P1.1-M PEKENG YOSI NASABAT SA ILOILO

NASABAT ng mga awtoridad ang P1.1 milyong halaga ng pekeng sigarilyo at dinakip ang isang negosyante dahil sa paglabag sa Republic Act (RA) 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines, sa Lalawigan ng Iloilo. Sa bisa ng inisyung search warrant ng Regional Trial Court 6, Branch 39, ininspeksyon ng mga ahente sa pangunguna ng intelligence unit ng Iloilo City Police Office, ang bahay ng isang 57-anyos na mangangalakal sa Sitio Kawayanan, Barangay Tabuc Suba, La Paz. Dito nadiskubre ang iba’t ibang volume ng Mighty Green, Camel, Marvel green at…

Read More

19 BIKTIMA NG HUMAN TRAFFICKING NASAGIP

NAKIPAG-UGNAYAN ang Philippine Coast Guard sa PNP Maritime Police kaugnay sa pagsagip sa 19 na biktima ng human trafficking sa Bongao, Central Tawi-Tawi. Ayon sa PCG, nasagip ang mga biktima nang matunton ang kanilang kinaroroonan sa Port of Bongao, Tawi-Tawi, na hinihinalang nakatakda nang maglayag papuntang Malaysia. Inalerto ng PCG ang Maritime Police at Maritime Inter-Agency Council Against Trafficking tungkol sa pagsagip sa mga biktima mula sa barkong MV Ever Queen of Asia na naka-angkla sa bayan ng Bongao. Sinasabing pawang na-recruit ang mga biktima sa Zamboanga Peninsula. Matapos sumailalim…

Read More

SOUTH AFRICAN ARESTADO SA P42-M SHABU

ISANG South African national ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency dahil sa tangkang pagpuslit ng anim na kilo ng shabu na may standard street value na umabot sa P42 million noong Sabado ng gabi. Ayon sa ulat na isinumite ng PDEA Regional Office-National Capital Region, nagkasa ang Ninoy Aquino International Airport-NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) na binubuo ng PDEA, Bureau of Customs NAIA, NBI at PNP Aviation Security Group (AVSEG), Airport Police Department (APD), PNP Drug Enforcement Group, sa Customs International Arrival, Terminal 3…

Read More