PANSAMANTALANG papalitan ang security ni Vice President Sara Duterte, ayon kay Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner kasunod ng ginawang AFP Leadership Summit sa Camp Aguinaldo, Quezon City. Agad din nilinaw ni Brawner na pansamantala lang papalitan ang mga existing military personnel na naka-deploy sa ilalim ng Vice President Security and Protection Group (VPSPG). “Hindi po natin iiwan, because the security of the Vice President is still of primary concern to us. Dahil nga po, kung merong nangyari, let’s say may nangyari sa ating Vice…
Read MoreDay: November 28, 2024
DISBARMENT CASE VS VP INDAY
NAGPASAKLOLO sa Korte Suprema ang anti-poverty czar na si Larry Gadon para i-disbar si Bise Presidente Sara Duterte dahil sa umano’y banta nitong pagpatay laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at sa ilang miyembro ng pamilya nito. Nabatid ang Korte Suprema ay kailangang “magpasimula ng motu proprio proceeding of disbarment” laban kay Duterte para sa paglalabas ng mga pahayag na “walang pagsala na ilegal, imoral at hinahatulan,” nakasaad sa liham ni Atty. Gadon. “Ang live na presscon na ito sa Zoom ay nasa maraming platform ng social media at nakita…
Read More13 UNDOCUMENTED CHINESE HULI SA DREDGING SHIP SA BATAAN
DINAMPOT ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 13 undocumented Chinese nationals sa isang dredging vessel na naka-angkla sa Mariveles, Bataan. Ayon sa impormasyong ibinahagi ni Commodore Jay Tarriela, Tagapagsalita ng PCG para sa WPS, ang sasakyang pandagat na Harvest 89 ay nag-abiso na bibiyahe patungong San Felipe, Zambales para sa dredging operations. Sa kabila nito, nagduda ang PCG nang tumanggi ang ahente ng barko na payagan silang mag-inspeksyon sa kadahilanang kumpleto naman ang kanilang mga dokumento. Dahil dito, mas ginawang masusi ang inspeksyon ng PCG sa Limay Substation at nakita…
Read MoreSULU MABOBOKYA SA PONDO
MABOBOKYA sa pondo ang lalawigan ng Sulu kung hindi agad kikilos ang Department of Budget and Management (DBM) para pondohan ang mga pangangailangan ng nasabing lalawigan, partikular na sa serbisyo at pagpapasweldo sa mga empleyado. Ginawa ni House Deputy Minority Leader Basilan Rep. Mujiv Hataman ang babala matapos maging pinal ang desisyon ng Korte Suprema na ihiwalay sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ang lalawigan ng Sulu. “Hindi maaaring maantala ang mga serbisyong ng lokal na pamahalaan ng Sulu. Nananawagan ako sa DBM at iba pang ahensya na…
Read MoreKASANAYAN SA TUPAD BENEFICIARIES TIYAKIN – REP. NOGRALES
IGINIIT ng chair ng House of Representatives labor and employment committee na kailangan magkaroon ng kasanayan (skillset) ang mga benepisyaryo ng Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program para magamit nila habang nagtatrabaho sa pamahalaan. “We can improve the value of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced (TUPAD) program by providing our beneficiaries with opportunities to gain new knowledge that would give them a better chance at finding employment or starting small businesses,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ang TUPAD program ng Department of Labor and Employment (DOLE)…
Read MorePanawagan kina Marcos, Duterte ‘TIGIL-PUTAKAN’ PARA SA BAYAN
(CHRISTIAN DALE/DANG SAMSON-GARCIA) UMAPELA na ang iba’t ibang indibidwal at grupo sa kampo ng mga Marcos at Duterte na pahupain ang tensyon para sa kapakanan ng bayan. “Cool it down for the sake of the country,” ang pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile sa lumalalim na away nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. “I think the less we talk about that, the better. My God, we are one country, one people. We have to fight our political debates in a very straightforward manner.…
Read MoreP2-B BRIBERY ISSUE SA NFA BINUHAY SA KAMARA
MATAPOS ang anim na taon, binuhay sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umano’y P2 billion bribery issue noong panahon ni dating National Food Authority (NFA) administrator Jason Aquino. Sa pagdinig ng Quinta Committee hinggil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, binanggit ng lead chair nito na si Albay Rep. Joey Salceda ang nasabing isyu sa NFA noong 2018. “No one has gone to jail for allegations of bribery in obtaining import permits, or for the NFA’s failure to undercut cartels by diverting palay procurement funds to loan…
Read MoreBONG GO MAY CLOSE FRIEND NA DRUG LORD – PDEA
KAIBIGAN ni dating Special Assistant to the President (SAP) at ngayo’y Senator Christopher “Bong” Go ang isa sa mga Chinese drug lord na si Alan Lin. Ito ang bahagi ng matrix na iprinisinta ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Deputy Director General Renato Gumban sa ika-12 pagdinig ng House Quad committee sa illegal drugs, Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at Extra-Judicial Killings (EJK). Base umano sa mapagkakatiwalaang impormante ng PDEA, si Alan Lin ay gumagamit ng iba’t ibang pangalan tulad ng Jeffrey Lin, Ayong Lin at Weng Li Chen. “According…
Read More