PORMAL nang inilunsad kahapon ng House of Representatives, sa pamumuno ni Speaker Martin G. Romualdez, ang Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) Mall Tour, kung saan umabot sa kabuuang P268.5 milyon ang naipamahaging ayuda sa 53,000 kwalipikadong empleyado ng mall at empleyado ng mga tenant sa apat na malalaking SM Supermalls sa Metro Manila. Ayon kay Speaker Romualdez, ang AKAP Mall Tour ay pagtugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos para sa isang sama-samang pagkilos ng pamahalaan upang harapin ang epekto ng inflation at pagtaas ng presyo…
Read MoreDay: November 12, 2024
Sasakyan idinaan sa EDSA Busway TAUHAN ‘DI KUKUNSINTIHIN NG PDEA
TINIYAK kahapon ng pamunuan ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi nila kukunsintihin ang kanilang mga tauhan na nahuling dumaan sa EDSA Busway noong Martes. Ayon kay PDEA Public Information Office chief, Director III Laurefel P. Gabales. “The Agency will not condone such action. An Internal investigation is underway, and rest assured that administrative sanctions awaits the violators.” Nabatid na sinita at tinikitan ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang isang sasakyan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na dumaan sa EDSA Busway noong Martes ng umaga.…
Read More2025 MARIKINA CITY BUDGET NIRATSADA NA, PA-SECRET PA?
CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGDADABOG ang mga Marikenyo. Wala raw silang kaalam-alam na inaprubahan na pala ng mga konsehal na kaalyado ng kanilang Mayor Marcy Teodoro sa committee level, ang pondo ng lungsod para sa susunod na taon. Nangyari ito noong nakaraang Huwebes, Nobyembre 7. Reklamo nila, paspasan na ay pasikreto pa ang ginawang deliberasyon ukol sa city budget. Ganun? Kung totoo. Bakit kailangan itago sa mga Marikenyo at minadali pa? Ang pakiramdam tuloy ngayon ng mga residente ng Marikina ay parang nalansi sila. Sa Pasig, walong araw ang budget…
Read MoreZERO AYUDA
KAPE AT BRANDY ni Sonny T. Mallari NITONG nakaraang Lunes ay pumila ako sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development upang humingi ng tulong sa porma ng cash aid o ayuda. Dala ko ang isusumite kong mga dokumento – health certificate, reseta at order ng doktor sa kailangan kong medical tests. Kalakip din ang aking certificate of indigency mula sa tanggapan ng barangay na tinitirhan ko bilang patunay na nakaharap ako sa kagastusan na mahihirapan akong tugunan dahil sa kasalukuyang krisis sa buhay na dinaranas ko. Habang nakaupo…
Read MoreATTY. FRED GARBIN IDINEKLARA BILANG ALKALDE NG LEGAZPI CITY
TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG INILABAS ng Commission on Elections (Comelec) En Banc ang Writ of Execution na nagtatapos sa mahabang proseso ng disqualification laban kay suspended Legazpi City Mayor Carmen Geraldine Rosal. Ipinag-utos ng Comelec na ipawalang-bisa ang kanyang proklamasyon at i-proklama si Atty. Alfredo Garbin Jr. bilang opisyal na alkalde ng lungsod. Ang hakbang na ito ay may matinding epekto hindi lamang sa pulitika ng Legazpi kundi pati na rin sa pamamahala sa buong lalawigan ng Albay. Matatandaang kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Comelec na…
Read MoreGawing totohanan ang paglilinis sa Customs at live and let live!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA MAY ilang nagtanong: Bakit daw sa kabila ng mga reporma at kampanya kontra katiwalian at korupsiyon sa Bureau of Customs (BoC) ay hindi pa rin mabuwag-buwag ang mga sindikato ng ismagler at mga palusutan dito? Bakit nga ba, at ang kasunod na tanong: Dapat na nga bang palitan ang kasalukuyang mga opisyales dito at maglagay ng mga santo sa Customs para ang ismagling, katiwalian at iba pang dumi rito ay tuluyang malinis? Dismayado na kasi ang karamihan ng ating mga tagasubaybay, kailan raw ba…
Read MorePAGLIKHA NG WATER MANAGEMENT DEPARTMENT NAPAPANAHON – BRIAN POE
NANINIWALA si Brian Poe Llamanzares, unang nominado ng FPJ Panday Bayanihan Partylist, na ang dedikadong paglikha ng Water Management Department ay mahalaga sa pagharap sa krisis sa tubig ng Pilipinas. Sa kanyang research presentation, “A Governance Framework for the Philippine Water Security and Resource Management,” na ibinigay sa 6th Katipunan Conference on National Security and Economic Resilience, binigyang-diin ni Llamanzares ang pangangailangan para sa isang ahensya na mangasiwa at mamahala sa mga yamang tubig ng bansa. Sa kasalukuyan, mahigit 30 ahensya ng gobyerno ang may pananagutan para sa iba’t ibang…
Read More