EJK INVESTIGATION NG KAMARA MAY BASBAS NG BBM ADMIN

SUPORTADO ng administrasyong Marcos Jr. ang imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kaugnay sa extra judicial killings (EJK) noong kasagsagan ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Dalawang taon pagkatapos bumaba sa kapangyarihan si Duterte, sinimulan ng House committee on human rights ang imbestigasyon na dinaluhan ng mga kaanak ng mga biktima ng EJK o pinatay ng mga riding in tandem, human rights advocate group, at ni dating Justice Secretary at ngayo’y Solicitor General Menardo Guevarra. Pinuri ni Guevarra ang Kamara dahil sa wakas aniya ay nagsagawa na…

Read More

ECO CHA-CHA BILL PATAY NA SA SENADO

(DANG SAMSON-GARCIA) NANINIWALA si Senador Juan Miguel Migz Zubiri na patay na o hindi na maisasakatuparan pa ang economic Cha-cha bill sa Senado. Ito ay matapos ang pagpapalit ng liderato sa Senado kung saan inihalal si Senate President Francis Chiz Escudero na anya’y tutol sa Cha-cha. Sinabi ni Zubiri na hindi na rin matutuloy ang mga nakalatag na konsultasyon ng Senate subcommittee on Constitutional Amendments sa Visayas at Mindanao makaraan itong bitiwan ni Senador Sonny Angara. Kinumpirma naman ni Escudero na kanselado na ang mga pagdinig sa Cebu at Cagayan…

Read More

GOBYERNO HANDA SA LA NIÑA – PBBM

TINIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa publiko ang kahandaan ng pamahalaan na tugunan ang La Niña. “The construction of long-term flood control projects is going to deal with La Niña’s challenges for the government,” ayon kay Pangulong Marcos sa media interview ukol sa paghahanda ng gobyerno para sa nagbabadyang nakapipinsalang weather phenomenon. Ang alalahanin ay naungkat matapos maiulat ang pagkaubos ng calamity funds ng local government units (LGUs) dahil sa pagtugon sa napakatagal na dry spell o panahon ng tagtuyot. “Naka-ready naman kami, but of course, the long…

Read More

CYBER LIBEL ISINAMPA VS HEALTH ADVOCATE DOCTOR

NAHAHARAP sa kasong cyber libel ang public health advocate na si Dr. Anthony C. Leachon matapos ireklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng umano’y akusasyon nito laban sa kumpanyang Bell-Kenz Pharmaceuticals Inc. Inihain ang kaso sa tanggapan ng NBI Cybercrime Division sa pamamagitan ng mga legal counsel ng Bell-Kenz. Sinabi ni Atty. Dezery Perlez, Bell-Kenz Pharma, Inc. legal counsel at spokesperson, malisyoso at walang basehan ang mga paratang ni Leachon sa kumpanya kabilang na ang umano’y “multi-level marketing scheme” nito. Ayon pa sa legal counsel ng kumpanya na…

Read More

GRENADE ATTACK SA CATHOLIC CHAPEL KINONDENA

MARIING kinondena ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ang pagpapasabog ng granada sa isang Catholic chapel sa Cotabato City noong Linggo. Ayon sa OPAPRU, ang karima-rimarim na karahasan na ginawa nitong Pentecost Sunday, isang mahalagang araw para sa mga Katoliko, ay direktang pag-atake sa commitment ng mga Filipino para sa religious freedom at peaceful co-existence at pagpapakita ng kawalan pagpapahalaga sa buhay ng tao. “We extend our deepest sympathies to the families of those injured in this incident and wish them a full and…

Read More

P3-M SHABU NASABAT SA LAGUNA

LAGUNA – Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng P3 milyong halaga ng illegal drugs sa buy-bust operation sa parking lot ng isang mall sa Santa Rosa City noong Lunes ng hapon. Isinagawa ng mga operatiba ng PDEA Batangas Provincial Office at PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team 1, ang joint buy-bust operation pasado alas-5:00 ng hapon sa open parking lot ng mall sa Barangay Tagapo, Santa Rosa City. Naaresto sa nasabing operasyon ang mga suspek na kinilalang sina Danilo Medina, 32, at Alvin Isales, 27, kapwa residente ng…

Read More

4 ESTUDYANTE BUMULUSOK SA POSO NEGRO, 1 PATAY

CAVITE – Nasawi ang isang Grade 5 student habang sugatan ang tatlo pa nitong kaklase makaraang bumulusok sila sa isang poso negro sa loob ng kanilang eskuwelahan sa bayan ng Alfonso sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Pawang isinugod sa Poblete Hospital ang apat na mga estudyante subalit si alyas “Criszel”, 12-anyos, ay idineklarang dead on arrival. Ayon sa ulat, sabay-sabay umanong kumain ng kanilang pananghalian bandang alas-12:30 ng hapon ang apat na mga estudyante ng Sinaliw Malaki Elementary School sa Brgy. Sinaliw Malaki, Alfonso, Cavite. Nakaupo sila sa isang…

Read More

SIGALOT SA SENADO, UMIIGTING!

RAPIDO NI TULFO KAMAKAILAN nga ay nagbitiw sa pagiging Senate President si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri sa gitna ng kaliwa’t kanang isyu sa Senado. Ayon sa mga “tambay” sa Senado, majority ng mga kapwa senador ni Zubiri ang bumoto upang palitan ang kanilang liderato, pito (7) lamang tutol dito. Palaisipan ngayon sa taumbayan ang dahilan sa biglaang palitan ng liderato sa Senado na humahawak ngayon sa malalaking mga isyu sa bansa. Kabilang sa iniimbestigahan ngayon ng Senado ang tinatawag na PDEA leaks kung saan dawit ang pangalan ni Pangulong…

Read More

MAGIGING MASUNURIN KAYA SI CHIZ SA ‘THE POWERS THAT BE’?

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NATULOY na nga ang kudeta sa Senado kahapon kaya bumaba si Senador Juan Miguel Zubiri bilang lider ng Mataas na Kapulungan. Pinalitan siya ni Senador Francis ‘Chiz’ Escudero na agad ding nanumpa. Hindi na bago ang coup rumors kay Zubiri, ika nga naging suki siya nito. Pebrero pa lang ng taong ito, umugong na ang usapang ikukudeta siya pero agad itong pinabulaanan ng mga kapwa niya senador. Ipinagtanggol pa nga siya nina Senate Pro-Tempore Loren Legarda at Senate Majority Leader Joel Villanueva na kapwa nagsabing suportado…

Read More