QUEZON – Patay ang isang 30-anyos na laborer sa pamamaril ng dalawang hindi nakilalang mga suspek sa Brgy. Malabanban Sur, sa bayan ng Candelaria noong Sabado ng gabi. Kinilala ang biktimang si Daniel Castillo Aguilar, tubong GMA, Cavite at residente ng lugar. Ayon sa report, nakatayo sa harap ng sari-sari store ang biktima sa San Juan-Candelaria road at bumibili ng soft drinks nang biglang dumating ang dalawang lalaki at siya ay pinagbabaril dakong alas-7:45 ng gabi. Tinamaan ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na agad nitong ikinamatay. Pagkaraan ay…
Read MoreDay: November 4, 2024
PRESO TUMAKAS SA CAVITE PROVINCIAL JAIL
CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang mga operatiba ng Cavite Provincial Jail makaraang tumakas sa kulungan ang isang person deprived of liberty (PDL) sa Trece Martires City noong Linggo ng madaling araw. Kinilala ang tumakas na PDL na si alyas “Jayson” may kasong paglabag Sec. 5 at 11 ng Article 11 ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at carnapping case sa Laguna. Ayon sa ulat ni PG II Unica Nica C, Diaz, team supervisor, bandang ala-1:44 ng madaling araw noong Linggo nang tumakas ang suspek sa…
Read MoreELEKSYON SA AMERIKA
DPA ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroong inaabangang eleksyon sa buong mundo ay ang halalan sa Amerika na ginaganap kada apat na taon dahil halos lahat ng mga nasyon kasama ang Pilipinas, ay may matinding impluwensya si Uncle Sam. Kahit ‘yung mga bansang banas na banas sa Amerika dahil sa pangingi-alam nila, ay inaabangan kung sino kina Democrat presidential candidate Kamala Harris, at Donald Trump ng Republican, ang mananalo sa November 5 presidential election. November 6 sa atin. Nakasalalay sa eleksyon na ito kung magpapatuloy o matitigil na ang mga giyera…
Read MoreMAPAMINSALANG BAGYONG KRISTINE AT LEON
At Your Service Ni Ka Francis TUWING papalapit ang holiday seasons ay nakararanas ng malalakas na bagyo ang ating bansa. Nitong nakaraang linggo lamang ay magkasunod na pumasok sa Area of Responsibility (AOR) ang dalawang malalakas na bagyo na sina Kristine at Leon. Halos buong bansa ay binayo ng Bagyong Kristine na nag-iwan ng maraming pinsala sa buhay at mga ari-arian nating mga Pilipino. Pangunahing napuruhan ng Bagyong Kristine ay ang Bicol Region na pati ang kanilang mga tulay, kalsada, kabahayan, gusali, pananim at kumitil pa ng buhay ng mga…
Read MoreJOKE TIME SA PAGDINIG NG SENADO SA WAR ON DRUGS
PUNA ni JOEL O. AMONGO Na-PUNA ng netizens sa pinakahuling imbestigasyon ng Senado ukol sa extrajudicial killings at sa giyera laban sa droga, na ang dapat sana’y seryosong usapan ay naging biro dahil sa hindi maayos na pananalita ng dating pangulo. Sa isang pagkakataon, tinanong ni Senator Jinggoy Estrada si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit tanging sa kanila siya tumitingin at iniiwasan ang pagtama nila ng tingin ni dating senadora at dating kalihim ng katarungan Leila De Lima. Bilang tugon, nagbiro si Duterte na walang maganda sa panig na…
Read MoreHIGH RANKING CTG REMNANT NAPATAY NG MILITAR
ISANG high-ranking Communist Terrorist Group leader ang inihabol sa Todos Los Santos ng mga tauhan ng Philippine Army, 12th Infantry (Lick-Ém) Battalion sa Sitio Hilwan, Manica, Libacao, Aklan. Kinilala ang napaslang na remnant ng CTG na si Alvin Panoy alias “Jake/Vinmar”, 30, mula sa Lemery, Iloilo. Si alias “Jake” ay dating Finance and Logistic Officer (FLO) ng Squad II, Igabon Platoon, Central Front Komiteng-Rehiyon Panay. Matapos ang sagupaan ay na-recover ang bangkay ni Panoy at dinala ito sa Navejas Funeral Home sa Libacao, Aklan at saka dadalhin sa kanyang tinitirhan…
Read More3 BATA NALUNOD SA ILOG
NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng tatlong batang babae na nalunod noong Sabado ng umaga nang magkatuwaang maligo sa ilog sa Bulan, Sorsogon. Ayon sa ulat na ibinahagi ng Bulan Municipal Police Office, kabilang sa mga nalunod ang isang 9-anyos na batang babae at dalawa nitong kaibigan na kapwa walong taong gulang lamang. Sinasabing nagkatuwaang maglaro at maligo sa ilog sa Barangay Abad Santos bandang alas-10 ng umaga ang mga bata na hinihinalang napadpad sa malalim na bahagi ng ilog dahil sa lakas ng agos. Sinubukan pa umanong sagipin ng mga…
Read MoreLOOKOUT BULLETIN SA 7 OVP OFFICIALS
HINILING ng chair ng House committee on good government and public accountability sa Department of Justice (DOJ) na mag-isyu ng lookout bulletin laban sa pitong opisyales ng Office of the Vice President (OVP). Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng komite, ang kahilingan matapos isyuhan ng subpoena sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff and Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio; Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta; and Chief Accountant Julieta Villadelrey. Kasama din sa mga ipinalalagay…
Read MorePINOY SEAMAN IPAREHAS SAHOD SA IBANG LAHI – TULFO
NAIS ni Deputy Majority leader at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo na tiyakin ng Department of Migrant Workers (DMW) na pantay o parehas ang sahod ng mga Pinoy seaman at iba pang propesyon sa ibang mga lahi sa kanilang mga kontrata. “Matagal nang nakakarating sa aking tanggapan ang reklamo na ito pero walang magawa ang mga kababayan natin dahil hindi naman mga choosy tayong mga Pinoy,” ayon kay Cong. Tulfo. Aniya, “I encourage ang DMW natin na siguruhin na hindi dehado mga kababayan natin pagdating sa sahod at benepisyo”. Suhestiyon naman…
Read More