nagmamay-ari ng pinakamalalaking Shoemart (SM Department Stores) na matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng bansa; Manny Villar na nagmamay-ari ng mga executive subdivision sa iba’t ibang lugar sa bansa; Tony Tan Caktiong, nagmamay-ari ng sikat na Jollibee na maraming branches dito sa Pilipinas at sa abroad, at Ramon Ang na kilalang nagmamay-ari ng pagawaan ng beer sa bansa, ang San…

Read More