NASALANTA rin ang Coast Guard Substation sa bayan ng Dilasag, Aurora matapos ang pag-landfall ng bagyong ‘Nika’ sa naturang bayan nitong Lunes, Nobyembre 11. Base sa pinakahuling report ng Coast Guard District Northeastern Luzon, inilipad ang malaking bahagi ng bubungan nito at pumasok ang tubig-ulan sa loob ng pasilidad. Nasira rin ang ilang bahagi ng istasyon, dala na rin ng malalakas na hangin. Sa kabila nito, ligtas at nasa maayos na kalagayan ang lahat ng mga CG personnel na naka-deploy sa naturang lugar. Magugunitang, alas-8 ng umaga nitong Nob. 11,…
Read MoreDay: November 12, 2024
MMDA, COMELEC LUMAGDA SA MOA PARA SA HALALAN 2025
PORMAL nang sinelyuhan nitong Martes, Nobyembre 12, ang memorandum of agreement sa pagitan ng Metropolitan Manila Development Authority at Commission on Elections, sa pangunguna nina MMDA Chairman Atty. Don Artes at Comelec Chairman Atty. George Garcia. Laman ng nasabing kasunduan na payagan ang Comelec na magamit ang command center ng MMDA para ma-monitor ang operasyon at sitwasyon sa Metro Manila lalo na sa darating na Halalan 2025 kung saan maigting ding tututukan ang pagbabantay sa election paraphernalia at equipment. Bukod pa rito, nagpahiram din ang MMDA ng body cameras para…
Read MoreDahil sa paparating pang mga bagyo EVACUEES SA REGION 2, CAR PINAYUHANG MANATILI SA EVAC CENTERS
HINDI pa pinababalik sa kanilang mga tahanan ng Office of Civil Defense 2 ang mga residente na nagsilikas malapit sa mga ilog at dalisdis ng bundok, maging sa ilang lugar sa Cordillera Autonomous Region, bunsod ng paparating pang mga bagyo kasunod ni Tropical Storm Nika na humagupit sa hilagang Luzon. Nabatid na patuloy na nagsasagawa ng assessment ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) kung pababalikin na sa kani-kanilang tahanan ang mga evacuee dahil meron pang susunod na mga bagyo. Ayon sa PAGASA, ang mga bagyong darating…
Read MoreMatatalo ‘pag dinaan sa boto CHA-CHA DAAN PARA MAGING PRESIDENTE SI ROMUALDEZ – VP SARA
(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) INAKUSAHAN ni Vice President Sara Duterte si House Speaker Martin Romualdez na pipiliting isulong ang Charter change upang maging presidente ito ng bansa. Sa press conference kamakalawa sa Bacolod City satellite office nito noong Lunes, sinabi ni VP Sara na kung hindi makakakuha ng popular vote si Romualdez, isusulong na lang nito ang Cha-cha at tatakbo ito bilang prime minister. Kasabay nito, itinanggi ni Duterte ang umano’y political plot na tinawag na “Save the Queen” para gawin siyang sunod na pangulo ng Pilipinas. Kaugnay ito sa…
Read MoreSession cancelled – Quadcom KAMARA HAHARAPIN NA NI DIGONG
INANUNSYO kahapon ni dating presidential spokesperson Salvador Panelo na pupunta ngayong araw (Miyerkoles) si dating pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa upang komprontahin ang House quad committee ukol sa mga kontrobersyang ibinabato laban sa kanya. Sa ulat ng ABS-CBN, kinuwestiyon ni Panelo ang pagkansela ng quad comm sa pagdinig ngayong araw para ilipat sa Nobyembre 21, 2024 dakong 9:30 ng umaga. “Why after demanding his presence and accepting their invitation and coming here last night, they will just cancel it without prior notice?” ani Panelo. “He will ask them to…
Read MoreVILLAR TUTOL SA PAGTATAYO NG CONDO NG DHSUD
MARIING tinutulan ni Sen. Cynthia Villar ang mga plano ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na magtayo ng mga condominium bilang pangunahing solusyon sa backlog ng pabahay sa Pilipinas. Sa deliberasyon ng badyet ng DHSUD para sa 2025 nitong Martes, nangatwiran si Villar na ang mga condominium ay maaaring hindi isang abot-kayang opsyon para sa mga nasa bracket na mas mababa ang kita. “Bakit mo inuuna ang 3.2 million condominium units para sa middle class kung ang mandato mo ay tulungan ang mga mahihirap at walang tirahan?…
Read MoreGARMA PUMUSLIT PA-US, ARESTADO KASAMA ANAK
HINDI pa man nag-iinit ang mga paa sa lupain ni Uncle Sam sa Amerika, nasakote na ang mag-inang Garma na palihim umanong lumabas ng Pilipinas kamakailan. Dahil dito, minamadali na ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapabalik sa bansa kina dating PCSO Chairman at Police Colonel Royina Garma at anak nitong si Angelica Garma Vilela na naaresto ng mga otoridad sa San Francisco, California nitong November 7, 2024. Kasunod ito ng report ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na nasa mga kamay…
Read MoreHindi lang Bar passers BOARD PASSERS ‘MATIC’ SA CIVIL SERVICE ELIGIBILITY
HINDI lamang ang mga nakapasa sa Bar Examinations ang otomatikong civil service eligibles kundi maging ang mga board passers sa mga board exam na ibinibigay ng Professional Regulation Commission (PRC) at Maritime Industry Authority (MARINA). Ito ang paglilinaw na ginawa ng Civil Service Commission (CSC) kahapon dahil ito umano ang nakasaad sa Republic Act No. 1080 o “An Act Declaring the Bar and Board Examinations as Civil Service Examinations.” Nakasaad anila sa batas na “the bar examinations and the various examinations conducted by government boards are regarded as civil service…
Read MoreVP SARA INAKUSAHAN NG “COVER UP” SA P500-M OVP CONFI FUNDS
INAKUSAHAN nitong Martes ng pag-cover up si Vice President Inday Sara Duterte sa pamamagitan ng pagpigil sa malalapit niyang tauhan—na sinasabing sangkot sa maling paggamit ng P500 milyon na confidential funds ng Office of the Vice President (OVP)—na dumalo sa imbestigasyon ng Kongreso. Ipinahayag ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chiar ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagdalo ng mga opisyal na may direktang responsibilidad sa paghawak ng pampublikong pondo na sinusuri. “Ang nakikita po namin dito, ang pinapupunta po nila…
Read More